Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Abraham married another wife, whose name was Keturah. Nag-asawa ulit si Abraham, at ang pangalan ng asawa niya ay Ketura.
2 She gave birth to Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak, and Shuah. Ang mga anak nila ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Suah.
3 Jokshan fathered Sheba and Dedan. The sons of Dedan were the Asshurites, the Letushites, and the Leummites. Si Jocsan ang ama nina Seba at Dedan. Ang mga lahi ni Dedan ay ang mga Asurim, Letusim, at Leumim.
4 Midian's sons: Ephah, Epher, Hanoch, Abida, and Eldaah—all sons of Keturah. Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga lahi ni Ketura.
5 Abraham gave all that he had to Isaac. Iniwang lahat ni Abraham ang kanyang ari-arian kay Isaac.
6 Abraham gave gifts to the sons of his concubines, then sent them away from his son Isaac while he was still alive, eastward to the east country. Ngunit habang buhay pa siya, binigyan niya ng mga regalo ang iba niyang mga anak sa iba niyang mga asawa, at pinapunta sa silangan upang ihiwalay sa anak niyang si Isaac.
7 Abraham lived 175 years in all. Nabuhay si Abraham ng 175 taon.
8 Abraham breathed his last, dying at a good old age, an old man full of years, and joined his people. Matapos mamuhay ng isang mahaba at matiwasay na buhay, nalagot ang kanyang hininga at inilibing siya kasama ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.
9 His sons Isaac and Ishmael buried him in the cave of Machpelah, in Ephron son of Zohar the Hittite's field near Mamre. Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ismael doon sa kuweba ng Macpela, sa silangan ng Mamre, sa bukid na dating pagmamay-ari ni Efron na anak ni Zohar na Heteo.
10 The field that Abraham had bought from the Hittites. There Abraham was buried, with Sarah his wife. Ang bukid na iyon ay binili ni Abraham sa harapan ng mga Heteo. Doon inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara.
11 After the death of Abraham, our Father blessed his son Isaac. And Isaac settled near Beer-lahai-roi. Pagkatapos mamatay ni Abraham, binasbasan ng Diyos si Isaac at doon siya nanirahan sa Beer-lahai-roi.
12 This is the family record of Ishmael, Abraham's son, whom Hagar the Egyptian, Sarah's servant, bore to Abraham. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Ismael na anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo, na alipin ni Sara.
13 These are the names of Ishmael's sons, by name, in birth order: Nebaioth, Ishmael's firstborn, then Kedar, Adbeel, Mibsam, Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa kanilang kapanganakan: Si Nebayot ang panganay ni Ismael, sumunod sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
14 Mishma, Dumah, Massa, Misma, Duma, Massa,
15 Hadad, Tema, Jetur, Naphish, and Kedemah. Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema.
16 These are Ishmael's sons, these their names by their villages and encampments—twelve princes according to their tribes. Sila ang mga anak na lalaki ni Ismael at naging pinuno ng labindalawa niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.
17 Ishmael lived 137 years, then breathed his last, died, and joined his people. Nabuhay si Ismael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.
18 They settled from Havilah to Shur, east of Egypt toward Assyria; Ishmael lived in hostility toward all his relatives. Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Ehipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.
19 This is the family line of Isaac, Abraham's son: Abraham fathered Isaac. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac.
20 Isaac was forty years old when he married Rebekah, daughter of Bethuel the Aramean of Paddan-aram, sister of Laban the Aramean. Si Isaac ay apatnapung taóng gulang nang napangasawa niya si Rebeca na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan-aram. Si Rebeca ay kapatid ni Laban na Arameo rin.
21 Isaac prayed to our Father for his wife, since she was barren; our Father granted it, and his wife Rebekah conceived. Ipinanalangin ni Isaac sa Panginoon ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.
22 But the children struggled together within her, and she said, "If this is how it is, why is this happening to me?" So she went to ask our Father. Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeca, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito.
23 And our Father said to her: "Two nations are in your womb; two peoples from within you will be divided: one will be stronger than the other, and the older will serve the younger." Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan; ang dalawang bayan na nasa loob mo ay magkalaban. Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa. Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”
24 When the time came for her to give birth, there were twins in her womb! Nang nanganak na si Rebeca, kambal ang anak niya.
25 The first came out red, his whole body like a hairy garment; so they named him Esau. Ang unang lumabas ay mapula-pula at balbon, kaya pinangalanan nila siyang Esau.
26 Then his brother came out, with his hand grasping Esau's heel, so he was named Jacob. Isaac was sixty years old when she bore them. Nang lumabas ang ikalawa, ang kamay niya ay nakahawak sa sakong ng kanyang kakambal, kaya pinangalanan nila siyang Jacob. Si Isaac ay animnapung taóng gulang nang ipanganak ni Rebeca ang kambal.
27 The boys grew up. Esau became a skilled hunter, a man of the field; Jacob was quiet, living in tents. Nang lumaki na ang dalawang sanggol, naging mahusay na mangangaso si Esau at palagi lang siya sa bukid, habang si Jacob naman ay tahimik na tao at palaging nasa loob ng mga tolda.
28 Isaac loved Esau, because he had a taste for wild game, but Rebekah loved Jacob. Mas nagustuhan ni Isaac si Esau dahil mahilig siyang kumain ng mga ipinangaso ni Esau, ngunit si Jacob naman ay mas nagustuhan ni Rebeca.
29 Jacob was cooking stew when Esau came in from the field, and he was famished. Isang araw, habang nagluluto si Jacob ng sabaw, dumating si Esau galing sa pangangaso na gutom na gutom.
30 Esau said to Jacob, "Let me gulp down this red stew—I'm famished!" That's why he was named Edom. Sinabi niya kay Jacob, “Pakiusap, bigyan mo nga ako ng niluluto mong mapula-pulang sabaw dahil gutom na gutom na ako.” (Kaya tinatawag din si Esau na Edom.)
31 Jacob said, "Sell me your birthright now." Ngunit sumagot si Jacob, “Bibigyan kita nito kung ibibigay mo sa akin ang karapatan mo bilang panganay.”
32 Esau said, "Look, I am about to die; what good is a birthright to me?" Sinabi ni Esau, “Sige, ano baʼng gagawin ko sa karapatan na iyan kung mamamatay din lang ako sa gutom.”
33 Jacob said, "Swear to me first." So he swore to him and sold his birthright to Jacob. Sumagot si Jacob, “Kung ganoon, sumumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau na mapupunta kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay.
34 Jacob gave Esau bread and lentil stew; he ate, drank, got up, and left—Esau despised his birthright. Binigyan agad siya ni Jacob ng tinapay at nilagang bitsuwelas. Pagkatapos niyang kumain at uminom, umalis siya agad. Dahil sa ginawang iyon ni Esau, binalewala niya ang karapatan niya bilang panganay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]