Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 14 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In Iconium they entered the Jewish synagogue together and spoke so that a great number of both Jews and Greeks believed. Ganito din ang nangyari sa Iconio. Pumunta sina Pablo at Bernabe sa sinagoga at nangaral nang may kapangyarihan kung kayaʼt maraming Hudyo at Griyego ang sumampalataya kay Hesus.
2 But the Jews who refused to believe stirred up and poisoned Gentile minds against the brothers. Ngunit mayroon ding mga Hudyo na hindi sumampalataya. Nilason nila ang isip ng mga Hentil, at sinulsulang kalabanin ang mga mananampalataya.
3 They stayed a long time, speaking boldly for the Lord, who confirmed his message of grace, doing signs and wonders through their hands. Kaya, matagal-tagal na panahon din ang ginugol nina Pablo at Bernabe doon sa Iconio at matapang silang nangaral ng salita ng Panginoon. Pinatunayan ng Panginoon na totoo ang kanilang mensahe patungkol sa kanyang kagandahang-loob. Makikita ito sa ibinigay niyang kapangyarihan sa kanila na gumawa ng mga tanda at kababalaghan.
4 But the city split: some sided with the Jews, some with the apostles. Kaya nahati ang mga tao sa lungsod na iyon; ang ibaʼy kumampi sa mga Hudyong hindi mananampalataya, at ang iba namaʼy sa mga apostol.
5 When both the Gentiles and the Jews, together with their rulers, moved to mistreat and stone them, Binalak ng ilang mga Hudyo at mga Hentil, kasama ang kanilang mga pinuno, na saktan at batuhin ang mga apostol.
6 realizing this, they fled to the Lycaonian cities of Lystra and Derbe, and the surrounding region, Nang malaman ng mga apostol ang planong iyon, agad silang umalis at nagtungo sa rehiyon ng Licaonia, sa mga bayan ng Listra at Derbe at sa mga lugar sa paligid ng mga ito.
7 and there they kept preaching the gospel. Ipinangaral nila roon ang Magandang Balita.
8 A man sat in Lystra, feet disabled, lame from birth, who had never walked. May isang lalaki sa Listra na lumpo mula nang ipinanganak.
9 He was listening to Paul speak. Paul stared at him and saw he had faith to be healed, Nakinig siya sa mga mensahe ni Pablo. Tinitigan ni Pablo ang lumpo at nakita niyang may pananampalataya ito na gagaling siya.
10 said in a loud voice, "Stand upright on your feet." The man leaped up and began walking. Kaya malakas niyang sinabi, “Tumayo ka!” Biglang tumayo ang lalaki at naglakad-lakad.
11 When the crowds saw what Paul did, they shouted in Lycaonian, "The gods have come down to us in human form!" Nang makita ng mga tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Bumaba ang mga diyos dito sa atin at nagkatawang-tao!”
12 Barnabas they called Zeus, and Paul they called Hermes, because he was the chief speaker. Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo dahil siya ang mismong tagapagsalita.
13 The priest of Zeus, whose temple stood before the city, brought bulls and garlands to the gates, wanting to sacrifice with the crowds. Ang templo ng kanilang diyos na si Zeus ay malapit lang sa labas ng lungsod. Kaya nagdala ang pari ni Zeus ng mga torong may kuwintas na bulaklak doon sa pintuan ng lungsod. Gusto niya at ng mga tao na ihandog ito sa mga apostol.
14 But hearing this, the apostles Barnabas and Paul tore their clothes and ran into the crowd, shouting, Ngunit nang malaman iyon ng mga apostol na sina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang damit at tumakbo sila sa gitna ng mga tao at sumigaw,
15 and saying, "Men, why are you doing this? We are humans too, with the same nature as you. We bring you good news: turn from these worthless things to the living Father, who made the heaven, the earth, the sea, and everything in them. “Mga kaibigan, bakit kayo maghahandog sa amin? Tao lang din kaming katulad ninyo. Ipinangangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran na ninyo ang mga walang kuwentang diyos na iyan at lumapit sa Diyos na buháy. Siya ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng bagay na narito.
16 In past generations he let all the nations go their own way, Noon, hinayaan ng Diyos ang mga tao na sumunod sa gusto nila.
17 yet he did not leave himself without witness: doing good, giving you rains from heaven and fruitful seasons, filling your hearts with food and joy." Ngunit hindi nagkulang ang Diyos sa pagpapakilala ng kanyang sarili sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa. Binibigyan niya kayo ng ulan at mga ani sa takdang panahon. Masaganang pagkain ang ibinibigay niya sa inyo upang masiyahan kayo.”
18 Even with these words they barely restrained the crowds from sacrificing to them. Subalit kahit ganito ang sinasabi ng mga apostol, nahirapan pa rin silang pigilan ang mga tao na maghandog sa kanila.
19 But Jews from Antioch and Iconium came, won over the crowds, stoned Paul, and dragged him out of the city, thinking him dead. May mga Hudyong dumating na nagmula sa Antioquia at Iconio na nakakumbinsi sa mga tao na kumampi sa kanila. Pinagbabato nila si Pablo at hinila palabas ng lungsod sa pag-aakalang patay na siya.
20 When the disciples surrounded him, he got up and went into the city. The next day he left for Derbe with Barnabas. Ngunit nang paligiran siya ng mga alagad ni Hesus, bumangon siya at bumalik sa lungsod. Kinabukasan, pumunta silang dalawa ni Bernabe sa Derbe.
21 After preaching the good news in that city and making many disciples, they returned to Lystra, Iconium, and Antioch, Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Magandang Balita sa Derbe at marami silang nahikayat na maging alagad ni Hesu-Kristo. Pagkatapos, bumalik na naman sila sa Listra, Iconio, at sa Antioquia na sakop ng Pisidia.
22 strengthening the disciples' souls, urging them to remain in the faith: we must enter our Father's kingdom through many troubles. Pinatatag nila ang loob ng mga alagad ni Hesus at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya. Sinabi pa nila, “Maraming paghihirap ang daranasin natin bago tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.”
23 After appointing elders for them in each church, praying with fasting, they entrusted them to the Lord they had believed in. Pumili sina Pablo at Bernabe ng mga mamumuno sa bawat iglesya. Nag-ayuno sila at nanalangin para sa mga napili, at ipinagkatiwala nila ang mga ito sa Panginoon na kanilang pinananaligan.
24 Then they passed through Pisidia and came to Pamphylia. Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Pamfilia.
25 And when they had spoken the word in Perga, they went down to Attalia, Nangaral sila roon sa Perga at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia.
26 from there they sailed to Antioch, where they'd been entrusted to our Father's grace for the work they had finished. Mula roon, bumiyahe sila pabalik sa Antioquia na sakop ng Siria, kung saan silaʼy ipinagkatiwala sa biyaya ng Diyos para sa gawaing natapos na nila.
27 When they arrived, they gathered the church and reported all our Father had done with them, and how he opened a door of faith to the Gentiles. Nang dumating sina Pablo at Bernabe sa Antioquia, tinipon nila ang mga mananampalataya at isinalaysay nila ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan upang sumampalataya ang mga Hentil.
28 And they stayed there with the disciples for a long time. At nanatili sila nang matagal sa Antioquia kasama ang mga alagad doon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]