Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Seeing the crowds, Jesus went up the mountain; when he sat down, his disciples came to him. Nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga alagad niya,
2 And he opened his mouth and began to teach them, saying: at nagsimula siyang mangaral. Sinabi niya,
3 "Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of our Father. “Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila sa harapan ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
4 Blessed are those who mourn, for they will be comforted. Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5 Blessed are the meek, for they will inherit the earth. Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
6 Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they will be satisfied. Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaʼy masisiyahan.
7 Blessed are the merciful, for they will receive mercy. Pinagpala ang mga taong mahabagin, sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.
8 Blessed are the pure in heart, for they will see our Father. Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Blessed are the peacemakers, for they will be called children of our Father. Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
10 Blessed are those who are persecuted for righteousness' sake, for theirs is the kingdom of our Father. Pinagpala ang mga taong inuusig dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
11 "Blessed are you when people insult, persecute, and lie about every kind of evil against you because of me. “Pinagpala kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan.
12 Rejoice and be glad, for your reward is great in heaven, for they persecuted the prophets before you the same way. Magalak kayo at matuwa sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit. Alalahanin ninyo, inusig din ang mga propeta noon.
13 "You are the salt of the earth. But if salt loses its taste, how can it be salted again? It's no longer good for anything but being thrown out and trampled by people. “Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao.
14 "You are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden. “Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol.
15 No one lights a lamp and puts it under a basket, but sets it on a stand to light everyone in the house. Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay.
16 Likewise, let your light shine before people, so they see your good works and glorify your Father in heaven. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.
17 "Don't think I came to abolish the Law or the Prophets—I didn't come to abolish them, but to fulfill them. “Huwag nʼyong isiping naparito ako para ipawalang-bisa ang Kautusan ni Moises o ang isinulat ng mga propeta. Sa halip, naparito ako para isakatuparan ang mga ito.
18 For truly I tell you: until heaven and earth pass, not one letter, not one stroke, will pass from the Law until everything is done. Ngunit sinasabi ko sa inyo ang totoo, hanggaʼt hindi naglalaho ang lupa at kalangitan, hindi rin maglalaho kahit isang tuldok o kudlit sa Kautusan hanggaʼt ang lahat ng itoʼy maisakatuparan.
19 So whoever breaks one of these least commands and teaches others the same will be called least in the kingdom of our Father; but whoever keeps and teaches them will be called great in the kingdom of our Father. Kaya ang sinumang lumabag sa kahit pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakahamak sa kaharian ng Langit. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at magturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Langit.
20 For I tell you, unless you are more righteous than the scribes and Pharisees, you'll never enter the kingdom of our Father. Kaya tandaan ninyo: Kung hindi ninyo mahihigitan ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Langit.
21 "You've heard that it was said to those of old, 'Do not murder; whoever murders is subject to judgment.' “Narinig ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Huwag kang papatay, dahil ang sinumang pumatay ay lilitisin.’
22 But I tell you: whoever is angry with his brother risks judgment. Whoever insults his brother risks the council, and whoever says, 'You fool!' risks fiery hell. Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang may galit sa kanyang kapatid ay lilitisin. At ang sinumang manlait sa kanyang kapatid ay ihaharap sa Sanhedrin. Gayundin ang sinumang mang-aalipusta ay itatapon sa apoy ng impiyerno.
23 "So if you're offering your gift at the altar and recall there that your brother has something against you, “Kaya kung mag-aalay ka ng handog sa altar ng Diyos, at naalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid,
24 leave your gift there before the altar, go make peace with your brother first, then come offer your gift. iwan mo muna sa harap ng altar ang iyong handog at makipagkasundo ka sa kanya. At saka ka bumalik at maghandog sa Diyos.
25 Make peace with your accuser quickly, while still on the way with him, or he may hand you over to the judge, the judge to the officer, and you may be thrown into prison. “Kapag may nagsampa ng kaso laban sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman. Dahil kung hindi, ihaharap ka niya sa hukom, at ibibigay ka naman ng hukom sa pulisya para ibilanggo.
26 Truly I tell you, you will never get out until you have paid the last penny. Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.
27 "You have heard that it was said, 'You shall not commit adultery.' “Narinig ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’
28 But I tell you: everyone who looks at a woman lustfully has already committed adultery with her in his heart. Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.
29 If your right eye makes you stumble, tear it out and throw it away—better to lose one part of your body than have your whole body thrown into hell. Kaya kung ang kanang mata mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno.
30 If your right hand makes you sin, cut it off and throw it away. Better to lose one part of you than have your whole body go into hell. At kung ang kanang kamay mo ang sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa sa buong katawan mo ang itatapon sa impiyerno.
31 "It was also said, 'Whoever divorces his wife must give her a certificate of divorce.' “Sinabi rin, ‘Kung nais ng isang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawa, kinakailangang bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay.’
32 I tell you: whoever divorces his wife, except for sexual sin, makes her a victim of adultery; and whoever marries a divorced woman commits adultery. Ngunit sinasabi ko sa inyo na kapag hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, siya na rin ang nagtulak sa kanyang asawa na mangalunya kapag nag-asawa itong muli. At ang sinumang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.
33 "Again, you've heard it was said to the ancients: 'Don't break your oath—fulfill it to our Father.' “Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Huwag mong sirain ang iyong pangako, sa halip ay tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’
34 But I tell you, do not swear an oath at all: neither by heaven, for it is our Father's throne, Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ dahil naroon ang trono ng Diyos,
35 nor by the earth, for it's the footstool for his feet, nor by Jerusalem, for it's the city of the great King. o ‘Saksi ko ang lupa,’ dahil ito ang tuntungan ng kanyang paa, o ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ dahil ito ang lungsod ng dakilang hari.
36 And do not swear by your head, for you cannot make a single hair white or black. At huwag din ninyong sasabihing, ‘Mamatay man ako!’ dahil ni isang hibla ng buhok sa inyong ulo ay hindi ninyo kayang paputiin o paitimin.
37 Let your 'Yes' be 'Yes,' and your 'No,' 'No'; anything beyond this comes from the evil one. Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.
38 "You have heard that it was said, 'Eye for eye and tooth for tooth.' “Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’
39 But I tell you: don't resist an evil person. If someone slaps your right cheek, turn the other cheek to him too. Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
40 If anyone wants to sue you and take your tunic, let him have your cloak too. Kung ihabla ka ng sinuman at kunin ang iyong damit, ibigay mo na rin pati ang iyong balabal.
41 And if anyone forces you to go one mile, go with him two. Kung may pipilit saʼyo na pasanin ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro.
42 Give to whoever asks you, and don't turn away whoever wants to borrow from you. Bigyan mo ang sinumang nanghihingi sa iyo, at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo.”
43 "You have heard that it was said, 'You will love your neighbor and hate your enemy.' “Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mahalin mo ang iyong kapwa, at kamuhian mo ang iyong kaaway.’
44 But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you, Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.
45 so you may become children of your Father in heaven, because he makes his sun rise on evil and good and sends rain on just and unjust. Kung gagawin ninyo ito, pinatutunayan ninyong tunay ngang mga anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga matutuwid at sa mga hindi matutuwid.
46 If you love those who love you, what reward is that? Don't even tax collectors do the same? Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Diyos? Hindi baʼt ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis?
47 If you greet only your brothers, what more do you do than others? Don't even the Gentiles do that? At kung ang inyong kapwa lamang ang inyong binabati, may nagawa ba kayong nakahihigit sa iba? Hindi baʼt ginagawa rin ʼyan ng mga Hentil?
48 Be perfect, therefore, as your heavenly Father is perfect." Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]