Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Adam slept with his wife Eve; she conceived and bore Cain, saying, "With our Father's help I have gained a man." Pagkatapos noon, sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva at nagbuntis ito. Nang manganak si Eva, sinabi niya, “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, kaya Cain ang ipapangalan ko sa kanya.”
2 Later she gave birth to his brother Abel. Abel kept flocks, and Cain worked the ground. At muling nanganak si Eva ng lalaki at Abel ang ipinangalan sa kanya. Nang lumaki na sila, si Abel ay naging pastol ng mga tupa at kambing, at si Cain naman ay naging magsasaka.
3 After some time, Cain brought our Father an offering of the ground's fruit. Isang araw, naghandog si Cain sa Panginoon ng galing sa ani niya.
4 Abel, too, brought the firstborn of his flock and their fat portions. Our Father favored Abel and his offering, Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Diyos ang pinakamatabang bahagi. Nasiyahan ang Panginoon kay Abel at sa handog nito,
5 but not on Cain and his offering, so Cain burned with anger and his face fell. ngunit hindi siya nasiyahan kay Cain at sa handog nito. At dahil dito, labis ang galit ni Cain at kitang-kita ito mukha niya.
6 Then our Father said to Cain, "Why are you angry? Why has your face fallen? Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot?
7 If you do right, won't you be accepted? If you don't, sin crouches at your door, longing for you—but you must rule over it." Kung gumawa ka nang mabuti, tatanggapin kita. Ngunit kung gumawa ka nang hindi mabuti, ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nakaabang sa may pintuan. Gusto ka nitong pagharian, ngunit kailangang talunin mo ito.”
8 Cain said to his brother Abel, "Let's go to the field." There, Cain rose against his brother Abel and killed him. Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.
9 Then our Father asked Cain, "Where's your brother Abel?" "I don't know," he said. "Am I my brother's keeper?" Pagkatapos, nagtanong ang Panginoon kay Cain, “Nasaan ang kapatid mo?” Sumagot si Cain, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba ang tagapagbantay ng kapatid ko?”
10 Our Father said, "What have you done? The voice of your brother's blood cries out to me from the ground. Sinabi ng Panginoon kay Cain, “Anoʼng ginawa mo? Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya.
11 Now a curse drives you from the ground, which opened its mouth to take your brother's blood from your hand. Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Mula ngayon, hindi ka na makakapagsaka sa lupa na sumipsip ng dugo ng iyong kapatid na iyong pinatay.
12 When you work the ground, it will no longer give you its strength; you will be a wandering fugitive on the earth." Kahit magtanim ka pa, ang lupa ay hindi na magbibigay sa iyo ng ani. At wala kang pirmihang matitirhan, kaya magpapagala-gala ka kahit saan.”
13 Cain said to our Father, "My punishment is more than I can bear. Sinabi ni Cain sa Panginoon, “Napakabigat ng parusang ito para sa akin.
14 Today you drive me from this ground; I'll be hidden from your presence, a restless fugitive on earth, and whoever finds me will kill me." Itinataboy ninyo ako ngayon sa lupaing ito at sa inyong harapan. Wala na akong matitirhan, at akoʼy magiging isang palaboy. At sinumang makakita sa akin, tiyak na papatayin ako.”
15 But our Father told him, "No—whoever kills Cain will be avenged seven times over." Then our Father marked Cain, so no one who found him would kill him. Ngunit sinabi ng Panginoon kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.” Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain upang hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya.
16 Cain left the presence of our Father and settled in the land of Nod, east of Eden. Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod, sa bandang silangan ng Eden.
17 Cain slept with his wife; she conceived and bore Enoch. He was building a city and named it after his son Enoch. Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak.
18 Irad was born to Enoch. Irad fathered Mehujael, Mehujael fathered Methushael, Methushael fathered Lamech. Si Enoc ay may anak na lalaki na ang pangalan ay Irad. Si Irad ang ama ni Mehujael; si Mehujael ang ama ni Metusael; at si Metusael ang ama ni Lamec.
19 Lamech married two women, one named Adah and the other Zillah. Si Lamec ay may dalawang asawa na sina Ada at Zila.
20 Adah bore Jabal, father of tent dwellers and livestock herders. Ipinanganak ni Ada si Jabal na siyang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga tolda, na nag-aalaga ng mga hayop.
21 His brother's name was Jubal; he was the father of all who play the harp and flute. May kapatid si Jabal na lalaki na ang pangalan ay Jubal, na siyang pinagmulan ng lahat na tagatugtog ng alpa at plauta.
22 Zillah also bore Tubal-Cain, forger of all bronze and iron tools; Tubal-Cain's sister was Naamah. Si Zila ay nagkaanak din ng lalaki na ang pangalan ay Tubal-cain. Si Tubal-cain ay gumagawa ng lahat ng klase ng kagamitan mula sa bakal at tanso. May kapatid siyang babae na si Naama.
23 Lamech told his wives: "Adah and Zillah, hear me; wives of Lamech, listen to what I say. I killed a man who wounded me, a young man who bruised me. Isang araw, sinabi ni Lamec sa dalawa niyang asawa, “Ada at Zila, pakinggan ninyo ako, mga asawa ni Lamec, dinggin ninyo ako. Pumatay ako ng isang lalaki dahil sinugatan niya ako; oo, sinaktan ako ng isang binatilyo.
24 If Cain is avenged seven times, then Lamech seventy-seven times." Kung pitong beses ang tindi ng ganti sa taong pumatay kay Cain, pitumpuʼt pitong beses ang tindi ng ganti sa taong papatay sa akin.”
25 Adam slept with his wife again; she bore a son and named him Seth: "Our Father has given me another child instead of Abel, since Cain killed him." Sumiping muli si Adan kay Eva at nanganak ng isang lalaki at pinangalanan niya itong Set. Sinabi niya, “Muli akong binigyan ng Diyos ng anak na lalaki bilang kapalit ni Abel na pinatay ni Cain.”
26 Seth too had a son and named him Enosh. Then people began calling on our Father's name. Nang lumaki si Set, nagkaroon din siya ng anak na lalaki at pinangalanan niya itong Enos. Nang panahong isinilang si Enos, ang mga taoʼy nagsimulang tumawag sa pangalan ng Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]