Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 32 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jacob went on his way, and the angels of our Father met him. Habang naglalakbay sina Jacob, sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.
2 Jacob saw them and said, "This is our Father's camp!" He named that place Mahanaim. Pagkakita ni Jacob sa kanila, sinabi niya, “Mga sundalo ito ng Diyos.” Kaya pinangalanan niya ang lugar na iyon na Mahanaim.
3 Jacob sent messengers ahead of him to Esau his brother in the land of Seir, the territory of Edom. May mga isinugo si Jacob na nauna sa kanya sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, ang bayang tinatawag ding Edom.
4 He ordered them, "Tell my lord Esau: your servant Jacob says, I've lived with Laban and stayed until now. Inutusan niya sila: “Ito ang sasabihin ninyo kay Esau na aking panginoon: ‘Ang inyong lingkod na si Jacob ay matagal na nanirahan kay Laban at nanatili siya roon hanggang ngayon.
5 I own oxen, donkeys, flocks, and servants—male and female. I've sent to inform my lord, to find favor in your eyes." At mayroon na po siyang mga baka, asno, tupa, kambing, at mga aliping lalaki at babae. Isinugo po niya kami para sabihin ito sa inyo upang malugod po kayo sa kanya.’ ”
6 The messengers returned to Jacob: "We went to your brother Esau—he's coming to meet you, 400 men with him." Pagbalik ng mga sugong inutusan ni Jacob, sinabi nila, “Napuntahan na po namin ang inyong kapatid na si Esau, at papunta na po siya rito para salubungin kayo. May kasama siyang apatnaraang lalaki.”
7 Jacob was very afraid and distressed. He split the people with him, and the flocks, herds, and camels, into two camps, Kinabahan si Jacob at hindi siya mapalagay, kaya hinati niya sa dalawang grupo ang mga kasamahan niya pati ang kanyang mga tupa, baka, kambing at kamelyo.
8 thinking, "If Esau reaches one camp and attacks it, the remaining camp will escape." Dahil naisip niya na kung sakaling dumating si Esau at lusubin ang isang grupo, makakatakas pa ang isang grupo.
9 Then Jacob said, "God of my father Abraham and God of my father Isaac, my Father, who said to me, 'Return to your land and family, so I may treat you well,' Nanalangin si Jacob, “Diyos ng aking lolo na si Abraham at Diyos ng aking ama na si Isaac, kayo po, Panginoon, ang nagsabi sa akin na bumalik ako sa mga kamag-anak ko, doon po sa lupain kung saan ako isinilang, at pagpapalain ninyo ako.
10 I am too small for the least of all the covenant love and faithfulness you have shown your servant, for I crossed this Jordan with only my staff, and now I have become two camps. Hindi po ako karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kabutihan at katapatan na ipinakita ninyo sa akin na inyong lingkod. Sapagkat nang tumawid ako noon sa Jordan, wala po akong ibang dala kundi tungkod lang, ngunit ngayon ay may dalawa na po akong grupo.
11 Rescue me, please, from my brother's hand, from Esau's hand—I fear him: he may come and strike me down, mothers with children. Hinihiling ko po sa inyo na iligtas nʼyo ako sa kapatid kong si Esau. Natatakot po ako na baka pumunta siya rito at patayin kaming lahat pati na ang mga asawa koʼt mga anak nila.
12 But you said, 'I will surely be good to you and make your descendants like the sand of the sea, too many to count.'" Ngunit nangako po kayo sa akin na pagpapalain nʼyo ako at pararamihin nʼyo ang aking mga lahi katulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi mabilang.”
13 He stayed there that night, then took a gift for his brother Esau from what he had: Kinagabihan, doon natulog sina Jacob. Kinabukasan, pumili si Jacob ng mga hayop na ireregalo kay Esau:
14 200 female goats and twenty male goats, 200 ewes and twenty rams, dalawandaang babaeng kambing at dalawampung lalaking kambing, dalawandaang babaeng tupa at dalawampung lalaking tupa,
15 thirty nursing camels with their young, forty cows, ten bulls, twenty female donkeys, ten male donkeys. tatlumpung inahing kamelyo kasama pa ang kanilang mga bisiro, apatnapung babaeng baka at sampung toro, dalawampung babaeng asno at sampung lalaking asno.
