Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When Isaac grew old and his eyes were too dim to see, he called Esau his older son and said, "My son." "Here I am," he answered. Matandang matanda na si Isaac at halos hindi na makakita. Isang araw, tinawag niya ang panganay niyang anak na si Esau. Sinabi niya, “Anak.” Sumagot si Esau, “Narito ako ama.”
2 Isaac said, "Look—I am old; I do not know the day of my death. Sinabi ni Isaac, “Matanda na ako at hindi magtatagal ay mamamatay na ako.
3 Now take your gear—quiver and bow—go out to the field and hunt game for me. Mabuti pang kunin mo ang pana mo. Pumunta ka sa bukid at mangaso ka para sa akin.
4 Then make me the tasty food I love, bring it to eat, so my soul may bless you before I die." Pagkatapos, ipagluto mo ako ng paborito kong pagkain at dalhin mo agad ito upang makakain ako. At babasbasan kita bago ako mamatay.”
5 Rebekah listened as Isaac spoke to his son Esau. Esau went out to the field to hunt game and bring it back. Nakikinig pala si Rebeca habang kausap ni Isaac si Esau. Kaya nang pumunta si Esau sa bukid upang mangaso,
6 Rebekah said to her son Jacob, "I heard your father tell your brother Esau, kinausap ni Rebeca ang anak niyang si Jacob, “Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau na
7 'Bring me game, make me a tasty meal to eat, so I may bless you before our Father before I die.' mangaso at agad siyang ipagluto ng paborito niyang pagkain. Sapagkat bago raw siya mamatay babasbasan niya si Esau sa harapan ng Panginoon.
8 Now then, my son, listen to my voice and do exactly what I tell you. Kaya anak, sundin mo ang iuutos ko sa iyo:
9 Go to the flock and get me two good young goats from there, so I can make your father tasty food, just as he loves. Pumunta ka sa mga hayop natin at kumuha ka ng dalawang matabang batang kambing, at ipagluluto ko ang iyong ama ng paborito niyang pagkain.
10 Then take it to your father to eat, so that he may bless you before he dies." Pagkatapos, dalhin mo ito sa kanya upang basbasan ka niya bago siya mamatay.”
11 Jacob said to his mother Rebekah, "Look, Esau my brother is a hairy man, and I'm smooth. Ngunit sinabi ni Jacob sa kanyang ina, “Alam naman po ninyo na balbon si Esau at ako namaʼy hindi.
12 What if my father feels me? I'll seem a deceiver to him, and bring on myself a curse, not a blessing." Baka hawakan po ako ni ama at malaman niyang niloloko ko lang siya at sumpain po niya ako sa halip na basbasan.”
13 His mother said, "My son, let your curse fall on me—just listen to my voice: go, bring them to me." Sumagot si Rebeca, “Anak, ako ang mananagot kung susumpain ka niya, basta gawin mo lang ang iniuutos ko sa iyo. Lumakad ka na at dalhan mo ako ng kambing.”
14 So Jacob went, took the goats, and brought them to his mother, who made the tasty food his father loved. Kaya kumuha si Jacob ng dalawang kambing at dinala niya sa kanyang ina, at niluto ni Rebeca ang paboritong pagkain ni Isaac.
15 Then Rebekah took Esau her older son's best clothes, kept with her in the house, and dressed Jacob her younger son. Pagkatapos, kinuha niya ang pinakamagandang damit ni Esau na nasa bahay nila at ipinasuot kay Jacob.
16 She covered his hands and smooth neck with the goat skins. Nilagyan niya ng balat ng kambing ang braso ni Jacob pati ang leeg nito na hindi balbon.
17 Then she handed her son Jacob the tasty meal and the bread she had made. Pagkatapos, ibinigay niya kay Jacob ang pagkain at ang tinapay na niluto niya.
18 Jacob came to his father and said, "My father." He said, "Here I am. Who are you, my son?" Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!” Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?”
