Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Sarai, Abram's wife, had borne him no children. She had an Egyptian servant named Hagar. Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar.
2 Sarai told Abram, "Look, our Father has kept me from bearing children. Go sleep with my servant; maybe I'll build a family through her." Abram did as Sarai said. Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa.
3 After Abram had lived in Canaan ten years, Sarai his wife took her Egyptian servant Hagar and gave her to her husband Abram as a wife. Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)
4 He slept with Hagar; she conceived, and seeing she was pregnant, she despised her mistress. Sumiping nga siya kay Hagar at itoʼy nagbuntis. Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai, ang kanyang amo.
5 Sarai said to Abram, "My wrong is on you. I gave my servant into your arms; now she sees she's pregnant, she despises me. May our Father judge between me and you." Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ikaw ang dapat sisihin sa pang-aalipusta ni Hagar sa akin. Ibinigay ko siya sa iyo ngunit ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”
6 Abram told Sarai, "Your servant is in your hands; do to her what seems good to you." Sarai mistreated her, and she fled from her presence. Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya tumakas na lamang ito.
7 The messenger of our Father found Hagar at the wilderness spring, the spring on the way to Shur. Nakita si Hagar ng anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur.
8 "Hagar, Sarai's servant," he said, "where have you come from, and where are you going?" "I'm running away from my mistress Sarai," she replied. Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” Sumagot siya, “Tumakas po ako sa amo kong si Sarai.”
9 "Go back to your mistress," the messenger of our Father told her, "and submit to her authority." Sinabi ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.”
10 The messenger of our Father told her, "I will multiply your descendants until they can't be counted." Pagkatapos, sinabi pa ng anghel, “Pararamihin ko ang lahi mo, at ang dami nilaʼy hindi mabibilang.”
11 The messenger of our Father also said to her: "You are now pregnant and will give birth to a son. You will name him Ishmael, for I have heard of your misery. At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya, “Nagdadalantao ka ngayon at magsisilang ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ismael, sapagkat narinig ng Panginoon ang iyong pagdaing.
12 He will be a wild donkey of a man, his hand against everyone and everyone's hand against him, and he will live in hostility toward all his brothers." Ngunit ang anak mo ay mabubuhay tulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay kakalabanin sa kanya.”
13 She named our Father who spoke to her, "You are El Roi—my God who sees me," for she said, "I have now seen the One who sees me." Tinawag ni Hagar na “Diyos na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya, sapagkat sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Diyos na nakakakita sa akin sa lugar na ito?”
14 That is why the well was called Beer-lahai-roi; it lies between Kadesh and Bered. Iyon ang bukal na naroon sa gitna ng Kades at Bered na tinatawag na Beer-lahai-roi.
15 So Hagar bore Abram a son, and Abram named the son she had borne Ishmael. At nagsilang si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram. Pinangalanan niya ang kanyang anak ng Ismael.
16 Abram was eighty-six years old when Hagar bore him Ishmael. Si Abram ay walumpuʼt anim na taóng gulang nang ipinanganak ni Hagar si Ismael.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]