16 He gave them to his servants, drove by drove, separately, and told his servants, "Pass ahead of me, and leave space between drove and drove." Ginawang dalawang grupo ni Jacob ang mga hayop, at ang bawat grupo ay may aliping nagbabantay. Sinabihan niya ang kanyang mga alipin, “Mauna kayo sa akin, at lumakad kayo na may pagitan ang bawat grupo.”
17 He ordered the first, "When Esau my brother meets you and asks you, 'Whose are you? Where are you going? Whose are these ahead of you?' Sinabihan niya ang mga aliping nagbabantay sa naunang grupo, “Kung makasalubong nʼyo si Esau at magtanong siya kung kanino kayong alipin at kung saan kayo pupunta, at kung kanino ang mga hayop na dala ninyo,
18 then say, 'They're your servant Jacob's, a gift sent to my lord Esau. Look, he himself is behind us.'" sagutin ninyo ang aking panginoong si Esau na akin ang mga hayop na ito at regalo ko ang mga ito sa kanya. Sabihin din ninyo na akoʼy nakasunod sa inyo.”
19 He also commanded the second, the third, and all who followed the herds, "Say the same to Esau when you find him, Ganoon din ang sinabi niya sa ikalawa, sa ikatlo at sa lahat ng aliping kasabay ng mga kawan.
20 and you will say, 'Also, your servant Jacob is behind us.'" For he thought, "I will appease him with the gift ahead of me, then see his face; perhaps he'll accept me." At pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag kalimutang sabihin kay Esau na nakasunod siya sa hulihan. Sapagkat sinabi ni Jacob sa kanyang sarili, “Aalukin ko si Esau ng mga regalong pinauna ko. At kung magkikita kami, baka sakaling tatanggapin niya ako.”
21 So the gift passed on ahead of him, and he himself stayed that night in the camp. Kaya pinauna niya ang mga regalo niya, ngunit nagpaiwan siya noong gabing iyon doon sa tinutuluyan nila.
22 That night he got up, took his two wives, two female servants, and eleven sons, and crossed the Jabbok ford. Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at isinama ang dalawa niyang asawa, ang dalawang alipin niyang babae at ang labing-isang anak niya, at pinatawid sila sa Ilog ng Jaboc.
23 He took them and sent them across the stream, and likewise sent across everything he had. Ipinatawid din ni Jacob ang lahat ng ari-arian niya.
24 And Jacob was left alone. And a man wrestled with him until the breaking of the day. Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga.
25 Seeing he could not defeat Jacob, the man touched his hip socket, and Jacob's hip was wrenched as they wrestled. Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito.
26 He said, "Let me go; dawn is breaking." But Jacob said, "I won't let you go unless you bless me." At sinabi ng lalaki, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.” Ngunit sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”
27 And he said to him, "What is your name?" And he said, "Jacob." Nagtanong ang lalaki sa kanya, “Anong pangalan mo?” Sumagot siya, “Jacob.”
28 He said, "You will no longer be named Jacob, but Israel, for you have struggled with our Father and with men, and won." Sinabi ng lalaki, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel dahil nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”
29 Jacob asked him, "Please tell me your name." He said, "Why do you ask my name?" And he blessed him there. Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.” Ngunit sumagot ang lalaki, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.
30 So Jacob named the place Peniel: "For I have seen our Father face to face, yet my life was saved." Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Diyos ngunit buháy pa rin ako.”
31 The sun rose upon him as he passed Penuel, limping because of his hip. Sumisikat na ang araw nang umalis si Jacob sa Peniel. Pipilay-pilay siya dahil nalinsad ang buto niya sa balakang.
32 This is why, even now, the Israelites won't eat the thigh muscle on the hip socket—because he struck Jacob's hip socket there, at the thigh muscle. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ang mga Israelita ay hindi kumakain ng litid sa magkatapat na buto sa balakang ng hayop. Sapagkat sa bahaging iyon pinisil ng Diyos si Jacob.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]