Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Some time later, our Father tested Abraham. He said to him, "Abraham!" "Here I am," Abraham replied. Dumating ang panahon na sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos, “Abraham!” “Narito po ako,” tugon niya.
2 Then our Father said, "Take your son, your only son, whom you love—Isaac. Go to the land of Moriah and offer him there as a burnt offering on one of the mountains I will name." Pagkatapos, sinabi niya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.”
3 Early next morning Abraham saddled his donkey, took two of his young men and his son Isaac, split the wood for the burnt offering, and set out for the place our Father had told him about. Kinabukasan, maagang nagsibak si Abraham ng mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at isinakay niya ito sa asno. Lumakad siya kasama si Isaac at ang dalawa niyang aliping lalaki papunta sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
4 On the third day Abraham looked up and saw the place in the distance. Nang ikatlong araw ng kanilang paglalakbay, nakita ni Abraham sa di-kalayuan ang lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
5 He told his young men, "Stay here with the donkey. The boy and I will go over there, worship, and return to you." Kaya sinabi ni Abraham sa dalawa niyang alipin, “Dito muna kayo at bantayan ninyo ang asno, dahil aakyat kami roon upang sumamba sa Diyos. Babalik din kami agad.”
6 Abraham took the burnt offering wood and laid it on his son Isaac, carrying the fire and knife himself. The two walked on together. Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.
7 Isaac said to his father Abraham, "My father?" "Here I am, my son," Abraham replied. "The fire and wood are here," Isaac said, "but where is the lamb for the burnt offering?" Habang naglalakad sila, sinabi ni Isaac, “Ama!” Sumagot si Abraham, “Bakit anak?” Nagtanong si Isaac, “May dala po tayong sulo at panggatong ngunit nasaan po ang tupa na ihahandog?”
8 Abraham answered, "Our Father himself will provide the lamb for the burnt offering, my son." And the two walked on together. Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.” At nagpatuloy sila sa paglalakad.
9 When they reached the place our Father had told him about, Abraham built the altar, arranged the wood, tied up his son Isaac, and laid him on the altar atop the wood. Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos, gumawa si Abraham ng altar na bato, at inihanda niya ang mga kahoy sa ibabaw nito. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar.
10 Then Abraham reached out his hand and took the knife to kill his son. Kinuha niya ang itak. At nang papatayin na sana niya si Isaac,
11 But our Father's messenger called to him from heaven, "Abraham! Abraham!" "Here I am," he answered. tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, “Abraham! Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito po ako.”
12 "Don't lay a hand on the boy," he said. "Do nothing to him. Now I know you fear me, since you haven't held back your son, your only son, from me." Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang anak mo! Ngayon, napatunayan ko na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.”
13 Abraham looked up and saw a ram behind him, caught by its horns in a thicket. He went, took the ram, and offered it as a burnt offering instead of his son. Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang lalaking tupa na ang sungay ay nasabit sa mga sanga ng kahoy. Kaya kinuha ito ni Abraham at inihandog bilang handog na sinusunog kapalit ng kanyang anak.
14 Abraham named that place "The Father Will Provide," meaning "our Father will provide." To this day it is said, "On his mountain it will be provided." Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Naglalaan ang Panginoon.” Ito ang pinagmulan ng kasabihang, “Sa bundok ng Panginoon may inilalaan siya.”
15 The messenger of our Father called to Abraham from heaven a second time, Muling tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham mula sa langit.
16 and said, "I swear by myself, declares our Father: because you have done this and not held back your son, your only son, Sinabi niya, “Ito ang sabi ng Panginoon: Sumusumpa ako sa sarili ko na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,
17 I will surely bless you and surely multiply your offspring like the stars of the sky and the sand on the seashore. Your offspring will possess the gate of his enemies, tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
18 and through your offspring all nations of the earth will be blessed, because you obeyed my voice." At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin.”
19 Abraham returned to his young men, and they set out together for Beersheba. Abraham settled in Beersheba. Pagkatapos nito, bumalik sila Abraham sa kinaroonan ng kanilang mga alipin. At bumalik sila sa Beer-seba at doon na nanirahan.
20 Some time later, Abraham was told, "Milcah too has borne sons to your brother Nahor: Pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan ni Abraham na ang kapatid niyang si Nahor ay may mga anak kay Milca:
21 Uz the firstborn, Buz his brother, Kemuel (the father of Aram), Si Uz ang panganay, sumunod sina Buz, Kemuel (ang ama ni Aram),
22 Chesed, Hazo, Pildash, Jidlaph, and Bethuel." Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf at Betuel.
23 Bethuel became the father of Rebekah. These were the eight sons Milcah bore to Nahor, Abraham's brother. Si Betuel ang ama ni Rebeca. Silang walo ay ang mga anak ni Nahor kay Milca.
24 Nahor's concubine, whose name was Reumah, also bore children: Tebah, Gaham, Tahash, and Maacah. May mga anak din si Nahor sa kanyang asawang alipin na si Reuma. Silaʼy sina Teba, Gaham, Tahas at Maaca.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]