Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaiah 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 For look—the Father of heaven's armies is about to strip from Jerusalem and from Judah every support and supply: the whole supply of bread and the whole supply of water, Makinig kayo! Kukunin ng Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang lahat ng inaasahan ng mga taga-Jerusalem at taga-Juda: ang pagkain at tubig nila,
2 the warrior and the soldier, the judge and the prophet, the fortune-teller and the elder, ang mga bayani at mga mandirigma, mga hukom at mga propeta, mga manghuhula at mga pinuno,
3 the commander of fifty and the man of rank, the counselor, the skilled craftsman, and the clever enchanter. mga kapitan ng mga hukbo at mga mararangal na tao, mga tagapayo at ang mga bihasang salamangkero nila at mga dalubhasa sa paggayuma.
4 "I will make mere boys their officials, and childish whim will rule over them. Gagawin kong kanilang pinuno ang mga binatilyo, at ang mga musmos na bata ang mamamahala sa kanila.
5 The people will oppress one another, each man against his neighbor; the young will rise up against the old, and the lowly against the honored." Aapihin ng mga tao ang bawat isa, bawat isa laban sa kanyang kapwa. Lalabanan ng mga bata ang matatanda, at lalabanan ng mga hamak ang mararangal.
6 A man will seize his brother in his father's house and say, "You have a coat—you be our leader; take charge of this heap of ruins." Susunggaban ng isang tao ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang ama at sasabihin, “May damit ka pa, kaya ikaw na ang mamuno sa amin; Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”
7 But on that day he will cry out, "I am no healer! There is no bread and no coat in my house—you will not make me leader of the people." Ngunit sa araw ding iyon ay sasagot ang kapatid niya, “Hindi ako ang lunas nito. Wala rin akong pagkain o damit sa bahay, kaya huwag ninyo akong gawing pinuno ninyo.”
8 For Jerusalem has stumbled and Judah has fallen, because their words and their deeds are against our Father, defying his glorious presence. Sapagkat bumagsak na ang Jerusalem at Juda, dahil ang kanilang mga salita at gawa ay laban sa Panginoon. Nilalapastangan nila ang kaluwalhatian ng kanyang presensya.
9 The look on their faces testifies against them; they flaunt their sin like Sodom—they do not hide it. How terrible for them, for they have brought disaster on themselves! Halatang-halata sa kanilang mga mukha ang kanilang pagkakasala. Hayagan silang gumagawa ng kasalanan tulad ng Sodoma at Gomora. Hindi na nila ito itinatago. Nakakaawa sila! Sila na mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.
10 Tell the righteous it will go well with them, for they will eat the fruit of their deeds. Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapalad sila, dahil aanihin nila ang bunga ng kanilang mabubuting ginawa.
11 How terrible for the wicked! It will go badly for him, for what his hands have done will be repaid to him. Ngunit nakakaawa ang masasamâ, dahil darating sa kanila ang kapahamakan! Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.
12 My people—children are their oppressors, and women rule over them. My people, your guides lead you astray and have swallowed up the path you should walk. Inaapi ng mga kabataan ang aking mga mamamayan. Pinamumunuan sila ng mga babae. Mga mamamayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno ninyo. Inaakay nila kayo sa maling daan.
13 Our Father takes his stand to bring his case; he rises to judge the peoples. Nakahanda na ang Panginoon para hatulan ang kanyang mga mamamayan.
14 Our Father enters into judgment with the elders and officials of his people: "It is you who have devoured the vineyard; the plunder of the poor is in your houses. Hahatulan na ng Panginoon ang mga tagapamahala at mga pinuno ng kanyang mga mamamayan. Sabi niya, “Kayo ang sumira ng aking ubasan. Ang mga bahay ninyo ay puno ng mga bagay na sinamsam ninyo sa mga mahihirap.
15 What do you mean by crushing my people and grinding the faces of the poor?" declares the Father of heaven's armies. Bakit ninyo inaapi ang aking mga mamamayan at ginigipit ang mga mahihirap?” Iyan ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
16 Our Father said: "Because the daughters of Zion are proud—walking with outstretched necks and flirting eyes, mincing along with quick little steps, jingling the anklets on their feet, Sinabi pa ng Panginoon, “Mapagmataas ang mga babae ng Jerusalem. Nakataas ang noo habang naglalakad, malandi kung tumingin, umiindayog ang balakang sa paghakbang, pinapakalansing pa ang mga alahas sa kanilang mga paa.
17 therefore the Sovereign Father will strike the heads of the daughters of Zion with scabs, and our Father will lay bare their foreheads." Kaya ang mga kababaihang ito ng Zion ay magkakapigsa sa kanilang mga ulo; gagawing kalbo ng Panginoon ang kanilang mga anit.”
18 On that day the Sovereign Father will strip away their finery: the anklets, the headbands, the crescent ornaments, Sa araw na iyon, kukunin ng Panginoon ang mga alahas sa kanilang paa, ulo, at leeg;
19 the earrings, the bracelets, the veils, mga hikaw, pulseras, belo,
20 the headdresses, the ankle chains, the sashes, the perfume flasks, the charms, mga alahas sa buhok, braso, at sinturon, mga sisidlan ng pabango at mga anting-anting,
21 the signet rings, the nose rings, mga singsing sa daliri at ilong,
22 the festival robes, the capes, the cloaks, the purses, ang kanilang mga mamahaling damit, mga kapa at mga balabal, mga pitaka,
23 the hand mirrors, the fine linen garments, the turbans, and the shawls. at mga salamin, mga damit na gawa sa pinong lino, mga putong, at mga belo.
24 Then, instead of perfume there will be a stench; instead of a sash, a rope; instead of elegantly styled hair, baldness; instead of fine robes, a wrapping of coarse cloth; branding instead of beauty. Ang kapalit ng halimuyak ay umaalingasaw na amoy. At ang sinturon nilaʼy mapapalitan ng lubid; ang magaganda nilang buhok ay makakalbo; ang magagarang kasuotaʼy mapapalitan ng sako; ang kanilang kagandahaʼy magiging kahihiyan.
25 Your men will fall by the sword, your warriors in the battle. Ang inyong kalalakihaʼy mamamatay sa digmaan, ang inyong mga kawal ay babagsak sa labanan.
26 Her gates will mourn and lament; stripped bare, she will sit on the ground. Pagtangis at pagluluksa ang pupuno sa pintuan ng bayan, parang babaeng maglulupasay sa kanyang kawalan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]