Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The two angels came to Sodom that evening; Lot sat at Sodom's gate. Seeing them, he rose to meet them and bowed, face to the ground. Magdidilim na nang dumating ang dalawang anghel sa Sodoma. Nakaupo noon si Lot sa pintuan ng lungsod. Pagkakita ni Lot sa kanila, tumayo siya at sinalubong sila. Pagkatapos, nagpatirapa siya sa harapan nila at nagsabing,
2 "Please, my lords," he said, "stop at your servant's house, spend the night, wash your feet; rise early and go your way." "No," they said, "we'll spend the night in the square." “Kung maaari po, dumaan muna kayo sa bahay ko upang makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at dito na po kayo matulog ngayong gabi. At bukas na lang kayo ng umaga magpatuloy sa paglalakbay ninyo.” Ngunit sumagot sila, “Huwag na lang, doon na lang kami matutulog sa plasa ngayong gabi.”
3 He pressed them hard, so they turned aside to him, entered his house. He made them a feast, baked bread without yeast, and they ate. Ngunit pinilit sila ni Lot, kaya sumáma na lang sila sa bahay niya. Naghanda si Lot ng mga inumin at mga pagkain. Nagpaluto rin siya ng tinapay na walang pampaalsa. At nang maihanda na ang pagkain, naghapunan sila.
4 Before they lay down, the men of the city—Sodom's men—young and old, all the people, without exception, surrounded the house. Nang mahihiga na sila upang matulog, dumating ang lahat ng bata at matatandang lalaki ng Sodoma, at pinaligiran nila ang bahay ni Lot.
5 They called to Lot, "Where are the men who came to you tonight? Bring them out—let us have sex with them." Tinawag nila si Lot at tinanong, “Nasaan na ang mga panauhin mong lalaki na dumating ngayong gabi? Palabasin mo sila rito dahil gusto namin silang sipingan.”
6 Lot went out to them at the entrance, shutting the door behind him, Lumabas si Lot ng bahay upang harapin sila. Nang nasa labas na siya, isinara niya agad ang pintuan.
7 and said, "Please, my brothers, don't do evil. Sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, nakikiusap ako sa inyo na huwag ninyong gagawin ang iniisip ninyong masama.
8 I have two daughters who've never been with a man. I'll bring them out to you—do to them as you please. But do nothing to these men; they've come under my roof's protection." Kung gusto nʼyo, may dalawa akong anak na dalaga. Ibibigay ko sila sa inyo at bahala na kayo kung ano ang gusto ninyong gawin sa kanila. Ngunit huwag ninyong galawin ang dalawang taong ito, dahil mga bisita ko sila at dapat ko silang protektahan.”
9 They said, "Get back!" Then, "This outsider came to stay, and now he judges us? We'll treat you worse than them." They pressed hard against Lot and moved in to break down the door. Ngunit sinabi ng mga tao, “Dayuhan ka lang dito kaya sino ka para makialam sa amin? Umalis ka riyan! Baka mas higit pa ang magawa namin sa iyo kaysa sa kanila.” Pagkatapos, itinulak nila si Lot. Lalapit sana sila sa pintuan upang gibain ito,
10 But the men reached out, pulled Lot into the house with them, and shut the door. ngunit binuksan ito ng dalawang anghel na nasa loob at hinatak nila si Lot papasok, at isinara ang pintuan.
11 They struck the men at the house door blind, small to great, till they wore themselves out searching for the door. Pagkatapos, binulag nila ang mga tao na nasa labas upang hindi na nila makita ang pintuan.
12 The men said to Lot, "Who else do you have here—son-in-law, sons, daughters, anyone in the city who's yours? Bring them out of this place. Sinabi ng dalawang anghel kay Lot, “Kung may mga anak ka pa, o mga manugang na lalaki, o mga kamag-anak sa lungsod na ito, isama mo silang lahat at umalis kayo rito,
13 We're about to destroy this place - the outcry against its people has grown great before our Father, and our Father sent us to destroy it." dahil lilipulin namin ang lungsod na ito. Narinig ng Panginoon ang mga daing laban sa mga taong ito. Kaya ipinadala niya kami upang lipulin ang lungsod na ito.”
14 Lot went out and spoke to his sons-in-law, betrothed to his daughters: "Get up, leave this place—our Father is about to destroy the city!" Yet his sons-in-law took it as a joke. Kaya pinuntahan ni Lot ang mga magiging manugang niyang lalaki at sinabi, “Magmadali kayong umalis dito dahil lilipulin na ng Panginoon ang lungsod na ito.” Ngunit hindi sila naniwala dahil akala nilaʼy nagbibiro lang si Lot.
15 At dawn the angels urged Lot: "Get up, take your wife and two daughters here, or you'll be consumed in the city's punishment." Nang magbubukang-liwayway na, pinagmadali si Lot ng mga anghel na umalis sa lungsod. Sinabi nila, “Bilisan mo! Dalhin mo ang asawa mo at ang dalawang anak mong babae na nandito, at umalis kayo agad, dahil baka madamay kayo kapag nilipol na ang lungsod na ito dahil sa sobrang sama ng mga tao rito.”
16 He hesitated, so the men grabbed his hand, his wife's, and two daughters', our Father pitying him, and they brought him out and left him outside the city. Hindi pa sana aalis si Lot. Ngunit dahil naaawa ang Panginoon sa kanila, hinawakan sila ng mga anghel sa kamay at dinala palabas ng lungsod.
17 When they were brought outside, one of them said, "Run for your life! Don't look back or stop anywhere in the valley. Flee to the hills, or you'll be swept away." Nang nasa labas na sila ng lungsod, sinabi ng isang anghel, “Tumakbo kayo! Huwag kayong lilingon, o hihinto sa kahit saan dito sa kapatagan! Tumakbo kayo papunta sa bundok upang hindi kayo mamatay!”
