Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Do not judge, so that you may not be judged. “Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan.
2 For you'll be judged by the judgment you use, and measured by the measure you give. Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
3 Why look at the speck in your brother's eye but miss the log in your own? “Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata?
4 Or how can you tell your brother, 'Let me remove the speck from your eye,' when a log is in yours? Paano mo masasabi sa iba, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may troso sa iyong mata?
5 Hypocrite, first remove the log from your own eye; then you'll see clearly to remove the speck from your brother's eye. Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.
6 "Don't give dogs what is holy, or throw your pearls before pigs—they'll trample them underfoot, then turn and tear you apart. “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga itinuturing na banal, dahil baka balingan nila kayo at lapain. At huwag din ninyong ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas, dahil tatapak-tapakan lang nila ang mga ito.
7 "Ask, and you'll receive it; seek, and you'll find; knock, and it'll open for you. “Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.
8 For everyone who asks receives, whoever seeks finds, and whoever knocks, it will be opened. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
9 Or what person among you, if his son asks him for bread, will give him a stone? “Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung humihingi siya ng tinapay?
10 Or if he asks for a fish, will give him a snake? O ng ahas kung humihingi siya ng isda?
11 So if you, being evil, know how to give your children good gifts, how much more will your Father in heaven give good things to those who ask him? Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya.
12 "So in everything, treat people the way you want them to treat you; for this is the Law and the Prophets. “Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta.
13 "Enter through the narrow gate, for the gate is wide, the road broad, leading to destruction, and many enter through it. “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon.
14 But the gate is narrow, the road narrow, that leads to life; few find it. Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon.
15 "Beware false prophets: they come to you in sheep's clothing but are ravenous wolves inside. “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo.
16 By their fruit you will recognize them. Are grapes gathered from thornbushes, or figs from thistles? Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman.
17 In the same way, every good tree bears good fruit, but the bad tree bears bad fruit. Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama.
18 A good tree cannot bear bad fruit, nor can a bad tree bear good fruit. Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno.
19 Every tree that does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire. Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.
20 So then, by their fruit you will recognize them. Kaya nga, makikilala ninyo ang mga bulaang propeta sa kanilang mga gawa.
21 "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the kingdom of our Father, but the one who does the will of my Father in heaven. “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit.
22 Many will say to me on that day, 'Lord, Lord, didn't we prophesy in your name, drive out demons in your name, do many miracles in your name?' Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi po baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng propesiya, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng maraming himala?’
23 Then I will tell them plainly: 'I never knew you; get away from me, you lawbreakers.' Ngunit malinaw kong sasabihin sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’
24 "So anyone who hears these words of mine and does them will be like a wise man whose house was built on the rock. “Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.
25 Rain fell, floods came, winds blew and beat against that house, but it didn't fall, because it was founded on rock. Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa pundasyong bato.
26 And everyone who hears these words of mine and doesn't do them is like a foolish man who built his house on sand. Subalit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi naman ito sinusunod ay maihahalintulad sa isang hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin.
27 The rain fell, floods came, winds blew and hit that house, and it fell—and its fall was great." Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, nagiba ito at tuluyang bumagsak.”
28 When Jesus had finished saying these words, the crowds were astonished at his teaching, Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga ito, namangha ang mga tao sa pagtuturo niya,
29 because he was teaching them as one who had authority, and not as their scribes. sapagkat nagturo siya nang may awtoridad at hindi tulad ng mga tagapagturo nila ng Kautusan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]