1Jacob heard Laban's sons say, "Jacob took all our father had; from what was our father's he made this wealth."OASDNarinig ni Jacob na ang mga anak na lalaki ni Laban ay nagsasabi, “Kinuha ni Jacob ang halos lahat ng ari-arian ng ating ama. Ang lahat ng kayamanan niya ay nanggaling sa ari-arian ng ating ama.”
2And Jacob saw the face of Laban, and it was not toward him as before.OASDNapansin din ni Jacob na nag-iba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya di tulad nang dati.
3Then our Father told Jacob, "Return to your fathers' land and family; I will be with you."OASDSinabi ng Panginoon kay Jacob, “Bumalik ka na sa lupain ng iyong mga ninuno, doon sa mga kamag-anak mo, at makakasama mo ako.”
4So Jacob sent and called Rachel and Leah to the field, to his flock.OASDKaya ipinatawag ni Jacob ang mga asawa niyang sina Raquel at Lea na naroon sa pastulan ng mga hayop niya.
5He told them, "I see your father's face isn't toward me as before, but the God of my father remained with me.OASDSinabi niya sa kanila, “Napansin ko na nag-iba na ang pakikitungo ng inyong ama sa akin di tulad nang dati. Ngunit hindi ako pababayaan ng Diyos ng aking Ama.
6You know that I have served your father with all my strength.OASDAlam naman ninyo na naglingkod ako sa inyong ama hanggang sa makakaya ko,
7Your father cheated me, changing my wages ten times, but our Father wouldn't let him harm me.OASDngunit dinaya pa niya ako. Sampung beses niyang binago ang kabayaran ko. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos na api-apihin lang niya.
8If he said, 'Speckled is your wage,' the whole flock bore speckled; if he said, 'Striped is your wage,' the whole flock bore striped.OASDNang sinabi nga ni Laban na ang batik-batik na mga kambing ang siyang bayad ko, panay din batik-batik ang anak ng mga kambing.
9So our Father has taken away your father's livestock and given it to me.OASDKinuha ng Diyos ang mga hayop ng inyong ama at ibinigay sa akin.”
10I looked up in a dream during the flock's mating season and saw the male goats mounting them were streaked, speckled, and spotted.OASDSinabi pa ni Jacob, “Noong panahon ng pagkakastahan ng mga hayop, nanaginip ako. Nakita ko na ang mga lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik.
11The messenger of the Father said to me in a dream, 'Jacob,' and I said, 'Here I am.'OASDSa panaginip ko tinawag ako ng anghel ng Diyos. Sinabi niya, ‘Jacob!’ Sumagot ako sa kanya, ‘Narito po ako.’
12He said, 'Look up and see: all the male goats mating with the flock are streaked, spotted, speckled—for I've seen all Laban is doing to you.OASDAt sinabi niya, ‘Masdan mo at makikita mo na ang lahat ng lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik. Ginawa ko ito dahil nakita ko ang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban.
13I am the Father of Bethel, where you anointed a pillar and vowed to me. Now get up, leave this land, and return to your kindred's land.'"OASDAko ang Diyos na nagpakita sa iyo roon sa Betel, sa lupain kung saan binuhusan mo ng langis ang bato na itinayo mo bilang alaala. At doon ka rin nangako sa akin. Ngayon maghanda ka at umalis sa lugar na ito, at bumalik sa lugar kung saan ka isinilang.’ ”
14Rachel and Leah answered, "Do we still have any share or inheritance in our father's house?OASDSumagot si Raquel at si Lea kay Jacob, “Wala na kaming mamanahin sa aming ama.
15Doesn't he count us as foreigners? He sold us and has completely consumed our money too.OASDIbang tao na kami sa paningin niya. Ipinagbili na kami at naubos na niya ang perang pinagbilhan namin.
16Everything our Father took from Laban is ours and our children's. Now do all our Father told you."OASDAng lahat ng yaman na kinuha ng Diyos sa kanya ay maituturing namin na mamanahin namin at ng aming mga anak. Kaya gawin mo ang sinabi sa iyo ng Diyos.”
