Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 33 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jacob looked up and saw Esau coming with 400 men. So he divided the children between Leah, Rachel, and the two servants. Nang tumanaw si Jacob, nakita niya si Esau na paparating kasama ang apatnaraang lalaki. Kayaʼt pinaghiwa-hiwalay niya ang kanyang mga anak kina Lea, Raquel, at sa dalawang alipin.
2 He put the maidservants and their children first, Leah and her children after them, and Rachel and Joseph last. At pag-alis nila, pinauna niya ang dalawang aliping babae at ang mga anak nila, sumunod si Lea at ang mga anak niya, at si Raquel at ang anak niyang si Jose.
3 He himself went ahead of them, bowing to the ground seven times, until he reached his brother. Si Jacob ay nasa unahan nilang lahat at pitong ulit siyang nagpatirapa habang papalapit siya sa kanyang kapatid.
4 Esau ran to meet him, hugged him, threw his arms around his neck, kissed him—and they wept. Ngunit tumakbo si Esau para salubungin siya. Niyakap siya ni Esau at hinagkan, at umiyak silang dalawa.
5 When Esau looked up and saw the women and children, he asked, "Who are these with you?" Jacob said, "The children our Father has graciously given your servant." Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, tinanong niya si Jacob, “Sino ang mga kasama mong iyan?” Sumagot si Jacob, “Sila ang mga anak na ipinagkaloob ng Diyos sa inyong lingkod dahil sa kanyang awa.”
6 Then the female servants drew near with their children, and they bowed down. Lumapit agad kay Esau ang dalawang alipin na babae at ang mga anak nila, at yumukod sila bilang paggalang sa kanya.
7 Leah also came forward with her children, and they bowed down; then Joseph and Rachel came forward and bowed down. Sumunod din si Lea at ang mga anak niya at yumukod. Ang huling lumapit at yumukod ay si Jose at ang ina niyang si Raquel.
8 Esau said, "Why all this company I met?" "To find favor with my lord," Jacob said. Nagtanong pa si Esau kay Jacob, “Ano ba ang ibig sabihin ng mga kawan ng hayop na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang malugod po kayo sa akin, aking panginoon.”
9 But Esau said, "I have plenty, my brother; keep what is yours for yourself." Ngunit sumagot si Esau, “Marami na akong ari-arian, kaya sa iyo na lang iyon.”
10 Jacob said, "No, please—if I've found favor in your eyes, accept my gift from my hand, for I have seen your face like seeing the face of our Father, and you've accepted me. Ngunit nagpumilit si Jacob, “Sige na po, tanggapin nʼyo na po. Kung totoong pinatawad nʼyo na ako, tanggapin ninyo ang regalo ko sa inyo. Sapagkat nang makita ko ang inyong mukha at madama ang inyong magandang pagtanggap sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Diyos.
11 Please take my blessing, brought to you, since our Father has favored me and I have everything." So he insisted, and he took it. Tanggapin nʼyo na po ang regalo ko sa inyo dahil napakabuti ng Diyos sa akin at hindi ako nagkulang sa mga pangangailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang tanggapin na ni Esau ang mga regalo niya.
12 Then Esau said, "Let us journey on our way, and I will go ahead of you." Pagkatapos, sinabi ni Esau, “Halika na, sabay na tayong umalis.”
13 But Jacob said to him, "My lord knows the children are frail, and the flocks and herds, nursing, are in my care. If driven hard one day, all the flocks will die. Ngunit sumagot si Jacob, “Alam po ninyong mabagal maglakad ang mga bata, at kailangan kong alagaang mabuti ang mga hayop na nagpapasuso. Kung pipilitin natin ang mga hayop na maglakad sa buong araw, baka mamatay sila.
14 Let my lord pass ahead of his servant; I will move slowly, at the pace of the livestock ahead of me and the pace of the children, until I reach my lord at Seir." Ang mabuti pa, aking panginoon, mauna na lang po kayo sa amin. Susunod kami sa inyo ayon sa bilis ng mga bata at ng mga hayop na kasabay namin. Doon na lang tayo magkita sa Seir.”
15 Esau said, "Let me leave some of my people with you." Jacob replied, "Why do that? Let me find favor in my lord's eyes." Sinabi ni Esau, “Kung ganoon, ipapaiwan ko na lang ang iba kong mga tauhan sa iyo.” Sumagot si Jacob, “Hindi na po kailangan. Sapat na ang kabutihang-loob na ipinakita ninyo sa akin, panginoon ko.”
16 So Esau returned that day on his way to Seir. Kaya bumalik si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon.
17 But Jacob traveled to Succoth, built himself a house, and made shelters for his livestock—that's why the place is called Succoth. Ngunit sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.
18 Jacob arrived safely at Shechem, a city in Canaan, coming from Paddan-aram, and camped facing the city. Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan-aram na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod.
19 He bought the plot where he pitched his tent from the sons of Hamor, Shechem's father, for one hundred pieces of silver. Ang lupaing pinagtayuan nila ng mga tolda ay binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor sa halagang isang daang pirasong pilak. Si Hamor ay ama ni Shekem.
20 There he set up an altar and called it El-Elohe-Israel—the Father of Israel. Doon ay nagpatayo si Jacob ng altar na pinangalanan niyang El-Elohe-Israel.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]