1Now Abraham was old, well advanced in years, and our Father had blessed Abraham in everything.OASDMatandang matanda na si Abraham at pinagpala siya ng Panginoon sa lahat ng bagay.
2Abraham said to his oldest servant, who managed all he owned, "Please put your hand under my thigh,OASDIsang araw, kinausap niya ang tagapamahalang alipin niya na nag-aasikaso ng lahat ng ari-arian niya, “Ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng aking dalawang hita,
3I will have you swear by the Father of heaven and earth, not to take a wife for my son from the Canaanites' daughters, among whom I live,OASDat sumumpa ka sa akin sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito.
4but go to my country and relatives, and get a wife for my son Isaac."OASDPumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”
5The servant asked him, "What if the woman won't follow me to this land? Must I take your son back to the land you left?"OASDNgunit nagtanong ang alipin, “Paano po kung ayaw sumáma ng babae sa lugar na ito? Dadalhin ko na lang po ba si Isaac doon?”
6Abraham said to him, "See to it that you do not take my son back there.OASDSumagot si Abraham, “Huwag mong dalhin si Isaac doon!
7Our Father, the Father of heaven, who took me from my father's house and the land of my relatives, who spoke to me and swore to me, 'I will give this land to your offspring'—he will send his angel ahead of you, and you will take a wife for my son from there.OASDDinala ako rito ng Panginoon, ang Diyos ng langit, mula sa sambahayan ng aking ama, sa lugar kung saan ako isinilang. At sumumpa siya na ibibigay niya ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi ko. Kaya lumakad ka dahil magpapadala ang Panginoon ng anghel niya na sasáma sa iyo upang makakita ka roon ng mapapangasawa ng anak ko.
8But if she won't follow you, you're released from this oath of mine; only don't take my son back there."OASDKapag hindi sumáma sa iyo ang babae, wala kang pananagutan sa pagsumpa mong ito sa akin. Ngunit huwag mong dadalhin doon ang anak ko.”
9The servant put his hand under Abraham his master's thigh and swore to him about this.OASDKaya inilagay ng alipin ang kamay niya sa pagitan ng dalawang hita ni Abraham na kanyang amo, at sumumpa siya na susundin ang iniutos sa kanya.
10The servant took ten of his master's camels, and all his master's good things in hand, and set out for Aram-naharaim, the city of Nahor.OASDPagkatapos, kumuha ang alipin ng sampung kamelyo at mga mamahaling regalo mula sa amo niyang si Abraham. Lumakad siya agad papunta sa Aram-naharaim, ang bayan na tinitirhan ni Nahor.
11He had the camels kneel outside the city by the water well at evening, when women go out to draw water.OASDPagdating ng alipin sa bayan, pinaluhod niya ang mga kamelyo malapit sa balon sa labas ng bayan. Dapit-hapon noon at oras na ng pag-igib ng mga kababaihan.
12Then he prayed, "Father of my master Abraham, please grant me success today, and show your faithful love to my master Abraham.OASDNanalangin ang alipin, “Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.
13Here I stand by the spring of water, and daughters of the town's men are coming out to draw water.OASDNakatayo po ako sa tabi ng balon habang umiigib ang mga babae sa bayan na ito.
14Let the young woman I say this to—'Please tip your jar so I may drink'—and who answers, 'Drink, and I will water your camels too'—be the one you have appointed for your servant Isaac. That is how I will know you have shown faithful love to my master."OASDKung hihingi po ako ng tubig na nasa banga ng isang dalaga, at pumayag siyang painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili ninyong maging asawa ng lingkod ninyong si Isaac. Sa ganito ko po malalaman ang pagpapakita nʼyo ng inyong kabutihan sa aking amo.”
15Before he finished speaking, Rebekah came out—daughter of Bethuel, son of Milcah, wife of Nahor, Abraham's brother—her jar on her shoulder.OASDHindi pa siya natatapos sa pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa balikat niya. Si Rebeca ay anak ni Betuel na anak nina Nahor at Milca. Si Nahor ay kapatid ni Abraham.
16The girl was very beautiful, a virgin no man had known. She went down to the spring, filled her jar, and came up.OASDMagandang dalaga si Rebeca at birhen pa. Bumaba siya papunta sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang banga. Pagkatapos, umakyat siya upang umuwi.
17The servant ran to meet her, saying, "Please let me sip a little water from your jar."OASDNagmamadali ang alipin sa pagsalubong sa kanya at sinabi, “Puwede mo ba akong painumin sa banga mo kahit kaunti lang.”
