Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 39 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Joseph was brought down to Egypt; Potiphar, Pharaoh's Egyptian official and captain of the guard, bought him from the Ishmaelites who had brought him down there. Nang dinala na si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto, binili siya ni Potifar na isang Ehipsiyong isa sa mga opisyal ng Faraon. (Si Potifar ay kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.)
2 Our Father was with Joseph; he thrived, serving in his Egyptian master's house. Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Ehipsiyo.
3 His master saw our Father was with him, our Father making all he did succeed in his hand. Nakita ni Potifar na ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya,
4 Joseph found favor with him and served him; his master put Joseph over his house, entrusting him with all he owned. kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya itong sarili niyang katiwala at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian.
5 From when he put Joseph over his house and all he owned, our Father blessed the Egyptian's house for Joseph's sake; our Father's blessing was on all he had, house and field. Mula nang panahong si Jose ang namamahala, binasbasan ng Panginoon ang sambahayan ni Potifar na Ehipsiyo at ang lahat ng ari-arian niya sa kanyang bahay at bukirin. Ginawa ito ng Panginoon dahil kay Jose.
6 Potiphar left all he owned in Joseph's care, aware of nothing except what he ate. Joseph was well-built and handsome. Ipinagkatiwala ni Potifar ang lahat kay Jose at wala na siyang ibang iniintindi maliban na lang sa pagpili ng kakainin niya. Gwapo si Jose at matipuno ang katawan.
7 After these things, his master's wife cast her eyes on Joseph and said, "Sleep with me." Hindi nagtagal, nagkagusto sa kanya ang asawa ng kanyang amo. Inakit niya si Jose upang sumiping sa kanya.
8 He refused, telling his master's wife, "Look, with me here, my master oversees nothing in the house; all he owns he has put in my hands. Ngunit tumanggi si Jose. Sinabi niya sa babae, “Pakinggan nʼyo po ako! Ipinagkatiwala po sa akin ng amo ko ang lahat ng kanyang ari-arian kaya hindi na po siya nag-aalaa sa mga gamit dito sa kanyang sambahayan.
9 He is no greater in this house than I am; he's held back nothing from me except you, since you are his wife. How could I do this great evil and sin against our Father?" Wala na pong hihigit sa akin sa sambahayang ito. Ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat maliban lang sa inyo dahil asawa niya kayo. Kaya hindi ko po magagawang pagtaksilan ang amo ko at magkasala sa Diyos.”
10 Day after day she spoke to Joseph, but he refused to listen to her, to lie beside her, to be with her. Kahit araw-araw ang pang-aakit ng babae kay Jose na sumiping sa kanya, hindi pa rin siya pumayag.
11 One day Joseph entered the house to do his work, with no household man inside. Isang araw, pumasok si Jose sa bahay upang magtrabaho. Nagkataon na wala kahit isang alipin sa loob ng bahay.
12 She caught him by his garment, saying, "Sleep with me!" He left it in her hand and fled outside. Hinawakan siya sa damit ng asawa ng amo niya at sinabi, “Sipingan mo ako!” Ngunit tumakbong palabas ng bahay si Jose, at naiwan ang balabal niya na hawak ng babae.
13 When she saw that he had left his garment in her hand and fled outside, Nang makita ng babae na nakalabas si Jose at hawak niya ang balabal nito,
14 she called the men of her household and said, "Look—he brought us a Hebrew man to mock us. He came in to me to sleep with me, and I screamed loudly. tinawag niya ang kanyang mga alipin at sinabi, “Tingnan ninyo! Dinalhan tayo rito ng asawa ko ng isang Hebreo upang hamakin tayo. Alam nʼyo ba na pumasok siya sa silid ko upang pagsamantalahan ako, ngunit sumigaw ako.
15 When he heard me cry out, he left his garment beside me and fled outside. Kaya tumakbo siya palabas, at naiwan niya ang kanyang balabal.”
16 She kept his garment beside her until his master came home." Itinago ng babae ang balabal ni Jose hanggang sa dumating ang kanyang asawa.
17 She told him the same story: "The Hebrew servant you brought us came to me to mock me. Isinalaysay niya agad sa asawa niya ang nangyari. Sinabi niya, “Ang Hebreong alipin na dinala mo rito ay gusto akong hamakin dahil pumasok siya sa aking silid upang pagsamantalahan ako.
18 But when I cried out, he left his garment beside me and fled outside." Ngunit tumakbo siya palabas nang sumigaw ako, at naiwan pa nga ang kanyang balabal.”
19 When his master heard his wife's words to him—"Your servant did these things to me"—his anger flared. Nang marinig ni Potifar ang salaysay ng kanyang asawa tungkol sa ginawa ni Jose, galit na galit siya.
20 Joseph's master took him and put him in the prison holding the king's prisoners. He stayed there in the prison. Kaya ipinadakip niya si Jose at ipinasok sa bilangguan ng hari. Ngunit kahit nasa bilangguan si Jose,
21 But our Father was with Joseph, showing him covenant love and favor with the prison warden. ginagabayan pa rin siya ng Panginoon. At dahil sa kabutihan ng Panginoon, panatag ang loob ng tagapamahala ng bilangguan kay Jose.
22 The prison warden put Joseph in charge of all its prisoners; whatever was done there, he did. Kaya ipinagkatiwala niya kay Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo at ang lahat ng gawain sa bilangguan.
23 The warden checked nothing in Joseph's care, since our Father was with him—whatever he did, our Father made succeed. Hindi nag-aalala ang tagapamahala ng bilangguan sa mga bagay na ipinagkatiwala niya kay Jose, dahil ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]