Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaiah 32 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Look, a king will reign in righteousness, and rulers will govern with justice. May isang hari na mamumuno nang matuwid, at ang kanyang mga opisyal ay mamamahala nang may katarungan.
2 Each will be like a shelter from the wind, a refuge from the storm, like streams of water in a dry place, like the shadow of a great rock in a weary land. Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Katulad sila ng ilog na dumadaloy sa disyerto, o kayaʼy anino ng malaking bato na lumililim sa tuyong lupain.
3 Then the eyes of those who see will not be closed, and the ears of those who hear will listen. Ang mga mata ng mga may paningin ay makakakita na nang tuluyan, at ang mga tainga ng mga may pandinig ay makakarinig na nang mabuti.
4 The hasty mind will understand knowledge, and the stammering tongue will speak readily and clearly. Ang taong pabigla-bigla ay mag-iisip nang mabuti para malaman niya ang kanyang gagawin. Ang taong hindi alam kung ano ang sasabihin ay makakapagsalita nang mabuti at malinaw.
5 No longer will the fool be called noble, nor the scoundrel said to be honorable. Ang mga hangal ay hindi na dadakilain, at ang mga mandaraya ay hindi na igagalang.
6 For the fool speaks foolishness, and his heart plots evil: to practice ungodliness, to speak lies about our Father, to leave the hungry with nothing and to deprive the thirsty of drink. Sapagkat kahangalan ang sinasabi ng hangal, at ang masama niyang isipan ay nagbabalak na gumawa ng mga kasamaan. Nilalapastangan niya ang Panginoon, at pinagkakaitan ang mga nagugutom at nauuhaw.
7 The scoundrel's weapons are evil; he devises wicked schemes to destroy the poor with lying words, even when the needy pleads his case justly. Masama ang pamamaraan ng mandaraya. Ipinapahamak niya ang mga dukha sa pamamagitan ng kanyang kasinungalingan, kahit na sa panahon ng paghingi ng mga ito ng katarungan.
8 But the noble person plans noble things, and by noble things he stands. Ngunit ang taong marangal ay may hangarin na palaging gumawa ng mabuti, at itoʼy kanyang tinutupad.
9 You complacent women, rise up and hear my voice; you carefree daughters, listen to what I say. Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at pakinggan ninyo ako! Kayong mga dalagang labis ang tiwala sa sarili, makinig kayo sa sasabihin ko!
10 "In little more than a year you will tremble, you carefree women, for the grape harvest will fail, and there will be no gathering. Makalipas ang isang taon, mababagabag kayong mga may tiwala sa sarili dahil hindi na mamumunga ang mga ubas at wala na kayong mapipitas.
11 Tremble, you complacent ones; shudder, you carefree ones! Strip yourselves bare and put mourning clothes around your waists. Matagal na kayong pabaya at walang pakialam. Ngayon manginig na kayo sa takot. Hubarin ninyo ang inyong mga damit at magbigkis ng sako sa inyong baywang.
12 Beat your breasts for the pleasant fields, for the fruitful vine, Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan dahil sa mangyayari sa inyong masaganang bukirin at mabungang ubasan.
13 for the land of my people, where thorns and briers grow up; indeed, for all the houses of joy in the jubilant city. Ang lupain ng aking mga mamamayan ay tutubuan ng mga damo at matitinik na halaman, iyakan ninyo ang dating masayang tahanan at sa lungsod na datiʼy puno ng galak.
14 For the palace will be abandoned, the bustling city deserted; the hill and the watchtower will become bare places forever, a delight for wild donkeys, a pasture for flocks, Ang mataong lungsod at ang mga tanggulan ay hindi na titirhan. Ang burol at ang bantayang tore nito ay magiging parang ilang magpakailanman. Itoʼy magiging tirahan ng mga maiilap na asno at pastulan ng kawan ng tupa.
15 until the Spirit of our Father is poured out on us from on high, and the wilderness becomes a fruitful field, and the fruitful field is regarded as a forest. Mangyayari ito hanggang sa ipadala sa atin ang Espiritu mula sa langit. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupain at ang matabang lupain ay magiging kagubatan.
16 Then justice will dwell in the wilderness, and righteousness will remain in the fruitful field. Lalaganap ang katarungan at katuwiran sa ilang at matabang lupain.
17 The work of righteousness will be peace, and the result of righteousness, quietness and security forever. At ang bunga ng katuwiran ay ang mabuting kalagayan, kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.
18 My people will dwell in a peaceful home, in secure dwellings, in undisturbed resting places. Kayong mga mamamayan ng Diyos ay titira sa mapayapang tahanan at ligtas sa kapahamakan. At wala nang gagambala sa inyo.
19 Though hail flattens the forest and the city is completely leveled, Kahit masisira ang kagubatan at ang lungsod dahil umuulan ng yelo na parang bato,
20 blessed are you who sow beside all the waters, who let the ox and the donkey range freely." pagpapalain kayo ng Diyos. Magiging masagana ang tubig para sa mga pananim, at ang inyong mga baka at asno ay malayang manginginain kahit saan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]