Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Abraham traveled from there to the Negev, settled between Kadesh and Shur, and lived as a foreigner in Gerar. Umalis sina Abraham sa Mamre at pumunta sa Negeb. Doon sila tumira sa kalagitnaan ng Kades at Shur. Hindi nagtagal, lumipat sila sa Gerar.
2 Abraham said of Sarah, his wife, "She is my sister." So Abimelech king of Gerar sent for her and took Sarah. Habang naroon sila, ang pakilala ni Abraham kay Sara sa mga tao ay kapatid niya ito. Kaya ipinakuha si Sara ni Haring Abimelec ng Gerar.
3 But our Father came to Abimelech in a dream that night: "You are as good as dead because of the woman you took, for she is a married woman." Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.”
4 Abimelech had not gone near her. He said, "Sovereign God, would you destroy even an innocent nation? Ngunit dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, papatayin nʼyo po ba ang bayang wala namang kasalanan?
5 Didn't he himself tell me, 'She's my sister'? And she herself also said, 'He's my brother.' I did this with a sincere heart and innocent hands." Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”
6 Then our Father said to him in the dream, "Yes, I know you did this with integrity of heart, and I have kept you from sinning against me—that's why I didn't let you touch her. Sinabi pa sa kanya ng Diyos sa panaginip, “Oo, alam kong wala kang masamang balak, kaya hindi ko ipinahintulot na magalaw mo siya upang hindi ka magkasala sa akin.
7 Now return the man's wife, for he's a prophet who will pray for you, and you'll live. If you don't return her, know you will surely die, you and all who are yours." Ngunit dapat mo siyang ibalik sa asawa niya dahil ang asawa niya ay isang propeta, at ipapanalangin ka niya upang hindi ka mamatay. Ngunit kapag hindi mo siya naibalik, binabalaan kita na mamamatay ka pati ang lahat ng tauhan mo.”
8 Abimelech rose early that morning, called all his servants, and told them all that had happened; the men were badly frightened. Kinabukasan, maagang ipinatawag ni Abimelec ang lahat ng opisyal niya at sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang panaginip. At labis silang natakot.
9 Abimelech summoned Abraham and asked, "What have you done to us? How did I sin against you, that you brought a great sin on me and my kingdom? You've done to me what should never be done." Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo.
10 Abimelech also said to Abraham, "What did you have in mind, that you did such a thing?" Bakit mo ito ginawa?”
11 Abraham said, "I thought: surely there's no fear of our Father here, and they will kill me for my wife." Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Diyos, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko.
12 Besides, she truly is my sister, my father's daughter but not my mother's, and she became my wife. Totoo po na magkapatid kami, ngunit sa ama lang at hindi sa ina; at napangasawa ko po siya.
13 When our Father made me wander from my father's house, I told her: Show me this kindness—wherever we go, say of me, "He is my brother." Nang sinabihan po ako ng Diyos na umalis sa tahanan ng aking ama, sinabi ko kay Sara na ipakilala niya na magkapatid kami kahit saan kami pumunta. Sa ganito pong paraan, maipapakita niya ang pagmamahal niya sa akin.”
14 Abimelech took sheep, cattle, and male and female servants, gave them to Abraham, and returned Sarah his wife to him. Ibinalik ni Abimelec si Sara kay Abraham, at binigyan pa niya si Abraham ng mga tupa, baka, at mga aliping babae at lalaki.
15 Abimelech said, "My land is open to you; settle wherever you please." Pagkatapos, sinabi niya kay Abraham, “Payag akong patirahin kayo sa aking lupain. Tumira kayo kahit saan ninyo gusto.”
16 And to Sarah he said, "Look, I am giving your brother 1,000 pieces of silver. This is to cover the wrong done to you in the eyes of all who are with you; before everyone you are fully cleared." Sinabi rin niya kay Sara, “Bibigyan ko ang kapatid mo ng 1,000 pirasong pilak bilang katibayan sa lahat ng kasamahan ninyo na hindi kita nagalaw at upang hindi sila mag-isip na nakagawa ka ng masama.”
17 Abraham prayed to our Father, who healed Abimelech, his wife, and his female servants, so they could bear children again, At nanalangin si Abraham sa Diyos, at pinagaling ng Diyos si Abimelec, ang kanyang asawa at ang kanyang mga aliping babae upang muli silang magkaanak,
18 for our Father had completely closed up every womb in Abimelech's household because of Sarah, Abraham's wife. sapagkat ginawang baog Panginoon ang lahat ng mga babae sa sambahayan ni Abimelec dahil sa pagkuha niya kay Sara na asawa ni Abraham.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]