18"Drink, my lord," she said, and quickly lowered her jar from her shoulder and gave him a drink.OASDSumagot si Rebeca, “Sige, Ginoo, uminom po kayo.” Mula sa balikat niya, ibinaba niya agad ang banga at hinawakan ito habang umiinom ang alipin.
19When she finished giving him a drink, she said, "I'll draw water for your camels too, until they finish drinking."OASDPagkatapos niyang painumin ang alipin, sinabi niya, “Iigib naman ako para sa mga kamelyo mo hanggang sa makainom silang lahat.”
20She quickly emptied her jar into the trough, ran again to the well, and drew water for all his camels.OASDDali-dali niyang ibinuhos ang tubig sa inuman ng mga hayop at bumalik siya sa balon upang muling umigib. At patuloy siya sa pag-igib hanggang sa makainom ang lahat ng kamelyo.
21The man watched her silently, to know if our Father made his journey succeed, or not.OASDHabang nakamasid ang alipin kay Rebeca, iniisip niya kung iyon na ang sagot ng Panginoon sa panalangin niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon.
22When the camels finished drinking, the man took a gold nose ring weighing about a fifth of an ounce, and two gold bracelets for her wrists weighing about four ounces,OASDPagkatapos uminom ng mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang gintong singsing na ang bigat ay anim na gramo. Inilabas din niya ang dalawang pulseras na ginto na ang bigat ay mga 115 gramo at ibinigay kay Rebeca.
23and said, "Whose daughter are you? Please tell me, is there room in your father's house for us to spend the night?"OASDPagkatapos, nagtanong siya kay Rebeca, “Kanino kang anak? May lugar pa ba sa inyo na maaari naming matulugan ngayong gabi?”
24She answered him, "I am the daughter of Bethuel, the son Milcah bore to Nahor."OASDSumagot si Rebeca, “Anak po ako ni Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.
25She also said, "We have plenty of both straw and feed, and room to spend the night."OASDMay matutulugan kayo roon sa amin, at marami ring dayami at pagkain para sa mga kamelyo ninyo.”
26Then the man bowed down and worshiped our Father.OASDYumukod agad ang alipin at sumamba sa Panginoon.
27He said, "Blessed be our Father, the Father of my master Abraham, who has not abandoned his faithful love and faithfulness toward my master. As for me, he led me on the journey to my master's relatives' house."OASDSinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng aking amo na si Abraham. Ipinakita niya ang kanyang kabutihan sa aking amo. Ako mismo ay ginabayan niya sa pagpunta ko sa mga kamag-anak ng aking amo.”
28Then the young woman ran and told her mother's household about these things.OASDPatakbong umuwi si Rebeca sa bahay ng kanyang ina at sinabi niya sa kanila ang lahat ng nangyari.
29Now Rebekah had a brother named Laban, and Laban ran out to the man at the spring.OASDMay kapatid na lalaki si Rebeca na nagngangalang Laban. Tumakbo siya papunta sa balon upang puntahan ang taong sinasabi ni Rebeca.
30Seeing the nose ring and bracelets on his sister's wrists, and hearing his sister Rebekah say, "The man told me this," he went out to the man—there he was, standing by the camels at the spring.OASDNoong nakita ni Laban ang singsing at pulseras na suot-suot ni Rebeca at narinig ang salaysay niya tungkol sa mga sinabi ng lalaki, pinuntahan niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa balon.
31He said, "Come in, blessed of God. Why stand outside? I've prepared the house and a place for the camels."OASDSinabi ni Laban sa kanya, “Kayo pala ang taong pinagpala ng Panginoon. Bakit pa kayo nakatayo lang diyan? Halikayo sa bahay, dahil inihanda ko na ang silid para sa iyo at ang lugar para sa mga kamelyo ninyo.”
32The man entered the house, and the camels were unloaded. Straw and feed were given to the camels, and water to wash his feet and the feet of the men with him.OASDSumama ang alipin kay Laban. Pagdating nila sa bahay, ibinaba ni Laban ang mga karga ng mga kamelyo at binigyan niya agad ang mga kamelyo ng dayami at pagkain. Dinalhan din niya ng tubig ang alipin at ang mga kasama nito, upang makapaghugas sila ng paa.
33Food was set before him, but he said, "I won't eat until I've said what I have to say." "Go on," said Laban.OASDNang mabigyan na sila ng pagkain, sinabi ng alipin, “Hindi ako kakain hanggaʼt hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa pagpunta ko rito.” Sumagot si Laban, “Sige, sabihin nʼyo po sa amin.”
