Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now our Father visited Sarah, just as he had said, and did for her what he had promised. Ngayon, biniyayaan ng Panginoon si Sara at tinupad ang kanyang sinabi gaya ng kanyang ipinangako.
2 Sarah conceived, bore Abraham a son in his old age, at the set time our Father had promised him. Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.
3 Abraham named the son Sarah had borne him Isaac. Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.
4 Abraham circumcised his son Isaac at eight days old, as our Father had commanded him. Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Diyos.
5 Abraham was one hundred years old when his son Isaac was born to him. Isandaang taóng gulang na si Abraham noong ipinanganak si Isaac.
6 Sarah said, "our Father made me laugh; everyone who hears will laugh with me." Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin.
7 She added, "Who would have told Abraham that Sarah would nurse children? Yet I've borne him a son in his old age." Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Ngunit nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”
8 The child grew and was weaned; the day Isaac was weaned, Abraham threw a great feast. Lumaki si Isaac, at nang araw na naawat na siya sa pagsuso sa kanyang ina, nagdaos si Abraham ng isang malaking handaan.
9 But Sarah saw the son whom Hagar the Egyptian had borne to Abraham, and he was mocking. Isang araw, nakita ni Sara na pinagtatawanan ni Ismael si Isaac. Si Ismael ay anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo.
10 She said to Abraham, "Drive out this slave woman and her son; this slave woman's son will never inherit with my son Isaac." Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.”
11 This troubled Abraham deeply, because it concerned his son. Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.
12 But our Father said to Abraham, "Don't be upset about the boy and your slave woman. Listen to Sarah in all she tells you, for your offspring will be named through Isaac. Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ismael at kay Hagar na alipin mo. Sundin mo ang sinabi ni Sara dahil si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.
13 I will also make the slave woman's son a nation, since he is your offspring." At tungkol naman kay Ismael na anak ni Hagar na iyong alipin, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”
14 Early next morning Abraham took bread and a skin of water, gave them to Hagar, put them on her shoulder along with the child, and sent her away. She left and wandered the wilderness of Beersheba. Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beer-seba na hindi alam kung saan sila pupunta.
15 When the water in the waterskin was gone, she put the boy under one of the bushes. Nang naubos na ang kanilang tubig, iniwan niya ang anak niya sa ilalim ng isa sa mga mababang punongkahoy
16 She went and sat down about a bowshot away, for she said, "I can't watch the boy die." Then she sat there, lifted her voice, and wept. at lumakad siya na may layong mga 100 metro mula sa kanyang anak. Doon siya umupo at umiiyak na nagsabi sa kanyang sarili, “Hindi ko matitiis na pagmasdan ang kamatayan ng anak ko.”
17 Our Father heard the boy's voice; his messenger called to Hagar from heaven: "What's wrong, Hagar? Don't be afraid—our Father has heard the boy's voice where he lies. Ngayon, narinig ng Diyos ang iyak ng bata. Kaya sinabi ng anghel ng Diyos kay Hagar mula roon sa langit, “Ano ang gumugulo sa iyo Hagar? Huwag kang matakot; narinig ng Diyos ang iyak ng anak mo.
18 Get up, lift the boy and take him by the hand, for I will make him a great nation." Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.”
19 Then our Father opened her eyes; she saw a well of water, went and filled the waterskin, then gave the boy a drink. Pagkatapos, may ipinakita ang Diyos sa kanya na isang balon. Pumunta siya roon at nilagyan ng tubig ang sisidlan niya. Pagkatapos, pinainom niya ang kanyang anak.
20 Our Father was with the boy as he grew up. He lived in the wilderness and became an archer. Hindi pinabayaan ng Diyos si Ismael hanggang lumaki ito. Doon siya tumira sa ilang ng Paran at naging isa siyang mahusay na mamamana.
21 He lived in the wilderness of Paran, and his mother got him a wife from Egypt. Habang nakatira siya sa ilang ng Paran, ikinuha siya ng mapapangasawa ng kanyang ina mula sa Ehipto.
22 At that time, Abimelech and Phicol, commander of his army, said to Abraham, "God is with you in all you do. Nang panahong iyon, pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo.
23 Now swear to me here by God that you won't betray me, my children, or my descendants. Show me and this land where you've lived as a foreigner the same kindness I've shown you." Kaya, mangako ka rito sa pangalan ng Diyos na hindi mo ako pagtataksilan pati na ang aking mga lahi. Ipakita mo ang kabutihan mo sa akin at sa lugar na ito na tinitirhan mo ngayon, tulad din ng ipinakita kong kabutihan sa iyo.”
24 Abraham said, "I swear it." Sumagot si Abraham, “Isinusumpa ko.”
25 Then Abraham complained to Abimelech about a well of water that Abimelech's servants had seized. Ngunit dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya.
26 Abimelech replied, "I don't know who did this. You didn't tell me, and I only heard of it today." Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.”
27 Abraham took sheep and cattle and gave them to Abimelech, and the two made a covenant. Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan.
28 Abraham set apart seven ewe lambs from the flock, Kumuha rin si Abraham ng pitong babaeng tupa mula sa kawan at ibinukod ito.
29 and Abimelech asked Abraham, "What is the meaning of these seven ewe lambs you have set apart?" Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupang ibinukod mo?”
30 He replied, "Accept these seven ewe lambs from me as proof that I dug this well." Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupang ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.”
31 So that place was called Beersheba, because there the two of them swore an oath. Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba.
32 So they made a covenant at Beersheba. Then Abimelech and Phicol, his army commander, returned to Philistine land. Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beer-seba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.
33 Abraham planted a tamarisk in Beersheba, and there he called on the name of our Father, El Olam—our everlasting Father. Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beer-seba at sumamba siya sa Panginoon, ang Diyos na walang hanggan.
34 And Abraham stayed in the land of the Philistines for a long time. Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]