Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The serpent was shrewder than any field animal our Father had made. He asked the woman, "Did God really say, 'You must not eat from any tree in the garden'?" Sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Diyos, ang ahas ang pinakatuso. Minsan, tinanong ng ahas ang babae, “Totoo bang pinagbabawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alinmang puno sa halamanan?”
2 The woman said to the serpent, "We may eat the fruit from the trees in the garden, Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan,
3 but God said, 'Don't eat the tree's fruit in the garden's middle, or touch it, or you'll die.'" maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.”
4 But the serpent said to the woman, "You will certainly not die. Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo!
5 God knows that when you eat from it, your eyes will open and you'll be like God, knowing good and evil." Sinabi iyan ng Diyos dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama.”
6 The woman saw the tree was good for food, delightful to the eyes, and desirable for wisdom. She took its fruit, ate, gave some to her husband with her, and he ate. Nang pagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga nito ay nakakatakam. At dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito.
7 Then the eyes of both of them were opened, and they knew they were naked; they sewed fig leaves together and made themselves coverings. Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng puno ng igos upang ipantakip sa kanilang katawan.
8 They heard the sound of our Father walking in the garden in the cool of the day, and the man and his wife hid from his presence among the garden's trees. Nang lumamig na ang hangin bandang hapon, narinig nila na naglalakad ang Panginoong Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon upang hindi sila makita.
9 But our Father called to the man and said to him, "Where are you?" Ngunit tinawag ng Panginoong Diyos ang lalaki, “Nasaan ka?”
10 The man said, "I heard you in the garden and was afraid, for I was naked, so I hid." Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.”
11 Our Father said, "Who told you you're naked? Did you eat from the tree I forbade you to eat from?" Nagtanong ang Panginoong Diyos, “Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin?”
12 The man said, "The woman you put with me gave me fruit from the tree, and I ate." Sumagot ang lalaki, “Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.”
13 Then our Father asked the woman, "What have you done?" She said, "The serpent deceived me, and I ate." Tinanong ng Panginoong Diyos ang babae, “Bakit mo ginawa iyon?” Sumagot ang babae, “Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako.”
14 So our Father said to the serpent, "Because you have done this, cursed are you above all livestock and above all wild animals; on your belly you will go, and dust you will eat all the days of your life. Kaya sinabi ng Panginoong Diyos sa ahas, “Dahil sa ginawa mong ito, parurusahan kita. Sa lahat ng hayop, ikaw lang ang makakaranas ng sumpang ito: Sa buong buhay moʼy gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok.
15 And I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and her offspring; he will crush your head, and you will strike his heel." Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya.”
16 To the woman he said, "I will greatly increase your pain in childbirth; in pain you will give birth to children. Your desire will be for your husband, and he will rule over you." Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Ngunit sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”
17 And to Adam he said, "Because you listened to your wife and ate from the tree that I commanded you, saying, 'You must not eat from it,' cursed is the ground because of you; through painful toil you will eat from it all the days of your life. Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo: Susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto upang makakain.
18 It will produce thorns and thistles for you, and you will eat the plants of the field. Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.
19 By the sweat of your brow you will eat your bread until you return to the ground, since from it you were taken; for dust you are, and to dust you will return." Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”
20 The man named his wife Eve, because she would become the mother of all the living. Ang pangalan ng lalaki ay Adan, at pinangalanan niya ang asawa niya na Eva dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao.
21 Our Father made garments of skin for Adam and his wife, and he clothed them. Pagkatapos, gumawa ang Panginoong Diyos ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito.
22 Then our Father said, "Look, the man has become like one of us, knowing good and evil. Now, so he doesn't reach out, take from the tree of life too, eat, and live forever…" Sinabi ng Panginoong Diyos, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buháy magpakailanman.”
23 So our Father sent him out of the garden of Eden to work the ground he was taken from. Kaya pinalayas siya ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan niya.
24 He drove out the man and placed cherubim and a whirling, flaming sword east of Eden's garden, guarding the way to the tree of life. Nang mapaalis na ng Panginoong Diyos ang tao, naglagay siya ng mga kerubin sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot upang walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]