19 Jacob said to his father, "I am Esau, your firstborn. I've done as you told me. Please sit up and eat my game, so your soul may bless me." Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”
20 Isaac asked his son, "How did you find it so fast, my son?" He said, "Because your Father granted me success." Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”
21 Isaac said to Jacob, "Please come closer, my son, so I can feel you, to know whether you really are my son Esau or not." Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko upang mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”
22 Jacob went to his father Isaac, who felt him and said, "The voice is Jacob's voice, but the hands are Esau's hands." Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob ngunit ang braso mo ay parang kay Esau.”
23 Isaac didn't recognize him, since Jacob's hands were as hairy as his brother Esau's hands, so Isaac blessed him. Hindi nakilala ni Isaac si Jacob, dahil ang braso niya ay balbon din katulad ng kay Esau. Bago niya basbasan si Jacob,
24 He asked, "Are you really my son Esau?" And he said, "I am." nagtanong pa siya, “Ikaw ba talaga si Esau?” Sumagot si Jacob, “Opo, ako nga po.”
25 Isaac said, "Serve me my son's game, so my soul may bless you." Jacob served him, and he ate; he brought him wine, and he drank. Sinabi ni Isaac, “Sige nga, dalhin mo rito ang niluto mo mula sa pinangaso mo, at pagkatapos kong kumain ay babasbasan kita.” Kayaʼt binigyan siya ni Jacob ng makakain at maiinom, at kumain siya at uminom.
26 Then his father Isaac said to him, "Come closer, my son, and kiss me." Pagkatapos, sinabi ni Isaac sa kanya, “Lumapit ka sa akin, anak, at hagkan mo ako.”
27 So Jacob came closer and kissed him. Isaac smelled the scent of his clothes, blessed him, and said, "See—the scent of my son is like the scent of a field that our Father has blessed. Lumapit si Jacob sa kanya at hinagkan ang kanyang ama. Nang maamoy ni Isaac ang damit nito, binasbasan niya agad si Jacob na nagsasabi, “Ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng bukid na binasbasan ng Panginoon.
28 May our Father give you the dew of heaven and the richness of the earth, and an abundance of grain and new wine. Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya, upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.
29 Let peoples serve you and nations bow to you. Rule your brothers, and let your mother's sons bow to you. Cursed be all who curse you, and blessed all who bless you." Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo ang maraming tao. Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo at magpasakop sila sa iyo. Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din, at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din.”
30 Just as Isaac finished blessing Jacob, and Jacob had barely left his father Isaac's presence, his brother Esau returned from the hunt. Pagkatapos basbasan ni Isaac si Jacob, lumakad agad si Jacob. Kaaalis lang niya ay dumating naman agad si Esau mula sa pangangaso.
31 He also made a tasty dish, brought it to his father, and said to his father, "Let my father get up and eat some of his son's game, so your soul may bless me." Nagluto rin siya ng masarap na pagkain at dinala niya sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan po ninyo ako.”
32 His father Isaac asked him, "Who are you?" He said, "I am your son, your firstborn, Esau." Nagtanong si Isaac sa kanya, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak.”
33 Isaac shook violently and said, "Who, then, hunted game and brought it to me? I ate it all before you came and blessed him—yes, blessed he will be!" Nang marinig ito ni Isaac, nanginig siya at sinabi, “Sino kaya ang unang nangaso at nagdala rito sa akin ng pagkain? Katatapos ko lang kainin iyon nang dumating ka. Ibinigay ko na sa kanya ang aking basbas at hindi ko na iyon mababawi.”
34 When Esau heard his father's words, he let out a very loud, bitter cry and said to his father, "Bless me too, my father!" Pagkarinig nito ni Esau, umiyak siya nang labis. Sinabi niya, “Ama, basbasan nʼyo rin po ako!”