34So he said, "I am Abraham's servant.OASDSinabi niya, “Alipin ako ni Abraham.
35Our Father has greatly blessed my master and made him wealthy, giving him flocks, herds, silver, gold, male and female servants, camels, and donkeys.OASDPinagpala ng Panginoon ang aking amo at napakayaman na niya ngayon. Binigyan siya ng Panginoon ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, asno, pilak, ginto at mga aliping lalaki at babae.
36Sarah, my master's wife, bore him a son in her old age; Abraham has given Isaac all he owns.OASDKahit matanda na ang asawa niyang si Sara, nagkaanak pa rin siya. At ang anak nilang lalaki ang siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya.
37My master made me swear, 'Don't take a wife for my son from the Canaanite women whose land I live in,OASDPinasumpa ako ng aking amo upang tuparin ko ang kanyang utos. Sinabi niya, ‘Huwag kang kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na nakatira rito sa lupaing tinitirhan natin ngayon.
38but go to my father's house, to my relatives, and take a wife for my son.'OASDPumunta ka sa tahanan ng aking ama, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng mapapangasawa ng aking anak.’
39I said to my master, 'Perhaps the woman will not follow me.'OASD“Ngunit nagtanong ako, ‘Paano po kung hindi sumáma ang babae sa akin?’
40But he said to me, 'Our Father, before whom I have walked, will send his angel with you and make your journey succeed, and you will take a wife for my son from my clan and from my father's house.OASD“Sumagot siya, ‘Ang Panginoon na sinusunod ko ay magpapadala ng anghel niya para samahan ka na mamagitan sa anak ko. Makakakita ka ng mapapangasawa ng anak ko mula sa aking mga kamag-anak, sa sambahayan ng aking ama.
41Then you'll be free of my oath once you reach my family; if they refuse to give her to you, you'll be free of my oath.'OASDKung doon ka pupunta sa mga kamag-anak ko, hindi darating sa iyo ang kasamaang sinasabi ko na mangyayari kung hindi mo tutuparin ang ating sumpaan, kahit hindi nila pasamahin ang babae sa iyo.’
42Today when I came to the spring, I said, 'Father of my master Abraham, if you will make my journey succeed,OASD“Kaya pagdating ko kanina sa balon, nanalangin ako. Sinabi ko, ‘Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.
43here I am, standing by the spring of water. So when a young woman comes out to draw water and I say to her, "Please give me a little water from your jar to drink,"OASDNgayon po, nakatayo ako rito sa tabi ng balon. Kung may darating po na dalagang iigib ng tubig, hihingi ako ng kaunting tubig sa kanyang banga.
44and she says to me, "Drink, and I'll draw water for your camels too"—let her be the woman our Father appointed for my master's son.'OASDKung papayag po siya na painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili nʼyo na maging asawa ng anak ng aking amo.’
45Before I finished praying in my heart, Rebekah came out, her jar on her shoulder, went down to the spring, and drew water. I said to her, 'Please let me drink.'OASD“Hindi pa nga ako natatapos sa aking pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa kanyang balikat. Bumaba siya papunta sa balon at umigib. Sinabi ko sa kanya, ‘Puwede mo ba akong painumin?’
46Quickly lowering her jar from her shoulder, she said, 'Drink—I'll water your camels too.' So I drank, and she watered the camels too.OASD“Ibinaba niya agad ang banga mula sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Sige, uminom po kayo, at paiinumin ko rin ang mga kamelyo ninyo.’ Kaya uminom ako at pinainom din niya ang mga kamelyo ko.
47I asked, 'Whose daughter are you?' She said, 'Bethuel's daughter, son of Nahor, whom Milcah bore him.' Then I put the ring on her nose and the bracelets on her wrists.OASD“Pagkatapos, tinanong ko siya kung kanino siyang anak. “Sumagot siya, ‘Kay Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.’ At nilagyan ko ng singsing ang ilong niya at sinuotan ng mga pulseras ang kanyang braso.
48I bowed and worshiped our Father, and blessed the Father of my master Abraham, who led me on the true path to take the daughter of my master's relative for his son.OASDYumukod ako agad at sumamba sa Panginoon. Nagpuri ako sa Panginoon, ang Diyos ng amo kong si Abraham. Siya ang gumagabay sa akin sa tamang lugar, kung saan nakita ko ang anak ng kamag-anak ng aking amo upang maging asawa ng kanyang anak.
