Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Sarah lived to be 127 years old; these were the years of Sarah's life. Nabuhay si Sara ng 127 taon.
2 Sarah died at Kiriath-arba, Hebron, in Canaan. Abraham came to mourn and weep for her. Namatay siya sa Kiriat-arba (na tinatawag ding Hebron) sa lupain ng Canaan. Labis ang paghihinagpis ni Abraham sa pagkamatay niya.
3 Then Abraham rose from beside her body and said to the Hittites, Ngayon, iniwan muna ni Abraham ang bangkay ng kanyang asawa at nakipagkita siya sa mga Heteo at sinabi sa kanila,
4 "I am a foreigner and stranger among you; give me burial ground among you, to bury my dead out of my sight." “Akoʼy isang dayuhan at nakikitira lang sa inyo, kaya pagbilhan sana ninyo ako ng lupa na maaari kong paglibingan ng aking asawa.”
5 The Hittites replied to Abraham. Sumagot ang mga Heteo kay Abraham,
6 "Hear us, my lord: you are a prince of God among us. Bury your dead in our best tomb; none of us will refuse you his tomb for burying your dead." “Panginoon ko, makinig po muna kayo sa sasabihin namin. Kilala namin kayo bilang isang dakilang pinuno, kaya ilibing ninyo ang inyong asawa sa pinakamagandang libingan namin. Walang sinuman sa amin ang magkakait sa inyo ng kanyang libingan upang mailibing ninyo ang inyong asawa.”
7 Abraham rose and bowed low before the people of the land, the Hittites. Yumukod agad si Abraham sa harapan ng mga Heteo.
8 He said to them, "If you're willing I bury my dead away from me, hear me, and plead with Ephron son of Zohar for me, Pagkatapos, sinabi niya, “Kung payag kayo na dito ko ilibing ang asawa ko, tulungan nʼyo ako na kausapin si Efron na anak ni Zohar
9 to give me his cave of Machpelah, at his field's edge. Let him sell it to me among you, for full price, as burial property." upang ibenta niya sa akin ang kuweba niya na nasa tabi ng bukid niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo upang maging akin ito at gawing libingan.”
10 Ephron the Hittite, sitting among the Hittites, answered Abraham before all the Hittites entering his city's gate. Naroon din si Efron na nakaupo kasama ng mga kababayan niyang Heteo. Kaya sumagot siya kay Abraham na naririnig ng lahat ng Heteo na nagtitipon doon sa pintuan ng lungsod.
11 "No, my lord, listen: I give you the field, I give you the cave in it. Before my people I give it to you. Bury your dead." Sinabi niya, “Hindi po, panginoon ko. Pakinggan nʼyo ako, sa harap ng mga kababayan ko ay ibinibigay ko sa iyo ang buong bukirin pati na ang kuweba. Kaya maaari mo nang ilibing ang asawa mo.”
12 Again Abraham bowed before the people of the land. Muling yumukod si Abraham sa harapan ng mga Heteo.
13 He said to Ephron before the people, "If you're willing, hear me: I'll pay for the field—take it from me, so I can bury my dead there." Kaya sinabi niya kay Efron sa pandinig ng lahat, “Makinig kayo sa akin. Babayaran ko ang halaga ng bukirin. Tanggapin mo ang bayad ko upang mailibing ko na doon ang asawa ko.”
14 Ephron replied to Abraham. Sumagot si Efron kay Abraham,
15 "My lord, hear me: land worth about ten pounds of silver—what is that between us? Bury your dead." “Panginoon ko, ang lupa ay nagkakahalaga ng apatnaraang pirasong pilak. Ngunit ano naman iyon sa ating dalawa? Sige, ilibing mo na ang iyong asawa.”
16 Abraham agreed to Ephron's terms and weighed out for him the price he had named before the Hittites: about ten pounds of silver, at the standard weight used by merchants. Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng apatnaraang pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasehan noon ng mga mangangalakal at ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.
17 Ephron's field in Machpelah, facing Mamre—the field, its cave, and every tree within its borders, all around—was confirmed, Kaya inilipat ang bukid na iyon ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kuweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid
18 to Abraham as his property, before all the Hittites who came to his city's gate. kay Abraham bilang kanyang pag-aari. Saksi ang lahat ng mga Heteo na nagtipon doon sa pintuan ng lungsod.
19 After this, Abraham buried Sarah his wife in the cave of Machpelah's field, facing Mamre—Hebron—in the land of Canaan. Inilibing agad ni Abraham si Sara sa kuwebang nasa bukid ng Macpela, na sakop ng lupain ng Canaan. Ang Macpela ay malapit sa Mamre na siyang Hebron.
20 So the field and its cave were deeded to Abraham by the Hittites as a burial holding. Kaya ang bukid pati ang kuweba, na dating pagmamay-ari ng mga Heteo ay naging kay Abraham na at ginawa niya itong libingan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]