Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jude 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jude, servant of Jesus Christ and brother of James, to those called, loved in our Father and kept for Jesus Christ: Mula kay Judas na lingkod ni Hesu-Kristo at kapatid ni Santiago, Sa mga tinawag ng Diyos Ama na minamahal niya at iniingatan ni Hesu-Kristo:
2 May mercy, peace, and love be multiplied to you. sumainyo nawa ang nag-uumapaw na awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Diyos.
3 Beloved, though eager to write about our shared salvation, I had to write urging you to fight for the faith once for all given to the holy ones. Mga minamahal, nais ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, ngunit naisip kong mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang panindigan ang pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga hinirang ng Diyos.
4 For some have slipped in unnoticed, long ago marked out for this judgment—godless people who twist our Father's grace into a license for lust, and deny our only Master and Lord, Jesus Christ. Sapagkat hindi ninyo namalayang may mga taong sumapi sa inyong grupo na hindi kumikilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang mga aral tungkol sa biyaya ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kahalayan nila. Noon pa man ay nakatakda na silang parusahan dahil ayaw nilang kilalanin ang Panginoong Hesu-Kristo na ating Pinuno at Panginoon.
5 Now I want to remind you, though you already know all this, that Jesus, having saved a people out of the land of Egypt, afterward destroyed those who did not believe. Bagamaʼt alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa lupain ng Ehipto, sa bandang huli ay pinuksa pa rin niya ang mga hindi nanalig sa kanya.
6 The angels who didn't keep their own position but left their proper home, he has kept in eternal chains, under deep darkness, for judgment on the great day. Ipinapaalala ko rin ang tungkol sa mga anghel na hindi nakuntento sa saklaw ng kanilang kapangyarihan at sa halip ay iniwan ang kanilang katayuan. Ikinulong sila ng Diyos sa napakadilim na lugar at ginapos ng mga kadenang hindi kailanman malalagot hanggang sa dakilang araw ng paghuhukom.
7 Likewise Sodom, Gomorrah, and the nearby towns, given to sexual sin and pursuit of unnatural flesh, stand as an example, suffering the punishment of eternal fire. Gayundin ang nangyari sa Sodoma at Gomora at sa mga karatig-bayan na nalulong sa lahat ng uri ng kalaswaan, pati na sa di-likas na pagnanasang seksuwal. Pinarusahan sila sa walang hanggang apoy bilang babala sa lahat.
8 Yet these dreamers likewise pollute their flesh, reject authority, and insult glorious ones. Ganyan din iyong mga taong sumapi sa grupo ninyo. May mga pangitain silang nag-uudyok sa kanila na mamuhay nang imoral. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa maykapangyarihan, at hinahamak nila ang mga makalangit na nilalang.
9 But Michael the archangel, contending with the devil, argued about Moses' body, not daring to bring an insulting judgment against him, but said, "May our Father rebuke you." Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, noong nakipagtalo siya sa diyablo kung sino sa kanila ang kukuha ng bangkay ni Moises, hindi siya nangahas na humatol nang may panlalapastangan. Sa halip, sinabi lang niya, “Sawayin ka nawa ng Panginoon!”
10 But these people insult whatever they don't understand; what they do understand by instinct, like unreasoning animals, destroys them. Ngunit ang mga taong itoʼy lumalapastangan sa mga bagay na hindi nila nauunawaan. Tulad ng mga hayop na hindi nag-iisip, wala silang ibang sinusunod kundi ang likas na hilig ng kanilang katawan na siyang nagdadala sa kanila sa kapahamakan.
11 Woe to them! They took Cain's path, rushed for pay into Balaam's error, and died in Korah's revolt. Kahabag-habag sila! Sapagkat sinundan nila ang mga yapak ni Cain na pumatay sa kanyang kapatid. Wala silang pakundangan sa paggawa ng kamalian dahil sa salapi gaya ni Balaam. At silaʼy pupuksain dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos tulad ni Kora na naghimagsik laban kay Moises.
12 These are hidden reefs at your love feasts, feasting with you without fear, feeding only themselves—dry clouds blown by wind, fruitless autumn trees, twice dead, uprooted. Ang mga taong itoʼy sumisira sa inyong pagsasalo-salo bilang magkakapatid sa Panginoon. Hindi sila nahihiyang kumain at uminom kasama ninyo dahil sarili lang nila ang kanilang iniintindi. Tulad sila ng mga ulap na walang dalang ulan na tinatangay ng hangin. Para din silang mga punong talagang patay na – wala na ngang bunga sa kapanahunan nito, binunot pa pati ugat.
13 Wild waves of the sea, foaming up their own shame; wandering stars, for whom deepest darkness is kept forever. Tulad sila ng mababagsik na alon sa dagat; parang bulang lumilitaw ang kanilang mga kahiya-hiyang gawa. At tulad ng mga ligaw na bituin, itinakda na sila ng Diyos sa dakong napakadilim, kung saan silaʼy mananatili magpakailanman.
14 Enoch, the seventh from Adam, prophesied about these also: "Look, our Lord Jesus came with ten thousands of his holy ones, Si Enoc, na kabilang sa ikapitong henerasyon mula kay Adan ay may propesiya tungkol sa kanila. Sinabi niya, “Makinig kayo! Darating ang Panginoon kasama ang kanyang libo-libong banal na mga anghel
15 to execute judgment on all and to convict every person of all the ungodly deeds they have committed in such an ungodly way, and of all the harsh things that ungodly sinners have spoken against him." upang hatulan ang lahat ng tao. Paparusahan niya ang mga taong walang Diyos dahil sa masasama nilang gawa. Paparusahan din niya ang mga makasalanang ito dahil sa kanilang malulupit na salita laban sa kanya.”
16 These grumble and complain, chasing their own desires; their mouths boast, and they flatter people for gain. Ang mga taong itoʼy mareklamo, mapamintas, at ang tanging sinusunod ay ang kanilang pagnanasa. Mayabang silang magsalita at mahusay mambola para makuha ang gusto nila.
17 But you, beloved, remember what our Lord Jesus Christ's apostles said beforehand. Ngunit, mga minamahal, alalahanin nʼyo ang sinabi noon ng mga apostol ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
18 How they told you: "In the last time there will be mockers, following their own godless desires." Sinabi nila, “Sa mga huling araw, magkakaroon ng mga taong mapanlait na ang tanging sinusunod ay ang masasama nilang pagnanasa.”
19 These are the ones who cause divisions, worldly people, devoid of the Spirit. Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.
20 But you, beloved, building yourselves up in your most holy faith and praying in the Holy Spirit. Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,
21 Keep yourselves in the love of our Father, waiting for the mercy of our Lord Jesus Christ, leading to eternal life. at manatili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil sa kanyang habag sa atin.
22 And have mercy on those who doubt; Mahabag kayo sa mga nag-aalinlangan.
23 save some by seizing them from the fire; show others mercy in fear, hating even the garment stained by their sin. Iligtas ninyo ang iba sa kaparusahan na para bang sinasagip ninyo sila mula sa apoy. Kahabagan ninyo ang iba nang may takot, kasuklaman ninyo maging ang damit na nabahiran ng kahalayan nila.
24 Now to him able to keep you from stumbling and set you blameless before his glory with great joy, Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagdala sa inyo sa kanyang harapan nang walang kapintasan at may lubos na kagalakan,
25 to our Father alone, our Savior, through Jesus Christ our Lord, be glory, majesty, dominion, and authority, before all time and now and forever. Amen. sa nag-iisang Diyos na ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo: sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, lakas at kapangyarihan mula pa noong simula, hanggang ngayon, at magpakailanman. Amen.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]