17So Jacob arose and set his sons and his wives on the camels.OASDKaya pinasakay ni Jacob ang kanyang mga anak at mga asawa sa mga kamelyo.
18He took all his livestock and all his property he had acquired, the livestock acquired in Paddan-aram, to go to Isaac his father in the land of Canaan.OASDDinala rin niya ang lahat ng kanyang mga alagang hayop at ang lahat ng kanyang ari-ariang naipon niya sa Padan-aram. Pagkatapos, naglakbay na sila upang bumalik sa Canaan, sa lupain ng kanyang ama na si Isaac.
19Laban went to shear his sheep, and Rachel stole her father's household gods.OASDNagkataon naman na umalis si Laban upang gupitan ang kanyang mga tupa, at habang wala siya kinuha ni Raquel ang mga diyos-diyosang pag-aari ng kanyang ama.
20And Jacob deceived Laban the Aramean by not telling him that he was fleeing.OASDNiloko ni Jacob si Laban na Arameo dahil hindi siya nagpaalam sa pag-alis niya.
21He fled with all he had, rose, crossed the Euphrates, and set his face toward Gilead's hill country.OASDNang umalis si Jacob, dala niya ang lahat ng ari-arian niya. Tumawid siya sa Ilog Eufrates at pumunta sa kaburulan ng Gilead.
22On the third day Laban was told that Jacob had fled.OASDLumipas ang tatlong araw bago nalaman ni Laban na tumakas sina Jacob.
23He took his relatives, chased him seven days, and caught him in Gilead's hill country.OASDKayaʼt isinama ni Laban ang kanyang mga kamag-anak at hinabol si Jacob sa loob ng pitong araw. Naabutan nila sina Jacob doon sa kaburulan ng Gilead.
24But our Father came to Laban the Aramean in a night dream and said, "Guard against speaking with Jacob, good or bad."OASDNang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Laban na Arameo sa panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Huwag mong gagawan ng masama si Jacob.”
25Laban caught Jacob, who had pitched his tent in the hills; Laban and his relatives pitched against him in Gilead's hills.OASDNakapagtayo na noon si Jacob ng tolda niya sa kaburulan ng Gilead nang maabutan siya ni Laban. At doon din nagtayo sina Laban ng kanilang mga tolda.
26Laban said to Jacob, "What have you done? You tricked me and drove my daughters like war captives.OASDSinabi ni Laban kay Jacob, “Bakit ginawa mo ito sa akin? Bakit mo ako niloko? At dinala mo ang mga anak ko na parang mga bihag sa labanan.
27Why sneak off and deceive me, not telling me? I'd have sent you off with joy, songs, tambourine, lyre.OASDBakit niloko mo ako at umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Kung nagsabi ka lang, paglalakbayin pa sana kita nang may kagalakan sa pamamagitan ng tugtugan ng tamburin at alpa.
28Why didn't you let me kiss my sons and daughters goodbye? Now you've acted foolishly.OASDHindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong mahagkan ang aking mga apo at mga anak bago sila umalis. Hindi maganda itong ginawa mo.
29I have power to harm you, but your father's God told me last night: 'Watch yourself—say nothing to Jacob, good or bad.'OASDMay kapangyarihan akong gawan ka ng masama, ngunit kagabi, binalaan ako ng Diyos ng iyong ama. Sinabi niya, ‘Mag-ingat ka, huwag kang magsasabi ng kahit ano kay Jacob, mabuti man o masama.’
30Now you've truly gone because you longed greatly for your father's house—so why steal my gods?"OASDAlam kong sabik na sabik ka nang umuwi. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”
31Jacob answered Laban, "I was afraid, for I thought you'd seize your daughters from me.OASDSumagot si Jacob sa kanya, “Hindi ako nagpaalam sa inyo dahil natatakot ako na baka pilitin nʼyong bawiin sa akin ang inyong mga anak.