49Now, if you will deal in faithful love and truth with my master, tell me; if not, tell me, so I can turn right or left."OASD“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”
50Laban and Bethuel answered, "This is from God; we can't say good or bad.OASDSumagot sina Laban at Betuel, “Dahil ito ay kalooban ng Panginoon, wala na kaming masasabi.
51Rebekah is before you; take her and go—let her be your master's son's wife, as our Father has spoken."OASDNarito si Rebeca, isama nʼyo siya sa inyong pag-uwi upang maging asawa ng anak ng inyong amo, ayon sa sinabi ng Panginoon.”
52When Abraham's servant heard their words, he bowed down to the ground before our Father.OASDPagkarinig noon ng alipin, nagpatirapa siya sa harapan ng Panginoon.
53The servant brought out silver and gold objects and clothing, gave them to Rebekah, and gave costly gifts to her brother and mother.OASDInilabas niya agad ang dala niyang mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid at ang ina ni Rebeca.
54He and the men with him ate, drank, and spent the night there. In the morning they rose, and he said, "Send me to my master."OASDPagkatapos, kumain ang alipin at ang mga kasama niya. Doon sila natulog nang gabing iyon. Paggising nila kinaumagahan, sinabi ng alipin, “Uuwi na ako sa amo ko.”
55But her brother and her mother said, "Let the young woman stay with us ten days or so; then she may go."OASDNgunit sumagot ang kapatid at ang ina ni Rebeca, “Panatilihin nʼyo muna rito si Rebeca sa amin kahit sampung araw, pagkatapos ay makakaalis na kayo.”
56But he said, "Don't delay me—our Father has made my journey succeed. Send me away, let me go to my master."OASDNgunit sinabi ng alipin, “Huwag nʼyo naman akong pagtagalin dito. Namagitan na ang Panginoon sa pakay ko sa pagpunta rito, kaya pabalikin nʼyo na ako sa amo ko.”
57They said, "Let us call the young woman and ask her about it."OASDSumagot sila, “Tawagin muna natin si Rebeca at tanungin kung ano ang pasya niya.”
58They called Rebekah and asked, "Will you go with this man?" "I will go," she said.OASDKaya tinawag nila si Rebeca at tinanong, “Gusto mo bang sumáma sa kanya ngayon?” Sumagot si Rebeca, “Oo, sasáma ako.”
59So they sent off their sister Rebekah and her nurse, along with Abraham's servant and his men.OASDKaya ipinasama nila si Rebeca pati ang tagapag-alaga niya, sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito.
60They blessed Rebekah, saying, "Our sister, may you become mother of thousands upon thousands; may your offspring capture the cities of those who hate them."OASDBinasbasan nila si Rebeca sa kanyang pag-alis. Sinabi nila, “Kapatid, nawaʼy manggaling sa iyo ang maraming lahi. Nawaʼy sakupin ng mga lahi mo ang mga siyudad ng kanilang mga kaaway.”
61Rebekah and her attendants got up, mounted the camels, and followed the man. So the servant took Rebekah and went on.OASDNang handa na ang lahat, sumakay si Rebeca at ang mga aliping babae niya sa mga kamelyo, at sumunod sila sa alipin ni Abraham.
62Now Isaac had come from Beer-lahai-roi, for he was living in the Negev.OASDNgayon, si Isaac ay nakatira sa Negeb at kararating lang galing sa Beer-lahai-roi.
63Isaac went out to meditate in the field at evening; looking up, he saw camels coming.OASDIsang araw, nang magtatakip-silim na, lumabas si Isaac at naglakad-lakad sa kanilang bukirin. May nakita siyang mga kamelyo na papalapit.
64Rebekah also looked up, and when she saw Isaac, she got down from her camel.OASDNang makita ni Rebeca si Isaac, bumaba siya sa kanyang kamelyo
65She asked the servant, "Who is that man walking across the field to meet us?" "My master," he answered. So she took her veil and covered herself.OASDat nagtanong sa alipin ni Abraham, “Sino ang taong iyon na naglalakad sa bukid papalapit sa atin?” Sumagot ang alipin, “Siya ang aking amo.” Kaya tinakpan ni Rebeca ang kanyang mukha ng belo.
66Then the servant told Isaac everything he had done.OASDSinabi ng alipin kay Isaac ang lahat ng ginawa niya.
67Isaac brought her into his mother Sarah's tent, married Rebekah, and loved her. So Isaac was comforted after his mother's death.OASDPagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa toldang tinitirhan noon ng kanyang inang si Sara. Naging asawa niya si Rebeca at mahal na mahal niya ito. Kaya naibsan ang kalungkutan ni Isaac na dulot ng pagkamatay ng kanyang ina.