Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now our Father appeared to Abraham at the oaks of Mamre while he sat at his tent's entrance in the day's heat. Nagpakita ang Panginoon kay Abraham nang nakatira pa siya malapit sa malalaking puno ni Mamre. Mainit ang araw noon, at si Abraham ay nakaupo sa pintuan ng kanyang tolda.
2 He looked up and saw three men standing near him. Seeing them, he ran from his tent entrance to meet them and bowed to the ground. Habang nagmamasid siya, may nakita siyang tatlong lalaki na nakatayo sa di-kalayuan. Tumayo siya agad at dali-daling sumalubong sa kanila. Nagpatirapa siya sa kanila harapan.
3 He said, "My Sovereign Father, if I have found favor with you, please don't pass by your servant. At sinabi, “Ginoo, kung maaari, tumuloy po muna kayo rito sa amin.
4 Let a little water be brought to wash your feet and rest under the tree. Magpapakuha po ako ng tubig upang makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at makapagpahinga sa lilim ng punongkahoy na ito.
5 Let me bring a piece of bread so you can refresh yourselves before you go on, since you've come to your servant." They said, "Do as you've said." Kukuha rin ako ng pagkain para sa inyo upang may lakas po kayo sa inyong paglalakad. Ikinagagalak ko pong mapaglingkuran kayo habang nandito kayo sa amin.” At sumagot sila, “Sige, gawin mo kung ano ang sinabi mo.”
6 Abraham hurried into the tent to Sarah and said, "Quick, take about twenty-five pounds of fine flour, knead it, and make bread." Kaya nagmadaling pumasok si Abraham sa tolda at sinabi kay Sara, “Kumuha ka ng kalahating sako ng magandang klaseng harina at magluto ka ng tinapay. At bilisan mo ang pagluluto.”
7 Abraham ran to the herd, took a tender, good calf, and gave it to the servant, who hurried to prepare it. Tumakbo agad si Abraham papunta sa bakahan niya at pumili ng matabang guya. Ipinakatay at ipinaluto niya ito sa isa niyang alipin na nagmadaling naghanda nito.
8 He took curds, milk, and the calf that had been prepared, set them before the men, then stood by them under the tree while they ate. Pagkatapos, dinala niya ito sa mga panauhin niya, at nagdala rin siya ng keso at gatas. At habang kumakain sila sa ilalim ng punongkahoy, naroon din si Abraham na naglilingkod sa kanila.
9 They asked him, "Where is Sarah your wife?" "There, in the tent," he said. Ngayon, nagtanong ang mga panauhin kay Abraham, “Nasaan ang asawa mong si Sara?” Sumagot siya, “Naroon po sa loob ng tolda.”
10 Then our Father said, "I will certainly return to you at this time next year, and Sarah your wife will have a son." Sarah listened at the tent entrance behind him. Ang isa sa mga panauhin ay nagsabi, “Tiyak na babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki ang asawa mong si Sara.” Nakikinig pala si Sara sa pintuan ng tolda na nasa likod lamang ni Abraham.
11 Abraham and Sarah were old, advanced in years; Sarah had stopped menstruating. (Matanda na silang dalawa ni Abraham at huminto na nga ang buwanang dalaw ni Sara.)
12 Sarah laughed within herself, saying, "After I'm worn out, will I have pleasure, my lord being old too?" Tumawa si Sara sa kanyang sarili at nag-isip-isip, “Sa katandaan kong ito, masisiyahan pa ba akong sumiping sa asawa ko, na matanda na rin, upang magkaanak kami?”
13 Then our Father said to Abraham, "Why did Sarah laugh, saying, 'Will I really bear a child, old as I am?' Nagtanong agad ang Panginoon kay Abraham, “Bakit tumawa si Sara at sinasabi, ‘Magkakaanak pa ba ako ngayong matanda na ako?’
14 Is anything too hard for your Father? I will return to you at the appointed time next year, and Sarah will have a son." May bagay ba na hindi magagawa ng Panginoon? Tulad ng sinabi ko, babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki si Sara.”
15 Sarah denied it, saying, "I didn't laugh," for she was afraid. He said, "No, you did laugh." Natakot si Sara, kaya nagsinungaling siya. Sinabi niya, “Hindi po ako tumawa!” Ngunit sinabi ng Panginoon, “Tumawa ka talaga.”
16 The men set out from there and looked down toward Sodom, and Abraham walked with them to see them off. Pagkatapos, umalis ang tatlong lalaki. Inihatid sila ni Abraham hanggang sa lugar kung saan nakikita nila sa ibaba ang lungsod ng Sodoma.
17 Now our Father said, "Will I hide from Abraham what I am about to do, Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko dapat itago kay Abraham ang gagawin ko.
18 since Abraham will surely become a great and mighty nation, and all earth's nations will be blessed through him? Talagang magiging malaki at makapangyarihang bansa ang mga lahi niya sa hinaharap. At sa pamamagitan niya, makakatanggap ng pagpapala ang ibang mga bansa.
