Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 37 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jacob settled in the land where his father had lived as a foreigner, the land of Canaan. Nagpaiwan si Jacob upang manirahan sa Canaan, ang lupaing tinitirhan din dati ng kanyang ama.
2 This is Jacob's family record. Joseph, a young man of seventeen, tended the flock with his brothers, the sons of Bilhah and Zilpah, his father's wives—and brought their father a bad report about them. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Jacob. Nang labing-pitong taóng gulang na si Jose, nagbabantay siya ng mga hayop kasama ng kanyang mga kapatid na mga anak ni Bilha at ni Zilpa, na mga asawa ng kanyang ama. Ipinagtapat ni Jose sa kanyang ama ang masasamang ginagawa ng kanyang mga kapatid.
3 Israel loved Joseph more than all his other sons, because he was born to him in his old age, and made him a robe of many colors. Mas mahal ni Jacob si Jose kaysa sa iba niyang mga anak, dahil matanda na siya nang isilang si Jose. Kaya itinahi niya si Jose ng maganda at mahabang damit.
4 When his brothers saw their father loved him more than all of them, they hated him and could not speak kindly to him. Ngunit nang napansin ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama kaysa sa kanila, nagalit sila kay Jose at naging marahas ang kanilang pananalita sa kanya.
5 Joseph dreamed a dream and told it to his brothers, who hated him even more. Isang gabi, nanaginip si Jose. Nang isalaysay niya ito sa mga kapatid niya, lalo silang nagalit sa kanya.
6 He said to them, "Listen to this dream I had: Sapagkat ito ang isinalaysay niya, “Nanaginip ako
7 Suddenly we were binding sheaves in the field, and suddenly my sheaf rose and stood upright, and suddenly your sheaves gathered around and bowed down to it." na habang naroon tayo sa bukid na nagbibigkis ng mga uhay, bigla na lang tumindig ang ibinigkis ko at pinaikutan ito ng inyong mga ibinigkis na uhay na nakayuko.”
8 His brothers said to him, "Will you really reign over us? Will you actually rule us?" So they hated him even more for his dreams and his words. Sinabi ng kanyang mga kapatid, “Ano? Magiging hari ka at mangunguna sa amin?” Kaya lalo pa silang nagalit kay Jose.
9 He dreamed again and told his brothers, "Look, I had another dream—the sun, moon, and eleven stars were bowing down to me." Muling nanaginip si Jose at isinalaysay na naman niya sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Nanaginip ako ulit na nakita ko ang araw, ang buwan at ang labing-isang bituin na yumuyuko sa akin.”
10 When he told his father and brothers, his father scolded him: "What is this dream you had? Will I, your mother, and your brothers really come and bow to the ground before you?" Isinalaysay din ni Jose ang panaginip niya sa kanyang ama ngunit nagalit din ang kanyang ama sa kanya. Sinabi niya, “Ano ang ibig mong sabihin? Na kami ng iyong ina at ng mga kapatid mo ay yuyuko sa iyo?”
11 His brothers were jealous of him, but his father kept the matter in mind. Nainggit ang mga kapatid ni Jose sa kanya, ngunit si Jacob ay sinarili na lamang ang bagay na ito.
12 Now his brothers had gone to graze their father's flocks near Shechem. Isang araw, pumunta ang mga kapatid ni Jose sa Shekem upang magbantay ng mga hayop ng kanilang ama.
13 Israel said to Joseph, "Aren't your brothers grazing the flocks at Shechem? Come, I'll send you to them." "Here I am," he replied. Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ang mga kapatid mo ay naroon sa Shekem na nagpapastol ng mga hayop. Maghanda ka, papupuntahin kita sa kanila.” Sumagot si Jose, “Opo ama.”
14 He said to him, "Go see how your brothers and the flock are doing, and bring me word." So he sent him from the Valley of Hebron, and Joseph came to Shechem. Kaya sinabi ni Jacob kay Jose, “Pumunta ka roon at tingnan mo kung maayos ang kalagayan ng mga kapatid mo at ng mga hayop. Bumalik ka agad at magbalita sa akin.” At humayo nga si Jose mula sa Lambak ng Hebron. Nang makarating si Jose sa Shekem,
15 A man found him wandering in the fields and asked him, "What are you looking for?" may lalaking nakakita sa kanyang pagala-gala sa bukid na nagtanong kung ano ang hinahanap niya.
16 He replied, "I'm looking for my brothers. Can you tell me where they are grazing their flocks?" Sumagot siya, “Hinahanap ko po ang mga kapatid ko. Alam nʼyo po ba kung saan sila nagpapastol?”
17 "They've left here," the man said. "I heard them say, 'Let's go to Dothan.'" Joseph went after his brothers and found them at Dothan. Sinabi ng lalaki, “Wala na sila rito. Narinig kong pupunta raw sila sa Dotan.” Kaya sinundan sila roon ni Jose at nakita niya sila malapit sa Dotan.
