Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ezekiel 15 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Jerusalem, ang Walang Kabuluhang Sanga ng Ubas

1Sinabi sa akin ng Panginoon, 2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy? 3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan? 4Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok. 5Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.

6“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila. 7Oo, parurusahan ko sila at kahit na makatakas sila sa apoy, tutupukin pa rin sila ng isa pang apoy. At malalaman nila na ako ang Panginoon. 8Gagawin kong tiwangwang ang lugar nila dahil nagtaksil sila sa akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]