Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 30 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When Rachel saw that she bore Jacob no children, Rachel envied her sister. She said to Jacob, "Give me children, or I will die!" Si Raquel ay hindi pa rin nagbubuntis, kaya nainggit siya kay Lea. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng anak dahil kung hindi, mamamatay ako!”
2 Jacob was furious with Rachel. He said, "Am I in our Father's place, who has withheld from you the fruit of the womb?" Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi, “Bakit, ako ba ang Diyos? Siya ang pumipigil sa iyong magkaanak.”
3 She said, "Here is my servant Bilhah. Go in to her, that she may bear children for me, and through her I too may build a family." Sinabi ni Raquel, “Kung ganoon, sumiping ka kay Bilha na alipin ko upang sa pamamagitan niyaʼy magkaroon din ako ng anak.”
4 So she gave him Bilhah her servant as a wife, and Jacob was intimate with her. Kaya ibinigay niya si Bilha kay Jacob bilang asawa, at sumiping si Jacob kay Bilha.
5 Bilhah conceived and bore Jacob a son. Dumating ang panahon, nabuntis si Bilha at nanganak ng lalaki.
6 Then Rachel said, "Our Father has judged me; he has also heard my voice and given me a son." Therefore she named him Dan. Sinabi ni Raquel, “Kinuha na ng Diyos ang aking kahihiyan. Tinugon niya ang panalangin ko dahil binigyan niya ako ng isang anak na lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Dan.
7 Bilhah, Rachel's servant, conceived again and bore Jacob a second son. Muling nagbuntis si Bilha na alipin ni Raquel at nanganak ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob.
8 Rachel said, "I have wrestled fiercely with my sister, and I have won." So she named him Naphtali. Sinabi ni Raquel, “Napakahigpit ng labanan namin bilang magkapatid, at nagtagumpay ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Neftali.
9 When Leah saw that she had stopped bearing children, she took Zilpah her servant and gave her to Jacob as a wife. Nang hindi na magkaanak si Lea, pinasipingan niya kay Jacob ang alipin niyang si Zilpa.
10 Then Leah's servant Zilpah bore Jacob a son. Nabuntis si Zilpa at nanganak ng lalaki.
11 Leah said, "Good fortune!" So she named him Gad. Sinabi ni Lea, “Mapalad ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Gad.
12 Leah's servant Zilpah bore Jacob a second son. Muling nanganak si Zilpa ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob.
13 Leah said, "How happy I am! For women will call me happy." So she named him Asher. Sinabi ni Lea, “Lubha akong nasisiyahan! Ngayon tatawagin ako ng mga babae na masiyahin.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Asher.
14 In the days of wheat harvest Reuben went out and found mandrakes in the field and brought them to his mother Leah. Then Rachel said to Leah, "Please give me some of your son's mandrakes." Anihan ng trigo noon, pumunta si Ruben sa bukid at may nakita siyang tanim na mandragora. Kumuha siya ng bunga nito at dinala sa ina niyang si Lea. Pagkakita noon ni Raquel ay sinabi niya kay Lea, “Bigyan mo rin ako ng mandragora na dinala ng anak mo.”
15 But Leah replied, "Wasn't it enough to take my husband? Now you'd take my son's mandrakes too?" Rachel said, "Fine—he can sleep with you tonight for your son's mandrakes." Ngunit sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?” Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.”
16 When Jacob came from the field in the evening, Leah went out to meet him and said, "You must sleep with me, for I have indeed hired you with my son's mandrakes." So he was intimate with her that night. Takipsilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid. Sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Sa akin ka sisiping ngayong gabi, dahil binayaran ko na ang upa mo kay Raquel gamit ang mandragora ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon.
17 And our Father listened to Leah, and she conceived and bore Jacob a fifth son. Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob.
18 Leah said, "Our Father has given me my wages because I gave my servant to my husband." So she named him Issachar. Sinabi ni Lea, “Ginantimpalaan ako ng Diyos dahil ibinigay ko ang alipin ko sa aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang kanyang anak na Isacar.
19 Leah conceived again and bore Jacob a sixth son. Muling nabuntis si Lea at nanganak ng lalaki na ikaanim nilang anak ni Jacob.
20 Then Leah said, "Our Father has endowed me with a good gift. Now my husband will honor me, because I have borne him six sons." So she named him Zebulun. Sinabi niya, “Binigyan ako ng Diyos ng mabuting regalo. Pararangalan na ako nito ngayon ng asawa ko dahil nabigyan ko na siya ng anim na anak na puro lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Zebulun.
21 Afterward she bore a daughter and named her Dinah. Hindi nagtagal nanganak si Lea ng babae at pinangalanan niyang Dina.
22 Then our Father remembered Rachel; he listened to her and opened her womb. Hindi rin kinalimutan ng Diyos si Raquel. Sinagot niya ang kanyang panalangin na magkaanak din siya.
23 She conceived and bore a son, and said, "Our Father has taken away my disgrace." Nagbuntis siya at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.”
24 She named him Joseph, saying, "May our Father add to me another son." Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose dahil sinabi niya, “Nawaʼy bigyan ako ng Panginoon ng isa pang anak.”
25 As soon as Rachel had borne Joseph, Jacob said to Laban, "Let me go back to my own home and country. Pagkatapos na ipanganak ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Pahintulutan nʼyo akong makauwi sa lugar namin.
