Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 34 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Dinah, the daughter Leah bore to Jacob, went out to see the young women of the land. Isang araw, umalis si Dina na anak na dalaga nina Jacob at Lea. Binisita niya ang mga dalagang taga-Canaan.
2 Shechem son of Hamor the Hivite, prince of the land, saw her, seized her, lay with her, and abused her. Nakita siya ni Shekem na anak ni Hamor na Heveo, na pinuno sa lugar na iyon. Sinunggaban niya si Dina at pinagsamantalahan.
3 His heart clung to Dinah, daughter of Jacob—he loved the girl and spoke to her heart. Ngunit nahulog ang loob niya kay Dina at nagustuhan niya ito, kaya sinuyo niya ang dalaga.
4 So Shechem said to his father Hamor, "Get me this girl as a wife." Sinabi ni Shekem sa ama niyang si Hamor, “Ama, gawan nʼyo po ng paraan upang mapangasawa ko ang dalagang ito.”
5 Jacob heard that Shechem had made his daughter Dinah unclean, but his sons were with his livestock in the field, so Jacob said nothing until they came. Nang malaman ni Jacob na dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, hindi muna siya kumibo dahil naroon pa sa bukid ang mga anak niyang lalaki na nagbabantay ng kanyang mga hayop.
6 Then Hamor, Shechem's father, went out to Jacob to speak with him. Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob upang makipag-usap.
7 Jacob's sons came in from the field. When they heard, the men were deeply pained and furious—for Shechem had done a disgraceful thing in Israel, sleeping with Jacob's daughter, a thing not to be done. Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa mga Israelita.
8 Hamor spoke with them: "My son Shechem longs for your daughter. Please give her to him as wife. Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa inyong dalagang anak, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.
9 Intermarry with us—give your daughters to us, and take our daughters for yourselves. At maganda rin na hayaan nating mapangasawa ng mga dalaga ninyo ang mga binata namin at mapangasawa rin ng mga dalaga namin ang mga binata ninyo.
10 Live with us; the land lies open to you—settle, trade, and acquire property in it." Maaari kayong manirahang kasama namin kahit saang lugar ninyo gustuhin. Maaari rin kayong magnegosyo kahit saan at magmay-ari ng lupain dito.”
11 Shechem said to her father and brothers, "Let me find favor in your eyes; whatever you say to me, I will give. Nakiusap din si Shekem sa ama at sa mga kapatid ni Dina, “Kung maaari po ay mapangasawa ko si Dina na kapatid ninyo. Ibibigay ko po ang kahit anong hilingin ninyo.
12 Ask me any bride-price and gift, however great—I'll pay it. Just give me the girl as my wife." Kayo po ang bahala kung magkano ang hihilingin ninyo at kung ano ang ireregalo ko upang mapangasawa ko ang kapatid ninyo. Babayaran ko po kayo kahit magkano ang hilingin ninyo bastaʼt mapangasawa ko lang po si Dina.”
13 Jacob's sons answered Shechem and his father Hamor dishonestly, because Shechem had defiled their sister Dinah. Ngunit dahil sa dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, niloko ng mga anak ni Jacob si Shekem at ang ama nitong si Hamor.
14 They said to them, "We can't do this—give our sister to an uncircumcised man; that would disgrace us. Sinabi nila, “Hindi kami papayag na makapag-asawa si Dina ng isang taong hindi tuli, dahil nakakahiya iyan para sa amin.
15 We agree to this alone: if you become like us, every male of you circumcised. Papayag lang kami kung ang lahat ng lalaki na taga-rito ay magpapatuli rin kagaya namin.
16 We'll give you our daughters and take yours for ourselves; we'll live with you and become one people. Kung magpapatuli kayo, maaari ninyong mapangasawa ang mga dalaga namin at maaari rin kaming makapag-asawa sa mga dalaga ninyo. At maninirahan kami kasama ninyo upang maging isang bayan na lang tayo.
17 But if you will not listen and be circumcised, we will take our daughter and leave." Ngunit kung hindi kayo papayag, kukunin namin si Dina at aalis kami rito.”
18 Their words pleased Hamor and his son Shechem. Nakita nina Hamor at Shekem na mukhang maganda rin ang mungkahing ibinigay ng mga anak ni Jacob.
