Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 38 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At that time Judah left his brothers and went to a man from Adullam named Hirah. Nang panahon ding iyon, humiwalay si Juda sa mga kapatid niya at doon nanirahan kasama ni Hira na taga-Adulam.
2 There Judah saw the daughter of a Canaanite named Shua. He married and slept with her. Doon nakilala ni Juda ang anak ni Sua na taga-Canaan at napangasawa niya ito.
3 She became pregnant and gave birth to a son, and Judah named him Er. Dumating ang panahon, nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan ni Juda ang sanggol na Er.
4 She became pregnant again and gave birth to a son, and she named him Onan. Muli siyang nagbuntis at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Onan.
5 She bore yet another son and named him Shelah; she was at Chezib when she bore him. Nagbuntis pa siya at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Shela. Isinilang si Shela sa Kizib.
6 Judah took a wife for his firstborn son Er; her name was Tamar. Si Tamar ang napili ni Juda upang maging asawa ng kanyang panganay na si Er.
7 But Er, Judah's firstborn, was evil before our Father, and our Father put him to death. Ngunit si Er ay naging suwail sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.
8 Then Judah told Onan, "Sleep with your brother's wife, do your duty as her brother-in-law, and raise children for your brother." Kaya sinabi ni Juda kay Onan, “Sipingan mo ang hipag mo dahil tungkulin mo iyan bilang kapatid ng asawa niyang namatay, para sa pamamagitan mo ay magkaroon din ng mga anak ang iyong kapatid.”
9 But Onan knew the child would not be his, so whenever he slept with his brother's wife, he spilled his seed on the ground, to give his brother no child. Ngunit alam ni Onan na hindi ituturing na kanya ang magiging anak nila, kaya tuwing magsisiping sila ni Tamar, itinatapon niya sa labas ang kanyang binhi upang hindi siya magkaanak para sa kanyang kapatid.
10 What he did was evil in our Father's sight, so he put him to death too. Masama ang ginawa ni Onan sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay din niya ito.
11 Judah told his daughter-in-law Tamar, "Stay a widow in your father's house till my son Shelah grows up"—thinking, "He might die like his brothers." So Tamar lived in her father's house. Sinabi agad ni Juda kay Tamar na kanyang manugang, “Umuwi ka muna sa iyong ama, at huwag kang mag-asawa hanggang magbinata na si Shela.” Sinabi iyon ni Juda dahil natatakot siya na baka mamatay din si Shela katulad ng mga kapatid niya. Kaya umuwi muna si Tamar sa kanyang ama.
12 Long afterward, Judah's wife, Shua's daughter, died. When Judah was comforted, he and his friend Hirah the Adullamite went up to his sheepshearers at Timnah. Dumating ang panahon, namatay ang asawa ni Juda. Pagkatapos ng kanyang pagdadalamhati, pumunta siya sa mga manggugupit ng balahibo ng kanyang mga tupa roon sa Timna. Kasama niyang pumunta roon ang kaibigan niyang si Hira na taga-Adulam.
13 Tamar was told, "Your father-in-law is going up to Timnah to shear his sheep." May nagsabi kay Tamar na ang biyenan niya ay pupunta sa Timna upang pagupitan doon ang mga tupa nito.
14 So she removed her widow's clothes, covered herself with a veil, wrapped up, and sat at the entrance to Enaim on the road to Timnah—for she saw that Shelah had grown up but she was not given to him as his wife. Nang marinig iyon ni Tamar, pinalitan niya ang kanyang damit na pambalo, at tinakpan ng belo ang kanyang mukha. Naupo siya sa may pintuan ng bayan ng Enaim, sa tabi ng daan na papunta sa Timna. Sapagkat kahit binata na si Shela ay hindi pa rin ibinibigay sa kanya upang maging asawa niya ito.
15 When Judah saw her, he thought she was a prostitute, because she had covered her face. Nang makita ni Juda si Tamar, inakala niyang isa siyang babaeng bayaran sapagkat nagtakip siya ng mukha.
16 He turned to her by the road and said, "Let me sleep with you"—not knowing she was his daughter-in-law. She said, "What will you give me to sleep with you?" Dahil hindi niya namukhaan ang kanyang manugang, lumapit siya sa kanya sa tabi ng daan at sinabi, “Halika, magsiping tayo.” Sumagot si Tamar, “Ano ang ibabayad mo sa akin upang sumiping ako sa iyo?”
