Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When Abram was ninety-nine years old, our Father appeared to him and said, "I am El Shaddai—your Father Almighty. Walk before me and be blameless. Nang siyamnapuʼt siyam na taóng gulang si Abram, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.
2 And I will make my covenant between me and you, and I will multiply you exceedingly." Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo; pararamihin ko ang mga lahi mo.”
3 Then Abram fell on his face, and our Father spoke with him, saying: Nang marinig ito ni Abram, nagpatirapa siya. Sinabi ng Diyos sa kanya,
4 "As for me, my covenant is with you, and you will become father of a multitude of nations. “Sa ganang akin, ito ang aking kasunduan sa iyo: Magiging ama ka ng maraming bansa.
5 Your name will no longer be Abram, but Abraham, for I have made you father of a multitude of nations. Mula ngayon, hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham dahil gagawin kitang ama ng maraming bansa.
6 I will make you extremely fruitful; I will turn you into many nations, and kings will come from you. Pararamihin ko ang mga lahi mo at magtatayo sila ng mga bansa, at ang iba sa kanila ay magiging hari.
7 I will establish my covenant between me and you and your descendants after you, for all generations—an everlasting covenant—to be Father to you and your descendants after you. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo at sa mga lahi mo sa susunod mo pang mga henerasyon, at ako ang magiging Diyos nila. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman.
8 I will give you and your descendants after you the land where you live as a foreigner—all the land of Canaan—as an eternal possession; and I will be their Father." Mga dayuhan lamang kayo ngayon sa lupain ng Canaan. Ngunit ibibigay ko ang buong lupaing ito sa iyo at sa mga lahi mo. Magiging inyo na ito magpakailanman, at patuloy akong magiging Diyos ninyo.”
9 Then our Father said to Abraham, "As for you: keep my covenant, you and your children after you, throughout their generations. Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ingatan mo ang kasunduan nating ito, at ganoon din ang dapat gawin ng mga lahi mo sa susunod pang mga henerasyon.
10 This is my covenant to keep, between me and you and your descendants after you: every male among you must be circumcised. At tungkol sa kasunduang ito, dapat ninyong tuliin ang lahat ng lalaki.
11 Circumcise the flesh of your foreskin; it will be the sign of the covenant between me and you. Ito ang magiging palatandaan ng kasunduan ko sa inyo.
12 Every male among you, generation after generation, must be circumcised at eight days old—whether born in your house or bought with silver from a foreigner not your own offspring. Mula ngayon hanggang sa susunod pang mga henerasyon, ang lahat ng batang lalaking isinilang sa inyo ay dapat tuliin sa ikawalong araw nito, pati ang mga aliping lalaki na isinilang sa sambahayan ninyo o binili ninyo sa mga dayuhan.
13 Everyone born in your house or bought with your money must be circumcised. My covenant will be in your flesh, an everlasting covenant. Kailangang matuli silang lahat, isinilang man ito sa sambahayan ninyo o binili ninyo. Sapagkat ito ang palatandaan sa katawan ninyo na ang kasunduan ko sa inyo ay magpapatuloy magpakailanman.
14 Any uncircumcised male not circumcised in his foreskin's flesh will be cut off from his people—he has broken my covenant." Ang sinumang lalaki sa inyong tumangging magpatuli ay huwag ninyong ituring na kababayan, dahil binalewala niya ang aking kasunduan.”
15 Then our Father said to Abraham, "Don't call your wife Sarai anymore—her name is Sarah. Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman sa asawa mong si Sarai, hindi mo na siya tatawaging Sarai, kundi mula ngayon ay Sara na ang itatawag mo sa kanya.
16 I will bless her and indeed give you a son by her. I will bless her—she will become nations; kings of peoples will come from her." Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak sa pamamagitan niya. Magiging ina siya ng maraming bansa, at ang iba niyang mga lahi ay magiging hari.”
17 Abraham fell on his face, laughing, and said to himself, "Can a son be born to a man who is one hundred years old? Can ninety-year-old Sarah give birth?" Nang marinig ito ni Abraham, nagpatirapa siya, ngunit tumawa siya sa kanyang narinig. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Magkakaanak pa ba ako na isangdaang taóng gulang na? At si Sara, mabubuntis pa kaya siya na nasa siyamnapung taóng gulang na?”
18 Then Abraham said to our Father, "If only Ishmael might live in your presence!" Sinabi niya sa Diyos, “Kung ganoon po ang mangyayari, nawaʼy pagpalain nʼyo po ang anak kong si Ismael.”
19 But our Father said, "No, your wife Sarah will bear you a son, and you will name him Isaac. I will confirm my covenant with him, an everlasting covenant for his descendants after him. Sumagot ang Diyos, “Oo, ngunit ang asawa mong si Sara ay manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. Sa kanya ko ipagpapatuloy ang kasunduan ko sa iyo, at magpapatuloy ang kasunduang ito sa mga lahi niya magpakailanman.
20 As for Ishmael, I have heard you. I will bless him, make him fruitful, and multiply him exceedingly. He will father twelve leaders, and I will make him into a great nation. Tungkol naman kay Ismael, narinig ko ang kahilingan mo para sa kanya. Pagpapalain ko siya at bibigyan ng maraming lahi. Magiging ama siya ng labindalawang pinuno, at ang mga lahi niya ay magiging mga tanyag na tao.
21 But I will confirm my covenant with Isaac, whom Sarah will bear you at this time next year." Subalit ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.”
22 When he had finished speaking with Abraham, our Father went up from him. Umalis ang Diyos pagkatapos niyang sabihin kay Abraham ang mga ito.
23 Then Abraham took Ishmael his son, everyone born in his household, and everyone bought with his money—every male in Abraham's household—and circumcised the flesh of their foreskins that very day, as our Father had told him. Sa mismong araw na iyon, tinupad ni Abraham ang iniutos sa kanya ng Diyos. Tinuli niya ang anak niyang si Ismael at ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan: ang mga aliping isinilang sa tahanan niya at ang mga aliping binili niya.
24 Abraham was ninety-nine years old when he was circumcised in the flesh of his foreskin. Si Abraham ay siyamnapuʼt siyam na taóng gulang nang tuliin siya,
25 His son Ishmael was thirteen when he was circumcised in the flesh of his foreskin. at si Ismael naman ay labingtatlong taóng gulang na.
26 On that very day Abraham and Ishmael his son were circumcised. Sa mismong araw na iyon ay tinuli si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael.
27 All the men of his household—house-born and bought with silver from a foreigner—were circumcised with him. At ang lahat ng mga alipin niya na isinilang sa sambahayan niya at binili niya sa mga dayuhan ay tinuli rin.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]