Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then Isaac called Jacob, blessed him, and commanded him: "Take no wife from Canaan's daughters. Kaya ipinatawag ni Isaac si Jacob. Pagdating niya, binasbasan niya ito at inutusan, “Huwag kang mag-aasawa ng taga-Canaan.
2 Go to Paddan-aram, to Bethuel's house, your mother's father, and take a wife there from Laban's daughters, your mother's brother. Maghanda ka at pumunta sa Padan-aram, doon sa lolo mong si Betuel na ama ng iyong ina. Doon ka pumili ng iyong mapapangasawa sa isa sa mga dalagang anak ni Laban na kapatid ng iyong ina.
3 May El Shaddai—your Father Almighty—bless you, make you fruitful, multiply you, so you become a company of peoples. Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos na Makapangyarihan at bigyan ka ng maraming anak upang maging ama ka ng maraming grupo ng tao.
4 May he give you and your offspring with you the blessing of Abraham, that you may inherit the land where you live as a foreigner, which our Father gave to Abraham." Nawaʼy ibigay din sa iyo at sa mga lahi mo ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham, upang maging iyo ang lupaing ito na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ang lupaing ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
5 Isaac sent Jacob away; he went to Paddan-aram, to Laban son of Bethuel the Aramean, brother of Rebekah, mother of Jacob and Esau. Agad na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Padan-aram, sa lugar ni Laban na anak ni Betuel na Arameo. Si Laban ay kapatid ni Rebeca na ina nina Jacob at Esau.
6 Esau discovered that Isaac had blessed Jacob and sent him to Paddan-aram to take a wife from there, charging him as he blessed him, "Do not take a wife from Canaanite women," Nalaman ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan-aram upang doon maghanap ng mapapangasawa. Nalaman din niya na binasbasan ni Isaac si Jacob, inutusan niya ito na huwag mag-asawa ng taga-Canaan.
7 and that Jacob had obeyed his father and his mother and had gone to Paddan-aram. At nalaman din niyang sumunod si Jacob sa magulang nila at pumunta sa Padan-aram.
8 So Esau saw that the daughters of Canaan were displeasing to his father Isaac. Dito napagtanto ni Esau na ayaw ng kanyang ama ang mga babaeng taga-Canaan.
9 So Esau went to Ishmael and took Mahalath, daughter of Ishmael son of Abraham and sister of Nebaioth, as a wife besides his other wives. Kaya pumunta siya sa tiyuhin niyang si Ismael na anak ni Abraham at napangasawa si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ismael, bukod pa sa dalawang naging asawa niya.
10 Jacob left Beersheba and set out toward Haran. Umalis si Jacob sa Beer-seba at lumakad papuntang Haran.
11 He reached a place and stayed the night, for the sun set. He took one of the stones of the place, put it under his head, and lay down in that place to sleep. Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya.
12 He dreamed: there was a stairway set up on the earth, its top reaching heaven, and there were angels of our Father ascending and descending on it. Ngayon, nanaginip siya na may isang hagdan na nakatayo sa lupa na abot hanggang langit. Nakita niya na akyat-baba ang mga anghel ng Diyos sa hagdan.
13 And there above it stood our Father, who said, "I am your Father, the God of Abraham your father and of Isaac. I'll give you and your offspring the land you're lying on. Nakita rin niya ang Panginoon na nakatayo sa itaas ng hagdan at sinabi sa kanya, “Ako ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan.
14 Your offspring will be like the dust of the earth; you will spread west, east, north, and south. In you and in your offspring, all the families of the earth will be blessed. Ang mga lahi mo ay magiging kasindami ng alikabok sa lupa. Mangangalat sila sa ibaʼt ibang bahagi ng lupa. Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.
15 Know this: I'm with you. I'll guard you wherever you go and bring you back to this land. I won't leave you until I've done what I promised you." Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita kahit saan ka pumunta. Pababalikin kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo.”
16 Jacob awoke from his sleep and said, "Surely our Father is in this place, and I didn't know!" Biglang nagising si Jacob at sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko alam na nandito pala ang Panginoon sa lugar na ito.”
17 He was afraid and said, "How awesome is this place! This is none other than the house of our Father, and this is heaven's gate." Natakot siya at sinabi, “Kakila-kilabot ang lugar na ito! Tiyak na tahanan ito ng Diyos at ito ang pintuan ng langit.”
18 Jacob got up early, took the stone he'd put under his head, set it up as a pillar, and poured oil on top of it. Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis.
19 He named that place Bethel, though Luz had been the city's previous name. Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel. Dati ay Luz ang pangalan ng lugar na iyon.
20 Jacob vowed, "If God is with me and guards me on this journey I'm taking, gives me bread to eat and clothing to wear, Sumumpa si Jacob na nagsabi, “Kung sasamahan po ninyo ako, aking Diyos, at babantayan ako sa aking paglalakbay, at bibigyan din ako ng pagkain at damit,
21 and I return safely to my father's house, then our Father will be my Father, hanggang sa makakabalik po akong muli sa bahay ng aking ama nang matiwasay, kikilalanin ko po kayo, Panginoon, na aking Diyos.
22 and this stone I've set up as a pillar will be the house of our Father, and of all you give me, I will surely bring you a tenth." Ang bato pong ito na itinayo ko bilang isang alaala ay magpapatunay ng inyong presensya sa lugar na ito. At ibibigay ko po sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ibibigay nʼyo sa akin.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]