Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Take care not to practice your righteousness before others to be seen by them, or you have no reward from your Father in heaven. “Mag-ingat kayo at baka ang paggawa ninyo ng mabuti ay pakitang-tao lamang. Sapagkat kung ganyan ang ginagawa ninyo, wala kayong matatanggap na gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit.
2 So when you give to the needy, don't announce it with a trumpet, like the hypocrites do in synagogues and streets, to be praised by people. I assure you: they've already received their full reward. “Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
3 But when you give to the needy, don't let your left hand know what your right hand does, Sa halip, kung magbibigay kayo ng limos, huwag ninyong ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng inyong kanang kamay,
4 so that your gift stays secret. Your Father, who sees in secret, will repay you. upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.”
5 "When you pray, don't be like hypocrites who love praying standing in synagogues and on street corners to be seen by others. Truly, I tell you: they've already received their full reward. “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Gustong-gusto nilang manalangin nang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto ng lansangan para makita sila ng ibang tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila nang buo ang kanilang gantimpala.
6 But when you pray, go into your room, shut the door, and pray to your Father in secret. Your Father who sees in secret will reward you. Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.
7 When you pray, don't babble like those who don't know the Father, because they think many words will get them heard. At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga Hentil. Akala nilaʼy pakikinggan sila kung marami silang sinasabi.
8 Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him. Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi.
9 This, then, is how you should pray: 'Our Father in heaven, may your name be honored as holy, “Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang inyong ngalan.
10 your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Dumating nawa ang inyong kaharian, at sundin nawa ang inyong kalooban dito sa lupa katulad ng sa langit.
11 Give us today our daily bread. Bigyan nʼyo kami ng aming pagkain sa araw-araw,
12 And forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors. at patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
13 And lead us not into temptation, but deliver us from the evil one.' At huwag nʼyong ipahintulot na kamiʼy matukso kundi iligtas nʼyo po kami sa masama. [Sapagkat inyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]
14 "For if you forgive others their sins, your heavenly Father will also forgive you. Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.
15 But if you do not forgive others their sins, neither will your Father forgive your sins. Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.’ ”
16 "When you fast, don't look gloomy like the hypocrites—they disfigure their faces to show others they're fasting. Truly, I tell you, they have their full reward. “Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magkunwaring malungkot katulad ng mga pakitang-tao. Sapagkat sinasadya nilang hindi mag-ayos ng sarili para ipakita sa iba na nag-aayuno sila. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
17 But when you fast, put oil on your head and wash your face, Sa halip, kung mag-aayuno kayo, mag-ayos kayo ng sarili at maghilamos,
18 so you don't appear to others as fasting, but only to your Father, who is hidden. Then your Father, who sees what's hidden, will reward you. upang hindi malaman ng iba na nag-aayuno kayo, maliban sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.
19 "Do not store up treasures for yourselves on earth, where moth and rust destroy, and thieves break in and steal. “Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito.
20 But store up treasures in heaven for yourselves, where neither moth nor rust destroys, and thieves can't break in and steal. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito.
21 For where your treasure is, there your heart will be also. Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.
22 "The eye is the body's lamp. If your eye is clear, your whole body will be full of light. “Ang mata ay parang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan.
23 But if your eye is bad, your whole body will be dark. If then the light in you is darkness, how great that darkness is! Ngunit kung malabo ang iyong mata, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung dumilim ang ilaw na nasa iyo, magiging napakadilim ng iyong kalagayan.
24 "No one can serve two masters: he'll hate one and love the other, or hold to one and despise the other. You can't serve our Father and money. “Walang taong makapaglilingkod sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.
25 "So I tell you: don't worry about your life—what you'll eat or drink—or body—what you'll wear. Isn't life more than food, body more than clothes? “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
26 Look at the birds in the sky: they don't plant, harvest, or store in barns, yet your heavenly Father feeds them. Aren't you worth more than they? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?
27 Can any of you by worrying add a single hour to your life? Kaya ba ninyong dagdagan nang kahit isang oras man lang ang buhay ninyo sa pag-aalala ninyo?
28 And why worry about clothing? Consider the lilies of the field, how they grow: they don't work or spin. “At bakit kayo nag-aalala kung ano ang isusuot ninyo? Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o nagtatahi ng damit.
29 Yet I tell you: not even Solomon, in all his glory, was dressed like one of these. Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng damit na kasingganda ng mga bulaklak na ito sa kabila ng kanyang karangyaan.
30 If our Father clothes the field's grass like this—here today, thrown into the fire tomorrow—won't he much more clothe you, you of little faith? Kung ganito dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang, na buhay ngayon ngunit bukas ay itatapon sa apoy, kayo pa kaya? Tiyak na bibihisan niya kayo nang higit pa sa mga ito. Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!
31 "So don't worry, asking, 'What will we eat?' or 'What will we drink?' or 'What will we wear?' Kayaʼt huwag kayong mag-alala at magsabi, ‘Ano ang kakainin namin?’ o ‘Ano ang iinumin namin?’, o ‘Ano ang susuotin namin?’
32 For those who don't know the Father chase all these things, but your heavenly Father knows you need them. Ito ang mga bagay na pinagsisikapan ng mga Hentil, ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
33 But seek first our Father's kingdom and his righteousness, and all these will be added to you. Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.
34 So don't worry about tomorrow—it will worry about itself. Each day has enough trouble of its own." Kaya huwag ninyong alalahanin ang mangyayari bukas; bukas nʼyo na lamang harapin ang mga nakatakdang kabalisahan nito. Sapat na ang mga kabalisahan ng bawat araw.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]