Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 29 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then Jacob continued on his journey and came to the land of the eastern peoples. Nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay niya hanggang sa nakarating siya sa lupain ng mga taga-silangan.
2 He saw a well in the field, with three flocks lying beside it, since that well watered the flocks, and a large stone lay over its mouth. May nakita siya roon na isang balon at sa tabi nito ay may tatlong kawan ng tupa na nagpapahinga, dahil doon kumukuha ang mga tao ng tubig na ipinapainom sa mga tupa. Ang balon na ito ay tinatakpan ng malaking bato.
3 There all the flocks would gather; shepherds rolled the stone off the well's mouth, watered the sheep, then returned the stone to its place over the well's mouth. Iniipon muna ng mga pastol ang lahat ng kawan ng tupa bago nila pagulungin ang batong nakatakip sa balon. Pagkatapos nilang painumin ang mga tupa, muli nilang tinatakpan ang balon.
4 Jacob said to them, "My brothers, where are you from?" "We are from Haran," they replied. Ngayon, nagtanong si Jacob sa mga pastol ng tupa, “Mga kaibigan, taga-saan kayo?” Sumagot sila, “Taga-Haran.”
5 He asked them, "Do you know Laban, the son of Nahor?" "We know him," they answered. Muling nagtanong si Jacob, “Kilala ba ninyo si Laban na apo ni Nahor?” Sumagot sila, “Oo, kilala namin.”
6 Then he asked, "Is he well?" "He is well," they said. "Look—his daughter Rachel comes with the sheep." Nagpatuloy sa pagtatanong si Jacob, “Kumusta na ba siya?” Sumagot sila, “Mabuti naman. Tingnan mo, paparating ang anak niyang si Raquel dito kasama ang kanilang mga tupa.”
7 "Look," Jacob said, "the day is still high, too soon to gather the herds. Water the sheep, then go graze them." Sinabi ni Jacob sa kanila, “Napakaaga pa at hindi pa oras upang ipunin ang mga kawan ng tupa, mabuti sigurong painumin ninyo sila at muling ipastol.”
8 "We can't," they said, "until all the flocks gather and the stone is rolled off the well's mouth. Then we'll water the sheep." Sumagot sila, “Hindi namin iyan magagawa kung hindi muna maiipon ang lahat ng kawan ng tupa. Kung nandito na ang lahat, doon pa lamang namin pagugulungin ang takip na bato upang silaʼy painumin.”
9 While Jacob was still speaking with them, Rachel came with her father's flock, for she tended it. Nagsasalita pa si Jacob sa kanila nang dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kanyang ama, dahil siya ang nagpapastol ng mga ito.
10 When Jacob saw Rachel, daughter of Laban his mother's brother, and sheep of Laban his mother's brother, he approached, rolled the stone from the well's mouth, and watered the sheep of Laban his mother's brother. Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ng tiyuhin niyang si Laban, na kasama ang mga tupa, pumunta siya sa balon at pinagulong ang bato at pinainom ang mga tupa ng tiyuhin niyang si Laban.
11 Then Jacob kissed Rachel and wept aloud. Pagkatapos, hinagkan niya si Raquel at napaiyak siya sa tuwa.
12 Jacob told Rachel he was her father's relative, Rebekah's son. She ran and told her father. Sinabi niya kay Raquel na siyaʼy kamag-anak ng kanyang amang si Laban at anak ni Rebeca. Patakbong umuwi si Raquel at sinabi ito sa kanyang ama.
13 As soon as Laban heard the news about Jacob his sister's son, he ran to meet him, hugged and kissed him, and brought him home. Jacob told Laban everything that had happened. Nang marinig ni Laban na nariyan si Jacob na pamangkin niya kay Rebeca, agad niya itong sinalubong. Hinagkan niya si Jacob at dinala sa bahay niya. At doon sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari.
14 Laban said to him, "You are indeed my bone and flesh." So Jacob stayed with him a full month. Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay ngang magkadugo tayo.” Pagkalipas ng isang buwang pananatili ni Jacob kina Laban,
15 Laban said to Jacob, "Should you serve me for free just because you're my relative? Tell me—what should your wages be?" sinabi ni Laban sa kanya, “Hindi mabuti na magtrabaho ka para sa akin na walang bayad dahil pamangkin kita. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo.”
16 Now Laban had two daughters. The older was named Leah, and the younger was named Rachel. May dalawang anak na dalaga si Laban. Si Lea ang panganay at si Raquel ang nakababatang kapatid.
17 Leah's eyes were dull, but Rachel was lovely in form and beautiful to look at. Mapupungay ang mata ni Lea, ngunit mas maganda ang hubog ng katawan ni Raquel.