18 They saw him in the distance, and before he reached them, they plotted to kill him. Ngunit malayo pa lamang si Jose ay nakita na siya ng kanyang mga kapatid. At bago pa siya makarating, binalak na nila na patayin siya.
19 "Here comes that dreamer!" they said to one another. Sinabi nila, “Narito na ang mahilig managinip! Halikayo, patayin natin siya
20 "Now come, let's kill him, throw him into one of the pits, and say a wild animal ate him. Then we'll see what becomes of his dreams." at ihulog sa isa sa mga balon dito. Sabihin na lang natin na pinatay siya ng mabangis na hayop. Tingnan nga natin kung magkakatotoo ang mga panaginip niya.”
21 Reuben heard and tried to rescue him from their hands. "Let's not take his life," he said. Nang marinig ni Ruben ang balak nila, sinikap niyang iligtas si Jose. Sinabi niya, “Huwag na lang natin siyang patayin.
22 Reuben told them, "Shed no blood—throw him into this desert cistern, but don't touch him." Reuben said this to rescue Joseph from them and take him back to his father. Ihulog nʼyo na lang siya rito sa balon sa ilang, ngunit huwag ninyo siyang papatayin.” Sinabi iyon ni Ruben dahil plano na niyang iligtas si Jose at ibalik sa kanilang ama.
23 When Joseph reached his brothers, they stripped off his robe—the robe of many colors he wore. Kaya pagdating ni Jose, hinubad nila ang mahaba at magandang damit nito,
24 They took him and threw him into the cistern. The cistern was empty, no water in it. at inihulog sa balon na walang tubig.
25 They sat to eat, looked up, and saw an Ishmaelite caravan coming from Gilead, their camels carrying spices, balm, and myrrh, headed down to Egypt. Habang kumakain sila, may natanaw silang mga mangangalakal na Ismaelitang nanggaling sa Gilead. Ang mga kamelyo nila ay may kargang mga sangkap, gamot at pabangong dadalhin sa Ehipto.
26 Judah told his brothers, "What do we gain if we kill our brother and hide his blood? Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Ano ba ang makukuha natin kung papatayin natin ang kapatid natin at ililihim ang kamatayan niya?
27 Come, let's sell him to the Ishmaelites, not harm him ourselves—he's our brother, our own flesh." His brothers agreed. Ang mabuti pa siguro ipagbili natin siya sa mga Ismaelitang iyan. Huwag natin siyang patayin dahil kapatid natin siya.” Pumayag ang mga kapatid ni Juda sa sinabi niya.
28 As Midianite traders passed, his brothers lifted Joseph from the pit and sold him to the Ishmaelites for twenty silver pieces, and the Ishmaelites brought him to Egypt. Kaya pagdaan ng mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose mula sa balon at ipinagbili nila sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
29 When Reuben returned to the cistern and saw that Joseph was not there, he tore his clothes. Nang bumalik si Ruben sa balon, wala na doon si Jose. Kaya pinunit niya ang kanyang damit sa lungkot.
30 He went back to his brothers and said, "The boy is gone! Where can I turn now?" Pagkatapos, bumalik siya sa mga kapatid niya at sinabi, “Wala na doon ang nakababata nating kapatid. Ano na ang gagawin ko ngayon?”
31 Then they took Joseph's robe, slaughtered a goat, and dipped the robe in the blood. Nagkatay sila ng kambing at isinawsaw sa dugo nito ang damit ni Jose.
32 They sent the robe of many colors and brought it to their father, saying, "We found this. Examine it: is it your son's robe, or not?" Pagkatapos, dinala nila ang damit ni Jose sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ito. Tingnan po ninyong mabuti kung kay Jose po ito o hindi.”
33 He recognized it: "My son's robe—a dangerous animal ate him! Joseph is surely torn apart." Nakilala agad ni Jacob ang damit. Sinabi niya, “Sa kanya ito! Pinatay siya ng mabangis na hayop! Tiyak na niluray-luray siya ng hayop.”
34 Then Jacob tore his clothes, put on mourning clothes, and mourned for his son many days. Pinunit agad ni Jacob ang kanyang damit at nagdamit ng sako. Nagluksa siya nang matagal sa pagkamatay ng kanyang anak.
35 All his sons and daughters came to comfort him, but he refused to be comforted, saying, "No, mourning I will go down to my son in the grave." So his father wept for him. Inaliw siya ng lahat ng anak niya ngunit patuloy pa rin ang pagdadalamhati niya. Sinabi niya, “Hayaan nʼyo na lang ako! Mamamatay akong nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng anak ko.” At nagpatuloy ang pag-iyak niya dahil kay Jose.
36 Now the Midianites sold Joseph in Egypt to Potiphar, a Pharaoh official and captain of the guard. Samantala, doon sa Ehipto, ibinenta ng mga Midianita si Jose kay Potifar na isa sa mga opisyal ng Faraon. Kapitan siya ng mga guwardiya sa palasyo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]