18 But Lot said to them, "No, please, my Sovereign Father. Ngunit sumagot si Lot, “Mga panginoon ko, huwag nʼyo na po akong patakbuhin papunta sa bundok.
19 Your servant has found favor with you; you've shown great kindness saving my life. But I can't flee to the hills—disaster will catch me and I'll die. Kinahabagan nʼyo po ako at ipinakita ang nʼyo ang inyong dakilang kabutihan sa akin sa pagliligtas ninyo sa buhay ko. Ngunit napakalayo po ng bundok; baka maabutan ako ng sakuna at mamatay ako bago makarating doon.
20 Please—that town is near, small enough to run to. Let me escape there—isn't it small?—so I may live." Nakita nʼyo po ba ang maliit na bayang iyon sa unahan? Tiyak na mararating ko po iyon dahil malapit lang. Maaari po bang doon na lang ako pumunta sa maliit na bayang iyon upang maligtas ako?”
21 He said to him, "I grant this favor too: I won't overthrow the town you mentioned. Sumagot ang anghel sa kanya, “Oo, payag ako sa kahilingan mo; hindi ko lilipulin ang bayan na iyon.
22 Hurry, flee there—I can do nothing until you arrive." That's why the town is named Zoar. Sige, tumakbo na kayo roon, dahil wala pa akong gagawin hanggaʼt hindi pa kayo nakakarating doon.” Ang bayang iyon ay tinatawag na Zoar dahil maliit ang bayang iyon.
23 The sun had risen over the land when Lot reached Zoar. Nakasikat na ang araw nang dumating sina Lot sa Zoar.
24 Then our Father rained sulfur and fire out of heaven on Sodom and Gomorrah. Biglang pinaulanan ng Panginoon ng naglalagablab na asupre ang Sodoma at Gomora.
25 He destroyed those cities, the whole plain, all the cities' residents, and everything growing on the ground. Nilipol ng Panginoon ang dalawang lungsod at ang buong kapatagan. Namatay ang lahat ng nakatira roon pati ang lahat ng tanim.
26 But Lot's wife looked back from behind him, and she became a pillar of salt. Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.
27 Early the next morning Abraham went to the place where he had stood before our Father. Kinaumagahan, dali-daling pumunta si Abraham sa lugar kung saan siya nakipag-usap sa Panginoon.
28 He looked toward Sodom, Gomorrah, and the whole plain, and saw smoke rising from the land like smoke from a kiln. Minasdan niya ang Sodoma at Gomora, at ang buong kapatagan. Nakita niya ang usok na pumapaitaas mula sa lupa na parang usok na nagmula sa isang malaking hurno.
29 When our Father destroyed the plain's cities, our Father remembered Abraham and brought Lot out of the overthrow of the cities where Lot lived. Inalala ng Diyos si Abraham, nang lipulin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan kung saan nakatira si Lot, iniligtas niya muna si Lot upang hindi ito mapahamak.
30 Lot went up from Zoar to live in the mountains with his two daughters, afraid to stay in Zoar; he and his two daughters lived in a cave. Dahil natakot si Lot na tumira sa Zoar, lumipat siya at ang dalawa niyang anak na dalaga sa bundok, at tumira sila sa kuweba.
31 The firstborn told the younger, "Our father is old; no man remains in the land to sleep with us, as is customary everywhere. Isang araw, sinabi ng panganay na anak sa kanyang kapatid, “Matanda na ang ating ama at wala nang ibang lalaki rito na maaari nating mapangasawa upang magkaanak tayo katulad ng pamamaraan ng tao kahit saan sa mundo.
32 Come, let's give our father wine, then sleep with him, and keep offspring alive through our father." Mabuti pang painumin natin ang ating ama ng alak hanggang sa malasing siya, pagkatapos, sumiping tayo sa kanya upang magkaanak tayo sa pamamagitan niya.”
33 That night they gave their father wine; the firstborn went in and lay with him. He never knew when she lay down or rose. Kaya nang gabing iyon, nilasing nila ang kanilang ama. Pagkatapos, sumiping ang panganay na anak sa kanyang ama. Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ni Lot, hindi niya namalayan kung ano ang nangyayari.
34 Next day the firstborn said to the younger, "I slept with my father last night. Let's give him wine again tonight—go sleep with him, so we preserve offspring from our father." Kinabukasan, sinabi ng panganay sa nakababata niyang kapatid, “Sumiping na ako kagabi sa ating ama. At ngayong gabi muli natin siyang painumin ng alak hanggang sa malasing siya, at ikaw naman ang sumiping sa kanya upang tayong dalawa ay magkaanak sa pamamagitan niya.”
35 That night too they had their father drink wine; the younger got up and slept with him, and he did not know when she lay down or when she got up. Kaya nang gabing iyon, muli nilang nilasing ang kanilang ama at ang nakababatang kapatid naman ang sumiping sa kanya. At sa sobrang kalasingan, hindi rin niya namalayan kung ano ang nangyayari.
36 So both of Lot's daughters became pregnant by their father. Sa ganoong paraan, nabuntis ang dalawang anak ni Lot sa pamamagitan niya.
37 The firstborn bore a son, named him Moab—father of the Moabites to this day. Dumating ang panahon, nanganak ang panganay ng isang lalaki at pinangalanan niyang Moab. Siya ang pinagmulan ng lahi ng Moabita.
38 The younger also had a son and named him Ben-Ammi—father of the Ammonites to this day. Nanganak din ang nakababatang kapatid ng isang lalaki at pinangalanan niyang Ben-ami. Siya ang pinagmulan ng lahi ng Amonita.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]