18 Jacob loved Rachel and said, "I'll serve you seven years for your younger daughter Rachel." Dahil may gusto si Jacob kay Raquel, sinabi niya kay Laban, “Maglilingkod po ako sa inyo ng pitong taon kung ibibigay nʼyo sa akin ang kamay ni Raquel.”
19 Laban said, "Better that I give her to you than to another man. Stay here with me." Sumagot si Laban, “Mas mabuti pang ikaw ang mapangasawa niya kaysa sa ibang lalaki. Manatili ka na lang dito.”
20 Jacob served seven years for Rachel; they felt like only a few days because he loved her. Kaya naglingkod si Jacob kay Laban ng pitong taon upang mapangasawa niya si Raquel. Dahil sa pagmamahal niya kay Raquel, parang ilang araw lang sa kanya ang pitong taon.
21 Jacob said to Laban, "Give me my wife—my time is complete—so I can go in to her." Pagkalipas ng pitong taon, sinabi ni Jacob kay Laban, “Natapos na ang paglilingkod ko sa inyo, kaya ibigay nʼyo na sa akin si Raquel upang magsama na kami.”
22 So Laban gathered together all the men of the place and made a feast. Kaya nagdaos si Laban ng handaan at inimbitahan niya ang lahat ng tao sa lugar na iyon.
23 That evening he brought his daughter Leah to Jacob, and he was intimate with her. Ngunit kinagabihan, sa halip na si Raquel ang dalhin ni Laban kay Jacob, si Lea ang dinala niya. At sumiping si Jacob kay Lea.
24 And Laban gave his servant Zilpah to his daughter Leah as her servant. (Ibinigay ni Laban kay Lea ang alipin niyang babae na si Zilpa upang maging alipin nito.)
25 In the morning—it was Leah! Jacob said to Laban, "What have you done to me? Didn't I serve you for Rachel? Why did you deceive me?" Kinabukasan, nalaman ni Jacob na si Lea pala ang kasiping niya. Kaya pinuntahan niya si Laban at sinabi, “Bakit ginawa mo ito sa akin? Naglingkod ako sa iyo upang mapangasawa ko si Raquel. Ngayon, bakit niloko mo ako?”
26 Laban replied, "It's not the custom here to give the younger before the firstborn. Sumagot si Laban, “Hindi kaugalian dito sa aming lugar na maunang makapag-asawa ang nakababatang kapatid kaysa sa nakatatandang kapatid.
27 Finish this one's bridal week, then we'll give you the other too—for another seven years of work." Hintayin mo lamang na matapos ang isang linggong pagdiriwang ng inyong kasal at ibibigay ko agad sa iyo si Raquel, iyan ay kung muli kang maglilingkod ng pitong taon pa.”
28 Jacob did this, completed her week, and Laban gave him his daughter Rachel as his wife. Pumayag si Jacob sa sinabi ni Laban. Pagkatapos ng isang linggo na pagdiriwang ng kasal nila ni Lea, ibinigay ni Laban kay Jacob si Raquel.
29 And Laban gave his servant Bilhah to his daughter Rachel as her servant. Ibinigay ni Laban kay Raquel ang alipin niyang babae na si Bilha upang maging alipin nito.
30 Jacob slept with Rachel too, and loved her more than Leah. He served Laban seven more years. Kaya sumiping din si Jacob kay Raquel. Mas mahal niya si Raquel kaysa kay Lea. Naglingkod si Jacob kay Laban ng pitong taon pa.
31 When our Father saw that Leah was unloved, he opened her womb; but Rachel was barren. Nakita ng Panginoon na hindi mahal ni Jacob si Lea, kaya niloob niyang magkaanak si Lea, ngunit si Raquel naman ay hindi.
32 Leah conceived and bore a son, and named him Reuben, for she said, "Our Father has seen my suffering; surely now my husband will love me." Nagbuntis si Lea at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Ruben, dahil sinabi niya, “Nakita ng Panginoon ang paghihirap ko, at ngayoʼy tiyak na mamahalin na ako ng aking asawa.”
33 She conceived again, bore a son, and said, "Because our Father heard I was unloved, he gave me this one too." So she named him Simeon. Muli siyang nagbuntis at nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi niya, “Muli akong binigyan ng Panginoon ng isang anak na lalaki dahil narinig niya na hindi ako minamahal ng aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Simeon.
34 She conceived again and bore a son, and said, "This time my husband will be joined to me, since I have borne him three sons." So he was named Levi. Muling nagbuntis si Lea at nanganak ng isa na namang lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, magiging malapít na sa akin ang aking asawa dahil tatlo na ang anak naming lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Levi.
35 She conceived again and bore a son, and said, "This time I will praise our Father." So she named him Judah. Then she stopped bearing children. Muling nagbuntis si Lea at nanganak na naman ng isang lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, pupurihin ko ang Panginoon.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Juda. Mula noon, hindi na siya nagkaanak.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]