35 Isaac said, "Your brother came dishonestly and took your blessing." Ngunit sumagot si Isaac, “Niloko ako ng nakababatang kapatid mo at nakuha na niya ang basbas ko na para sana sa iyo.”
36 Esau said, "Isn't he rightly named Jacob? He's cheated me twice: he took my birthright, and now he's taken my blessing." Then he asked, "Haven't you reserved a blessing for me?" Sinabi ni Esau, “Pangalawang beses na ito na niloko niya ako. Kaya pala Jacob ang pangalan niya. Kinuha na niya ang karapatan ko bilang panganay at ngayon, kinuha pa niya ang basbas na para sa akin.” Pagkatapos, nagtanong siya, “Ama, wala na po bang natitirang basbas na para sa akin?”
37 Isaac answered Esau, "Look, I have made him lord over you, given him all his brothers as servants, and sustained him with grain and new wine. What then can I do for you, my son?" Sumagot si Isaac, “Ginawa ko na siya na maging iyong amo at ginawa ko rin ang lahat ng kamag-anak niya na maging mga alipin niya. Ibinigay ko na sa kanya ang saganang pagkain at inumin. Kaya ano pa ang maibibigay ko para sa iyo anak?”
38 Esau said to his father, "Do you have only one blessing, my father? Bless me too, my father!" Esau wept aloud. Nagmakaawa pa si Esau sa kanyang ama, “Ama, wala na po bang kahit isang basbas? Basbasan nʼyo rin po ako.” At patuloy ang kanyang paghagulgol.
39 Then his father Isaac replied to him, "Look—your dwelling will be away from the richness of the earth, and away from the dew of heaven above. Sinabi ni Isaac sa kanya, “Hindi aani ng sagana ang lupaing titirhan mo, at palagi itong walang hamog na biyaya ng Diyos.
40 By your sword you will live, and you will serve your brother. But when you grow restless, you will break his yoke from your neck." Palagi kang makikipaglaban, at maglilingkod ka sa iyong kapatid. Ngunit kung lalaban ka sa kanya, makakalaya ka sa kanyang kapangyarihan.”
41 Esau bore a grudge against Jacob for the blessing his father gave him, and said to himself, "My father's mourning days are near; then I will kill my brother Jacob." Kinapootan ni Esau si Jacob dahil sa basbas na ibinigay ng kanyang ama kay Jacob. Sinabi ni Esau sa kanyang sarili, “Malapit nang mamatay si ama; kapag namatay na siya, papatayin ko si Jacob.”
42 Told what her older son Esau had said, Rebekah sent for her younger son Jacob and said, "Your brother Esau is consoling himself over you—he intends to kill you. Ngunit nabalitaan ni Rebeca ang balak ni Esau, kaya ipinatawag niya si Jacob at sinabi, “Ang kuya mong si Esau ay balak kang patayin upang mawala ang galit niya sa iyo.
43 Now, my son, listen to my voice: get up, flee to my brother Laban in Haran. Kaya makinig ka sa sasabihin ko: Tumakas ka at pumunta sa Haran, doon sa kapatid kong si Laban.
44 Stay with him a while—until your brother's fury subsides, Doon ka muna hanggang mawala ang galit ng iyong kuya,
45 until your brother's anger turns from you and he forgets what you did to him. Then I'll send and bring you back from there. Why lose both of you in one day?" at makalimutan na niya ang iyong ginawa sa kanya. Ipapasundo na lang kita roon kapag hindi na siya galit sa iyo. Hindi ko hahayaang mawala kayong dalawa sa akin sa loob ng isang araw.”
46 Rebekah said to Isaac, "I loathe my life because of these Hittite women. If Jacob takes a wife from the daughters of Heth, from this land, why should I live?" Ngayon, sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Nagsasawa na ako sa buhay ko dahil sa mga asawang Heteo ni Esau. Kung ang magiging asawa ni Jacob ay taga-rito rin lang na isang babaeng Heteo mabuti pang mamatay na lang ako.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]