19 For I have chosen him, so that he will direct his children and his household after him to keep my way by doing what is right and just, so that I may fulfill what I have promised Abraham." Pinili ko siya upang ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”
20 Then our Father said, "The cry against Sodom and Gomorrah is great, and their sin very serious, Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Abraham, “Napakarami na ng dumaraing laban sa Sodoma at Gomora, dahil sobrang-sobra na ang kanilang kasalanan.
21 that I will go down and see whether they have done entirely as the outcry reaching me claims; if not, I will know." Kaya pupunta ako roon upang malaman ko kung totoo o hindi ang mga daing ng mga tao na dumating sa akin.”
22 So the men turned from there and went toward Sodom, while Abraham remained standing before our Father. Umalis na ang dalawang lalaki papuntang Sodoma, ngunit nagpaiwan ang Panginoon kasama si Abraham.
23 Then Abraham drew near and said, "Will you really sweep away the righteous along with the wicked? Lumapit si Abraham sa Panginoon at nagtanong, “Lilipulin nʼyo po ba ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan.
24 Suppose fifty righteous are in the city—will you really sweep it away, not sparing the place for the sake of the fifty righteous in it? Kung mayroon po kayang limampung matuwid sa lungsod na iyan, lilipulin nʼyo pa rin po ba ang buong lungsod? Hindi nʼyo po ba kahahabagan ang lungsod alang-alang sa limampung taong matuwid?
25 Far be it from you to kill the righteous with the wicked, treating them alike! Far be it from you! Won't the Judge of all the earth do justice?" Hindi po kapani-paniwala na lilipulin ninyo ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan. Hindi po maaaring pare-pareho ang pakikitungo nʼyo sa kanila. Kayo po na humahatol sa buong mundo, hindi po baʼt dapat gawin ninyo kung ano ang tama?”
26 Our Father said, "If I find fifty righteous within the city of Sodom, I'll spare the whole place for them." Sumagot ang Panginoon, “Kung may makita akong limampung matuwid sa Sodoma, hindi ko lilipulin ang buong lungsod alang-alang sa kanila.”
27 Abraham said, "I have dared to speak to my Sovereign Father, though only dust and ashes. Muling nagsalita si Abraham, “O Panginoon, patawarin nʼyo po akong naglakas-loob na makipag-usap sa inyo. Tao lang po ako, at wala akong katuwiran na magsabi nito sa inyo.
28 Suppose the fifty righteous lack five. Will you destroy the whole city for five?" And our Father said, "I won't destroy it if I find forty-five there." Ngunit kung mayroon po kayang apatnapuʼt limang matuwid, lilipulin nʼyo pa rin ba ang buong lungsod dahil kulang po ito ng lima?” Sumagot ang Panginoon, “Kung may makita akong apatnapuʼt limang matuwid, hindi ko lilipulin ang lungsod.”
29 He spoke to him again: "Suppose forty are found there." He said, "For forty's sake I won't do it." Muling nagsalita si Abraham, “Kung apatnapu lang po kaya ang matuwid?” Sumagot ang Panginoon, “Hindi ko lilipulin ang lungsod alang-alang lamang sa apatnapung matuwid.”
30 Abraham said, "May my Sovereign Father not be angry, and let me speak. Suppose thirty are found there." He said, "I will not do it if I find thirty there." Muling nagsalita si Abraham, “Huwag po sana kayong magalit sa akin, Panginoon, dahil magtatanong pa po ako. Ano po kaya kung may tatlumpu lang na taong matuwid?” Sumagot ang Panginoon, “Hindi ko pa rin lilipulin ang lungsod kung may makita akong tatlumpung taong matuwid.”
31 Abraham said, "Since I have dared to speak to my Sovereign Father, suppose only twenty are found there." He said, "For twenty's sake, I will not destroy it." Muling nagsalita si Abraham, “Panginoon, patawarin nʼyo po ako sa paglalakas-loob ko na pakikipag-usap sa inyo. Ano po kaya kung may dalawampu lang na taong matuwid?” Sumagot ang Panginoon, “Hindi ko pa rin lilipulin ang lungsod alang-alang sa dalawampung matuwid.”
32 Then he said, "May my Sovereign Father not be angry, let me speak just once more: suppose only ten are found there." And our Father said, "For ten's sake, I will not destroy it." Muling nagsalita si Abraham, “Panginoon, huwag po sana kayong magagalit; huling tanong na po ito. Halimbawa, sampu na lang po ang nakita ninyong matuwid?” Sumagot ang Panginoon, “Hindi ko pa rin lilipulin ang lungsod alang-alang sa sampung matuwid.”
33 When our Father finished speaking with Abraham, he left; Abraham returned to his place. Pagkatapos nilang mag-usap, umalis ang Panginoon at si Abraham ay umuwi naman sa kanila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]