17 He said, "I'll send you a young goat from the flock." She said, "Will you give me a pledge until you send it?" Sinabi ni Juda, “Bibigyan kita ng batang kambing mula sa aking mga hayop.” Sumagot si Tamar, “Papayag ako kung may ibibigay ka sa akin upang makatiyak ako na babayaran mo ako hanggang maipadala mo na ang kambing.”
18 He said, "What pledge should I give you?" She said, "Your seal, its cord, and the staff in your hand." He gave them to her, slept with her, and she conceived by him. Nagtanong si Juda, “Anong garantiya ang gusto mo?” Sumagot si Tamar, “Ibigay mo sa akin ang iyong pantatak at ang tali nito, pati ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga ito at nagsiping sila, at nabuntis si Tamar.
19 She got up and left, took off her veil, and put her widow's clothes back on. Nang umuwi si Tamar, tinanggal niya ang takip ng kanyang mukha at muling isinuot ang kanyang damit na pambalo.
20 Judah sent the young goat by his friend the Adullamite to get the pledge back from the woman, but he couldn't find her. Hindi nagtagal, ipinahatid ni Juda ang batang kambing sa kaibigan niyang si Hira na taga-Adulam upang kunin ang mga bagay na ibinigay niya sa babae bilang garantiya, ngunit hindi niya ito nakita.
21 He asked the local men, "Where's the shrine prostitute who was by the road at Enaim?" They said, "No shrine prostitute has been here." Nagtanong si Hira sa mga lalaking taga-Enaim kung nasaan na ang babaeng bayaran, na nakaupo sa tabi ng daan. Ngunit sumagot ang mga tao, “Wala naman kaming nakitang ganoong babae rito.”
22 So he returned to Judah, saying, "I could not find her, and the local men said no shrine prostitute had been there." Kaya bumalik si Hira kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. At sinabi ng mga tao na wala naman daw babaeng bayaran doon.”
23 Then Judah said, "Let her keep them, or we'll be mocked. I sent her this young goat, but you didn't find her." Sinabi ni Juda, “Hayaan na lang natin na itago niya ang mga ibinigay kong gamit sa kanya, dahil baka pagtawanan pa tayo ng mga tao na naghahanap tayo sa wala. Ganoon pa man, pinahatiran ko naman siya ng batang kambing ngunit hindi mo naman siya makita roon.”
24 About three months later, Judah was told, "Your daughter-in-law Tamar has prostituted herself, and she's now pregnant from it." Judah said, "Bring her out and burn her!" Pagkalipas ng tatlong buwan, nabalitaan ni Juda na ang manugang niyang si Tamar ay nagbenta ng dangal at nabuntis ito. Kaya sinabi ni Juda, “Ilabas siya at sunugin.”
25 As she was brought out, she sent word to her father-in-law: "I am pregnant by the man these belong to. Please identify whose seal, cord, and staff these are." Ngunit nang ilalabas na si Tamar, ipinasabi niya kay Juda, “Narito ang pantatak, panali at pati ang tungkod. Ang may-ari ng mga ito ang ama ng sanggol na nasa sinapupunan ko. Kilalanin nʼyo kung kanino ito.”
26 Judah recognized them and said, "She is more righteous than I, since I didn't give her to my son Shelah." He never slept with her again. Nakilala ni Juda na kanya ang mga gamit na iyon kaya sinabi niya, “Wala siyang kasalanan. Ako ang nagkasala dahil hindi ko pinayagang mapangasawa niya ang anak kong si Shela.” Hindi na muling sumiping si Juda kay Tamar.
27 When the time came for her to give birth, there were twins in her womb. Nang malapit nang manganak si Tamar, nalaman niyang ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan ay kambal.
28 As she gave birth, one put out a hand. The midwife tied a scarlet thread on it: "This one came out first." At nang nanganganak na siya, lumabas ang kamay ng isang sanggol. Tinalian ito ng manghihilot ng taling pula upang malaman na ito ang unang isinilang.
29 As he drew back his hand, his brother came out, and she said, "What a breach you've made for yourself!" So the brother who came out was named Perez. Ngunit ipinasok ng sanggol ang kamay nito at ang kakambal niya ang unang lumabas. Sinabi ng manghihilot, “Nakipag-unahan kang lumabas.” Kaya pinangalanan ang sanggol na Peres.
30 Then his brother came out with the scarlet thread on his hand, and was named Zerah. Pagkatapos, lumabas din ang kakambal na may taling pula sa kamay. At pinangalanan siyang Zera.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]