32Whoever you find with your gods dies. Point out what's yours before our relatives, take it." Jacob didn't know Rachel had stolen them.OASDNgunit kung tungkol sa mga nawawala ninyong diyos-diyosan, kapag nakita nʼyo ito sa kahit sino sa amin, parurusahan siya ng kamatayan. Sa harapan ng mga kamag-anak natin bilang mga saksi, tingnan nʼyo kung may pag-aari po kayo rito na nasa amin, at kung mayroon ay kunin nʼyo.” Hindi alam ni Jacob na si Raquel pala ang kumuha ng mga diyos-diyosan ni Laban.
33Laban searched Jacob's tent, Leah's tent, and the two servants' tent, found nothing, left Leah's, and entered Rachel's tent.OASDKaya hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan niya sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea, at pati sa tolda ng dalawang aliping babae na mga asawa ni Jacob. Ngunit hindi niya nakita ang mga ito. Paglabas niya sa tolda ni Lea, pumasok siya sa tolda ni Raquel.
34Rachel had taken the household idols, put them in the camel's saddle, and sat on them. Laban searched the whole tent but found nothing.OASDNgunit naitago na ni Raquel ang mga diyos-diyosan sa lalagyan na ginagamit na upuan sa pagsakay sa kamelyo, at inupuan niya. Hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan sa tolda ni Raquel ngunit hindi niya ito makita.
35She told her father, "Don't be angry, my lord—I can't rise for you; I'm on my period." He searched but never found the household gods.OASDSinabi ni Raquel sa kanya, “Ama, huwag po kayong magalit kung hindi po ako makatayo dahil mayroon akong buwanang dalaw.” At patuloy na naghanap si Laban ngunit hindi niya nakita ang mga diyos-diyosan niya.
36Jacob got angry and quarreled with Laban. Jacob answered Laban, "What's my crime? What's my sin, that you've chased me down?OASDHindi na mapigilan ni Jacob ang kanyang galit, kaya sinabi niya kay Laban, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko at hinabol mo pa ako na parang isang kriminal?
37You've searched all my goods—what did you find from your household? Put it here before my relatives and yours; let them decide between us both.OASDNgayong nahalungkat mo na ang lahat ng aking ari-arian, may nakita ka bang sa iyo? Kung mayroon, ilagay mo rito sa harap upang makita ng aking mga kamag-anak at ng iyong mga kamag-anak, at bahala na silang humatol sa atin.
38Twenty years I've been with you: your ewes and female goats haven't miscarried, and I haven't eaten rams from your flock.OASD“Sa loob ng dalawampung taon na akoʼy nakasama ninyo, ni minsan hindi nakunan ang inyong mga kambing at tupa. At ni isang lalaking tupa ay hindi ko pinangahasang kainin.
39Torn animals I never brought to you; I bore the loss myself. You demanded it from my hand, stolen by day, stolen by night.OASDHindi ko na dinadala sa iyo ang mga hayop na pinatay ng mababangis na hayop; pinapalitan ko na lang ito agad. Pinabayaran mo rin sa akin ang mga hayop na ninakaw araw man o gabi.
40There I was: by day heat consumed me, and cold by night, and sleep fled from my eyes.OASDGanito ang naging kalagayan ko: Kapag araw ay nagtitiis ako sa init, at kung gabi ay nagtitiis ako sa lamig. At palaging kulang ang tulog ko.
41Twenty years in your house—fourteen serving for your two daughters, six for your flock—and you changed my wages ten times.OASDSa loob ng dalawampung taon na pagtira ko sa inyo, labing-apat na taon akong naglingkod sa iyo para sa iyong dalawang anak na babae. Naglingkod pa ako ng anim na taon upang bantayan ang iyong mga hayop. Ngunit ano ang ginawa mo? Sampung beses mong binago ang pagbabayad mo sa akin.
