Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "If someone's offering is a peace offering from the herd, male or female, he must present it without defect before me. “ ‘Kapag may mag-aalay ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, kinakailangang ang iaalay niya sa harapan ng Panginoon ay isang hayop na walang kapintasan.
2 He lays his hand on his offering's head and slaughters it at the tent of meeting's entrance, and Aaron's sons the priests splash the blood against all sides of the altar. Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng baka na ihahandog niya at pagkatapos, papatayin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar.
3 From the peace offering he must present to me a food offering made by fire: the fat covering the inner parts and all the fat on them, Mula sa handog pangkapayapaan, kukuha ang nag-alay ng bahagi na susunugin para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba na nasa loob ng tiyan at ang tabang nakadikit sa lamang-loob,
4 both kidneys with the fat on them near the flanks, and the long lobe of the liver, which he removes with the kidneys. ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
5 Aaron's sons will burn it on the altar atop the burnt offering on the wood over the fire—a food offering, a pleasing aroma to me. Ang mga itoʼy susunugin ng mga anak ni Aaron sa altar kasama ng handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
6 "If his peace offering to me is from the flock, male or female, he must present it without defect. “ ‘Kung mag-aalay kayo sa Panginoon ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, puwedeng lalaki ito o babae, ngunit wala dapat itong kapintasan.
7 If he brings a lamb as his offering, he is to present it before me, Kung mag-aalay kayo ng tupa sa Panginoon,
8 lay his hand on the head of his offering and slaughter it before the tent of meeting; Aaron's sons will splash its blood on all sides of the altar. ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng tupa at papatayin ninyo ito sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo ng handog sa paligid ng altar.
9 From the peace offering he must present a food offering to me by fire: its fat, the whole fat tail cut off close to the backbone, the fat covering the inner parts, and all the fat on them, At mula sa handog pangkapayapaan na itoʼy kukuha kayo ng pagkaing handog na susunugin para sa Panginoon; ang mga taba, ang buntot na mataba na sagad sa gulugod ang pagkakaputol, ang lahat ng taba sa lamang-loob,
10 both kidneys with the fat near the loins, and the liver's long lobe, which he removes with the kidneys. ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
11 The priest will burn it on the altar as food, an offering made to me by fire. Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
12 "If his offering is a goat, he is to present it before me, “ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;
13 lay his hand on its head and slaughter it in front of the tent of meeting; Aaron's sons will splash its blood on all sides of the altar. ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng kambing at papatayin ninyo sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.
14 From it he must present a food offering to me by fire: the fat covering the inner parts and all the fat on them, Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,
15 both kidneys with their fat near the loins, and the liver's long lobe, which he removes with the kidneys. ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
16 The priest will burn them on the altar as food, an offering by fire, a pleasing aroma. All fat is mine. Susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na pagkaing nakalulugod ang samyo. Ang lahat ng taba ay sa Panginoon.
17 "This is a lasting rule for all generations, wherever you live: never eat any fat or any blood." “ ‘Huwag kayong kakain ng taba o dugo. Panghabang-panahon ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ang susunod pang mga henerasyon sa inyo.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]