Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

3 John 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The elder, to the beloved Gaius, whom I love in truth. Mula sa matandang pinuno ng iglesya, Mahal na kaibigang Gayo, na minamahal kong tunay:
2 Beloved, I pray you prosper in every way and stay healthy, as your soul prospers. Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.
3 I rejoiced greatly when brothers arrived and testified about your faithfulness to the truth—for you truly are walking in it. Labis akong nagalak nang dumating dito ang ilang mga kapatid at nagpatotoo sila na tapat ka sa katotohanan at namumuhay ka ayon dito.
4 I have no greater joy than this: to hear that my children are walking in the truth. Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.
5 Beloved, you act faithfully in all you do for the brothers, even strangers. Mahal kong kaibigan, ikaw ay tapat sa iyong pag-aasikaso sa mga kapatid na galing sa ibang lugar, kahit hindi mo sila kakilala.
6 They testified to your love before the church. Send them on in a way worthy of our Father. Ibinalita nila sa iglesya rito ang tungkol sa pag-ibig mo. Pakitulungan sila sa paraang kalugod-lugod sa Diyos na maipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
7 For they went out for the sake of the Name, accepting nothing from the Gentiles. Sapagkat pumupunta sila sa ibaʼt ibang lugar alang-alang kay Kristo nang hindi tumatanggap ng kahit anong tulong mula sa mga Hentil.
8 Therefore we ought to support such people, so that we may be fellow workers for the truth. Kaya dapat natin silang tulungan, upang maging kabahagi tayo sa kanilang gawain para sa katotohanan.
9 I wrote something to the church, but Diotrephes, who loves being first among them, does not receive us. Sumulat ako sa iglesya diyan tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi kami kinilala ni Diotrefes na naghahangad na mamuno sa inyo.
10 So if I come, I'll expose what he's doing—slandering us with malicious words. Not satisfied with that, he refuses to welcome the brothers, stops those who want to, and throws them out of the church. Kaya kapag pumunta ako diyan, isisiwalat ko ang mga pinaggagawa niya at ang mga paninirang ikinakalat niya tungkol sa amin. Bukod pa rito, hindi rin niya pinapatuloy ang mga kapatid na galing sa ibang lugar, at pinagbabawalan pa niya ang iba na tumulong sa kanila. At ang mga gusto namang tumulong ay pinapaalis niya sa iglesya.
11 Beloved, don't imitate evil, but good. Whoever does good is from our Father; whoever does evil hasn't seen our Father. Mahal kong kaibigan, huwag mong gayahin ang masamang ginagawa ng taong iyan. Sa halip, gawin mo ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay mula sa Diyos, at ang gumagawa ng masama ay hindi nakakakilala sa Diyos.
12 All speak well of Demetrius, and so does the truth. We testify too, and you know our testimony is true. Si Demetrio ay kapatid nating pinupuri ng lahat, at nakikita sa buhay niya na sumusunod siya sa katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo na mabuti siyang tao, at alam mong mapagkakatiwalaan ang sinasabi namin.
13 I had much to write to you, but I would rather not write with pen and ink. Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit ayaw kong sabihin sa sulat na ito.
14 I hope to see you soon, and we will talk face to face. Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon at makakausap kita.
15 Peace to you. The friends send their greetings. Greet each of the friends by name. Sumaiyo nawa ang kapayapaan. Kinukumusta ka ng mga kaibigan natin dito. Ikumusta mo rin ako sa bawat isa sa mga kaibigan natin diyan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]