42Had the God of my father, the God of Abraham, and the Fear of Isaac not been with me, you'd surely have sent me away empty-handed now. Our Father saw my suffering and my hands' labor, and warned you last night."OASDKung hindi siguro ako sinamahan ng Diyos na ginagalang ng aking ama na si Isaac, na siya ring Diyos ni Abraham, baka pinalayas mo na ako nang walang dalang anuman. Ngunit nakita ng Diyos ang paghihirap ko at pagtatrabaho, kaya binalaan ka niya kagabi.”
43Laban answered Jacob, "The daughters are mine, the children are mine, the flocks are mine—everything you see is mine. But what can I do today for my daughters, or for the children they bore?OASDSumagot si Laban, “Ang mga babaeng iyan ay aking mga anak at ang mga anak nila ay aking mga apo. At ang mga hayop na iyan ay akin din. Lahat ng nakikita mo ay akin. Ngunit ngayon, ano pa ang magagawa ko sa mga anak at apo ko?
44Come, let's make a covenant, you and I; let it be a witness between you and me."OASDAng mabuti siguro, gumawa tayo ng kasunduan. Magtayo tayo ng batong magpapaalala sa atin at magpapatunay ng kasunduan natin.”
45So Jacob took a stone and set it up as a pillar.OASDKaya kumuha si Jacob ng malaking bato at itinayo niya ito bilang alaala.
46Jacob told his kin, "Gather stones." They took stones, piled a heap, and ate there by the heap.OASDPagkatapos, inutusan niya ang mga kamag-anak niya na magtumpok ng mga bato. At kumain sila roon sa tinumpok na mga bato.
47Laban called it Jegar-sahadutha, but Jacob called it Galeed.OASDPinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar-sahaduta. Ngunit pinangalanan ito ni Jacob na Galeed.
48Laban said, "This heap is a witness between you and me today." Therefore he named it Galeed,OASDSinabi ni Laban, “Ang nakatumpok na mga batong ito ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed.
49and Mizpah, for he said, "God watch between me and you when we're apart.OASDTinawag din iyon na Mizpa, dahil sinabi pa ni Laban, “Nawaʼy ingatan tayo ng Panginoon sa ating paghihiwalay.
50If you mistreat my daughters or take wives besides them, though no one else is here, God witnesses between you and me."OASDAt kung hindi mabuti ang pakikitungo mo sa mga anak ko, o kayaʼy mag-aasawa ka pa ng iba, alalahanin mo na kahit hindi ko man ito nalalaman, ang Diyos ang magpapatunay ng kasunduan natin.”
51Laban said to Jacob, "Look at this heap and this pillar I've set between you and me.OASDMuli pang sinabi ni Laban kay Jacob, “Narito ang tinumpok na mga bato at ang bato na alaalang magpapatunay ng kasunduan natin.
52This mound witnesses, this pillar witnesses: I won't cross this mound to you, and you won't cross this mound and pillar to me, for harm.OASDAng mga tinumpok na batong ito at ang bato na alaala ang siyang magpapatunay ng ating kasunduan na hindi ako lalampas sa tinumpok na mga batong ito upang lusubin ka, at hindi ka rin lalampas sa tinumpok na mga batong ito at sa bato na alaala upang lusubin ako.
53God of Abraham and God of Nahor, the God of their father, judge between us." So Jacob swore by the Fear of his father Isaac.OASDNawaʼy ang Diyos ng iyong lolong si Abraham at ang Diyos ng aking amang si Nahor, na siya ring Diyos ng kanilang amang si Tera, ang siyang humatol sa ating dalawa.” Kaya nakipagkasundo si Jacob kay Laban sa pangalan ng Diyos na iginagalang ng ama niyang si Isaac.
54Jacob sacrificed on the mountain, called his relatives to eat bread; they ate bread and spent the night on the mountain.OASDNaghandog si Jacob ng hayop doon sa bundok, at tinawag niya ang mga kamag-anak niya upang kumain. Kinagabihan, doon sila natulog sa bundok.
55Laban rose early, kissed his grandchildren and daughters, blessed them, left, and returned home.OASDKinabukasan, maaga pa ay hinagkan ni Laban at binasbasan ang mga anak at apo niya, at umalis siya pauwi.