Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So the heavens and the earth were completed in all their vast array. At natapos ngang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon.
2 By the seventh day our Father had completed his work, and he rested on the seventh day from everything he had made. Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw.
3 And our Father blessed the seventh day, making it holy, because on it he rested from all the work of creation he had done. Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.
4 This is the history of the heavens and the earth when they were created, when our Father made earth and heavens. Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Diyos ang lupa at ang langit,
5 No shrub of the field yet existed on the earth, no plant of the field had yet sprouted, for our Father had not sent rain on the earth, and there was no man to work the ground, wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang Panginoong Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa.
6 but springs came up from the earth and watered the whole surface of the ground. Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito.
7 Then our Father formed the man from dust of the ground, breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living person. Nilikha ng Panginoong Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.
8 Then our Father planted a garden in Eden, in the east, and put there the man he had formed. Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Diyos ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya.
9 From the ground our Father grew every tree lovely to see and good to eat, with the tree of life in the garden's center and the tree of knowing good and evil. At pinatubo ng Panginoong Diyos ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.
10 A river flowed from Eden to water the garden; from there it divided into four rivers. Mula sa Eden, may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog.
11 The first is named Pishon; it flows around all the land of Havilah, where gold is found. Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Havila kung saan mayroong ginto.
12 The gold of that land is good; aromatic resin and onyx are also there. Sa lugar na iyon makikita ang purong ginto, ang mamahaling pabango na bediliyum, at ang mamahaling batong onise.
13 The name of the second river is the Gihon; it winds through the entire land of Cush. Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Cus.
14 The third river's name is Tigris, flowing east of Assyria. The fourth river is the Euphrates. Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Dumadaloy ito sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.
15 Our Father took the man and set him in the garden of Eden to work it and guard it. Pinatira ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya upang bungkalin ito at alagaan.
16 And our Father commanded the man, "You are free to eat from any tree in the garden; At sinabi ng Panginoong Diyos sa tao, “Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan,
17 but you must not eat from the tree of knowledge of good and evil, for you will surely die the day you eat from it." maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka.”
18 Then our Father said, "It is not good for the man to be alone. I will make a helper matching him." Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.”
19 From the ground our Father formed every field animal and every sky bird, then brought each to the man to see what he'd name it. Whatever the man named each living creature, that was its name. Nilikha ng Panginoong Diyos mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao upang tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila.
20 The man named all livestock, birds of the sky, and all wild animals, but for Adam no helper matching him was found. Kaya pinangalanan ng tao ang lahat ng hayop na maaamo at maiilap, at ang mga ibon sa himpapawid. Ngunit para sa kanya, wala kahit isa sa kanila ang nababagay na maging kasama niya na makakatulong sa kanya.
21 So our Father made the man fall into a deep sleep, and while he slept, took one of his ribs and closed the flesh over it. Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito.
22 Then our Father built a woman from the rib he took from the man, and brought her to the man. Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.
23 The man said, "At last! This is bone of my bones and flesh of my flesh; she will be called 'woman,' for she was taken out of man." Sinabi ng lalaki, “Narito na ang isang tulad ko! Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman. Tatawagin siyang ‘babae,’ dahil kinuha siya mula sa lalaki.”
24 So a man leaves his father and mother, joins his wife, and they become one flesh. Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.
25 The man and his wife were both naked, and they were not ashamed. Nang panahong iyon, kapwa huboʼt hubad ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]