26 Give me my wives and my children for whom I have served you, and let me go. You know the service I have given you." Ibigay nʼyo sa akin ang mga asawa ko, na ipinaglingkod ko sa inyo, at ang mga anak ko, dahil babalik na ako sa amin. Nalalaman nʼyo kung paano ako naglingkod sa inyo.”
27 But Laban said to him, "If I have found favor in your eyes—I have learned by divination that God has blessed me because of you." Sumagot si Laban, “Kung maaari huwag muna. Ayon sa pagpapahula ko, nalaman ko na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28 He said, "Name your wages, and I will give it." Sabihin mo lang kung magkano ang ibabayad ko sa iyo at babayaran kita.”
29 Jacob said to him, "You yourself know how I have served you, and how well your livestock has done under my care. Sinabi ni Jacob, “Alam mo kung paano ako naglingkod sa inyo at kung paano dumami ang mga hayop ninyo dahil sa pag-aalaga ko.
30 For you had little before I came, and it has increased greatly; our Father has blessed you wherever I turned. But now, when will I provide for my own household also?" Nang dumating ako rito, kakaunti pa lang ang mga hayop nʼyo, ngunit ngayon ay napakarami na, dahil pinagpala kayo ng Panginoon dahil sa akin. Ngayon, dapat na sigurong magsumikap ako para sa sarili kong sambahayan.”
31 He asked, "What should I give you?" Jacob replied, "Give me nothing. If you'll do this one thing for me, I'll go back to grazing and guarding your flock. Nagtanong si Laban, “Ano ba ang gusto mong ibayad ko sa iyo?” Sumagot si Jacob, “Huwag nʼyo na lang po akong bayaran. Ipagpapatuloy ko ang pag-aalaga sa inyong mga kawan kung papayag kayo sa aking kundisyon:
32 Let me pass through all your flock today, removing from it every speckled and spotted sheep and every black lamb, and the spotted and speckled among the goats, and that will be my wages. Titingnan ko ngayon ang mga hayop nʼyo at ibubukod ko ang itim na mga tupa at batik-batik na mga tupa at kambing. Iyon na lang ang pinakabayad nʼyo sa akin.
33 So my honesty will testify for me later, when you come to look into my wages. Every one that is not speckled and spotted among the goats and black among the lambs, if found with me, will be counted stolen." Balang araw, mapapatunayan ninyo ang aking katapatan tuwing susuriin nʼyo ang mga hayop na ibinayad nʼyo sa akin. Kung may makikita po kayong kambing na hindi batik-batik o tupa na hindi itim, ituring nʼyong ninakaw ko ito.”
34 Laban said, "Good! Let it be as you have said." Sumagot si Laban, “Kung ganyan ang gusto mo, payag ako.”
35 That day Laban removed the striped and spotted male goats, all the speckled and spotted female goats—each with white on it—and every dark lamb, handing them to his sons. Ngunit nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga batik-batik na kambing na lalaki at babae, pati ang mga itim na tupa. Pinaalagaan niya ito sa mga anak niyang lalaki.
36 He set a distance of three days' journey between himself and Jacob, and Jacob pastured the rest of Laban's flock. Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.
37 Then Jacob took fresh branches from poplar, almond, and plane trees, and peeled white streaks in them, exposing the white of the wood. Samantala, kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, almendra, at platano, at binalat-balatan niya ito. Ngunit hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga.
38 He placed the peeled branches in the watering troughs in front of the flocks—the places where they came to drink. And since they bred when they came to drink, Inilagay niya ang mga sangang iyon sa painuman upang nasa harapan ng mga kawan kapag umiinom sila, sapagkat doon nagkakastahan ang mga ito.
39 the flocks bred in front of the sticks and so brought forth striped, speckled, and spotted young. At kapag nagkakastahan ang mga ito sa harap ng mga sanga, ang mga ipinapanganak nila ay nagiging batik-batik.
40 Jacob separated the lambs and turned the flock to face the striped animals and all the black ones in Laban's flock. He kept his own flocks apart and did not mix them with Laban's flock. At ibinukod ni Jacob ang mga anak nila sa kawan. Ngunit ang iba habang nagkakastahan ay pinapaharap niya sa mga batik-batik at mga itim na kambing ni Laban. Kaya nakaipon din si Jacob ng sarili niyang mga kawan at hindi niya ito isinama sa mga kawan ni Laban.
41 Whenever the stronger animals were breeding, Jacob would place the branches in the troughs in sight of the flock, so they would breed among the branches, Kapag nagkakastahan na ang mga hayop na maganda ang katawan doon sa pinag-iinuman, inilalagay agad ni Jacob ang mga sangang iyon sa harapan ng mga ito.
42 but for the weaker animals he would not lay them there. So the weaker animals went to Laban, and the stronger ones to Jacob. Ngunit kapag ang mga hayop na matatamlay ang nagkakastahan, hindi niya inilalagay ang mga sanga, kaya ang mga matatamlay ay kay Laban at ang mga masisigla ang katawan ay kay Jacob.
43 So the man became exceedingly rich and had large flocks, female servants and male servants, and camels and donkeys. Sa ganitong paraan, labis na yumaman si Jacob. Dumami ang kawan niya pati na ang mga kamelyo at asno. Dumami rin ang alipin niyang lalaki at babae.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]