Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 35 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then our Father told Jacob, "Get up, go to Bethel, stay there, and build an altar to me, who appeared to you when you fled from your brother Esau." Ngayon, sinabi ng Diyos kay Jacob, “Maghanda ka, pumunta ka sa Betel at doon manirahan. Gumawa ka ng altar doon para sa akin, ang Diyos na nagpakita sa iyo nang tumakas ka sa kapatid mong si Esau.”
2 Jacob said to his household and all with him, "Discard the foreign gods among you, purify yourselves, and change your clothes. Kaya sinabi ni Jacob sa sambahayan niya at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyo ang inyong mga diyos-diyosan. Maglinis kayo ng inyong mga sarili at magbihis ng malinis na damit.
3 Let's go up to Bethel. I'll build an altar there to our Father, who answered me in my day of distress and stayed with me wherever I went." Pagkatapos, pupunta tayo sa Betel, at gagawa ako roon ng altar upang sumamba sa Diyos na tumulong sa akin noong nasa kahirapan ako, at aking kasama kahit saan ako pumaroon.”
4 They gave Jacob all the foreign gods in their hands and earrings in their ears; he hid them under Shechem's oak. Kaya ibinigay nila kay Jacob ang kanilang mga diyos-diyosan pati na ang kanilang mga hikaw. Ibinaon ni Jacob ang lahat ng ito sa ilalim ng punongkahoy na terebinto malapit sa Shekem.
5 They set out; terror from our Father struck the surrounding cities, so no one pursued Jacob's sons. Nang umalis na sina Jacob, pinagharian ng takot mula sa Diyos ang mga tao sa palibot ng mga bayan, kaya hindi sila lumusob at hindi nila hinabol sila Jacob.
6 Jacob came to Luz (Bethel) in Canaan, with all his people. Nakarating sila Jacob at ang mga kasama niya sa Luz (na tinatawag ding Betel) doon sa Canaan.
7 There he built an altar, naming it El-Bethel—house of our Father—for there he revealed himself to Jacob when he fled from his brother. Gumawa siya roon ng altar. Tinawag niya ang lugar na iyon na El-betel dahil nagpakita sa kanya roon ang Diyos nang tumakas siya sa kanyang kapatid.
8 Deborah, Rebekah's nurse, died and was buried below Bethel under the oak, named Allon-bacuth, oak of weeping. Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeca. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Alon-bacut.
9 Our Father appeared to Jacob again, when he came from Paddan-aram, and blessed him. Nang umuwi si Jacob mula sa Padan-aram, muling nagpakita ang Diyos sa kanya at binasbasan siya.
10 Our Father said to him, "Your name is Jacob, but it will no longer be Jacob—your name is Israel." He named him Israel. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.
11 Our Father told him, "I am El Shaddai, your Father Almighty. Be fruitful, multiply. A nation, a company of nations, will come from you; kings will come from your body. Sinabi pa ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Magkakaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at ng marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi.
12 The land I gave Abraham and Isaac, I will give you; I will give to your offspring after you." Ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa iyong mga lahi.”
13 Then our Father went up from him in the place where he had spoken with him. Pagkatapos, umalis ang Diyos sa lugar na iyon kung saan nakipag-usap siya kay Jacob.
14 Jacob set up a pillar where our Father had spoken with him, a pillar of stone, and he poured out a drink offering on it and poured oil on it. At si Jacob ay nagtayo roon ng batong alaala kung saan niya nakausap ang Diyos. Binuhusan niya agad ng alak ang bato bilang handog na inumin at binuhusan din ng langis ng olibo.
15 Jacob named the place where our Father had spoken with him: Bethel. Pinangalanan niya ang lugar na iyon na Betel.
16 They left Bethel, and while still some distance from Ephrath, Rachel went into labor—hard labor. Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel.
17 During her hard labor, the midwife told her, "Don't be afraid—this too is a son." Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”
18 As her soul was leaving her—she was dying—she named him Ben-oni, son of my sorrow; but his father called him Benjamin, son of the right hand. Isinilang ang sanggol ngunit nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Benoni. Ngunit pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.
19 So Rachel died, and she was buried on the way to Ephrath (that is, Bethlehem). Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Bethlehem).
20 Jacob set a pillar on her grave—it is Rachel's grave pillar to this day. Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.
21 Israel traveled and camped beyond Migdal-eder, the tower of the flock. Nagpatuloy sina Jacob sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal-eder, nagtayo sila roon ng kanilang mga tolda.
22 While Israel lived in that land, Reuben went and slept with Bilhah, his father's concubine, and Israel heard. Jacob had twelve sons. Habang nakatira roon sila Jacob, sumiping si Ruben kay Bilha na isa sa mga asawang alipin ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya. May labindalawang anak na lalaki si Jacob.
23 The sons of Leah: Reuben, Jacob's firstborn, then Simeon, Levi, Judah, Issachar, and Zebulun. Ang mga anak niya kay Lea ay sina Ruben na panganay, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.
24 The sons of Rachel: Joseph and Benjamin. Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.
25 The sons of Bilhah, Rachel's maid: Dan and Naphtali. Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Neftali.
26 Sons of Zilpah, Leah's servant: Gad and Asher. These are Jacob's sons, born to him in Paddan-aram. Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher. Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan-aram.
27 Jacob came to his father Isaac at Mamre, Kiriath-arba (Hebron), where Abraham and Isaac had lived. Pumunta si Jacob sa ama niyang si Isaac sa Mamre, malapit sa Kiriat-arba (na tinatawag ding Hebron). Ito ang lugar na tinirhan ni Isaac na siya ring tinirhan noon ni Abraham.
28 Isaac lived 180 years. Nabuhay si Isaac ng 180 taon.
29 Isaac breathed his last, died, and was gathered to his people—old, full of days. His sons Esau and Jacob buried him. Namatay siya sa katandaan na kontento sa kanyang buhay, at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]