19 The young man didn't delay, since he delighted in Jacob's daughter—he was the most honored in his father's house. Kaya dahil sa malaking pagmamahal ni Shekem kay Dina, hindi na siya nag-aksaya ng panahon upang sundin ang mga sinabi ng mga anak ni Jacob. Si Shekem ang lubos na iginagalang sa sambahayan ng kanyang ama.
20 Hamor and his son Shechem came to the gate of their city and spoke to the men of their city: Pumunta sila ng kanyang ama sa pintuan ng lungsod upang kausapin ang mga lalaki sa kanilang lungsod.
21 "These men are peaceful with us. Let them live in the land and trade in it—the land is wide enough for them. We'll take their daughters as wives and give them ours. Sinabi nila, “Palakaibigan ang mga taong ito. Kaya patirahin natin sila rito at payagang makapagnegosyo kahit saan. Malaki naman ang lupain natin. Maaari tayong makipag-asawa sa mga dalaga nila at makikipag-asawa rin sila sa mga dalaga natin.
22 Only on this condition will the men agree to live with us as one people: that every male among us be circumcised, as they are circumcised. Ngunit papayag lang sila na manirahan dito kasama natin bilang isang bayan kung papayag ang lahat ng kalalakihan natin na magpatuli kagaya nila.
23 Won't their livestock, property, and all their animals be ours? Just let us agree with them, and they'll live with us." Kung dito sila titira, magiging atin din ang lahat ng hayop at ari-arian nila. Kaya pumayag na lang tayo sa mungkahi nila upang manirahan sila rito na kasama natin.”
24 All who went out through his city's gate listened to Hamor and his son Shechem, and every male was circumcised—all who went out through his city's gate. Pumayag ang lahat ng kalalakihan ng lungsod sa sinabi ni Hamor at ng anak niyang si Shekem. Kaya nagpatuli ang lahat ng kalalakihan nila.
25 On the third day, while they were still in pain, two of Jacob's sons, Simeon and Levi, Dinah's brothers, each took his sword, came against the unsuspecting city, and killed every male. Pagkalipas ng tatlong araw, habang mahapdi pa ang sugat ng mga lalaki, pumasok sa lungsod ang dalawang anak ni Jacob na sina Simeon at Levi, na mga kapatid ni Dina. Hindi alam ng mga tao roon na masama pala ang pakay nila. May dala silang mga espada at pinagpapatay nila ang lahat ng lalaki.
26 They killed Hamor and his son Shechem with the sword, took Dinah from Shechem's house, and left. Pinatay din nila si Hamor at ang anak niyang si Shekem. Kinuha rin nila si Dina sa bahay ni Shekem, at umalis.
27 Jacob's sons came upon the slain and plundered the city, because the men there had defiled their sister. Pagkatapos, pinasok din ng iba pang anak ni Jacob ang lungsod at kinuha ang mga ari-arian dito. Ginawa nila ito dahil dinungisan ang pagkababae ng kanilang kapatid.
28 They took their flocks, their herds, their donkeys, and everything in the city and in the field. Kinuha nila ang mga tupa, baka, asno at ang lahat ng ari-arian doon sa lungsod at bukirin.
29 They took all their wealth, all their children, and their wives captive, plundering everything in the houses. Sinamsam nila ang lahat ng kayamanan ng lungsod, pati ang mga ari-arian sa loob ng mga bahay. At binihag nila ang lahat ng babae at bata.
30 Jacob said to Simeon and Levi, "You've brought trouble on me—making me stink to those living here, the Canaanites and Perizzites. My men are few; if they band together against me, they'll attack, and I'll be destroyed, I and my household." Ngayon, sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi, “Binigyan ninyo ako ng malaking problema. Magkikimkim ng galit sa atin ang mga Cananeo at mga Perezeo sa lupaing ito. Mamamatay tayong lahat kung magkakaisa silang lusubin tayo dahil kaunti lang tayo.”
31 But they said, "Should he treat our sister like a prostitute?" Ngunit sumagot ang dalawa, “Pababayaan lang ba namin na tratuhin ang kapatid namin na parang isang babaeng bayaran?”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]