1In the Antioch church were prophets and teachers: Barnabas, Simeon called Niger, Lucius of Cyrene, Manaen (a lifelong companion of Herod the tetrarch), and Saul.OASDDoon sa Antioquia ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucio na taga-Cirene, Manaen (na kababata ni Herodes na pinuno ng Galilea), at si Saulo.
2While they worshiped our Lord Jesus and fasted, the Holy Spirit said, "Set apart for me Barnabas and Saul, for the work I've called them to."OASDHabang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, para sa natatanging gawaing inilaan ko sa kanila.”
3Then, after fasting and praying, they laid their hands on them and sent them off.OASDPagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay kina Bernabe at Saulo at saka sila pinaalis.
4Sent by the Holy Spirit, they went down to Seleucia, then sailed to Cyprus.OASDKaya pumunta sina Bernabe at Saulo sa Seleucia ayon sa sinabi ng Banal na Espiritu. Mula roon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus.
5Arriving at Salamis, they proclaimed our Father's word in the Jewish synagogues. They had John as their helper.OASDPagdating nila doon sa bayan ng Salamina, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng Hudyo. Kasama rin nila si Juan Marcos na tumutulong sa kanilang gawain.
6Having crossed the whole island to Paphos, they found a Jewish sorcerer and false prophet named Bar-Jesus,OASDInikot nila ang buong isla hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Pafos. May nakilala sila roon na isang Hudyong salamangkero at nagpapanggap na propeta. Ang pangalan niya ay Bar Hesus.
7who was with the proconsul, Sergius Paulus, an intelligent man. He summoned Barnabas and Saul, wanting to hear our Father's word.OASDKaibigan siya ni Sergio Paulo, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Diyos.
8Elymas the magician—that's his name's meaning—opposed them, trying to turn the proconsul from the faith.OASDNgunit hinadlangan sila ni Elimas, ang salamangkero (ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Griyego). Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi sumampalataya ang gobernador kay Hesus.
9But Saul, who was also called Paul, filled with the Holy Spirit, looked intently at him,OASDNgunit si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi,
10and said, "You son of the devil, enemy of all righteousness, full of every deceit and trickery—will you never stop twisting our Father's straight paths?OASD“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Hindi ka ba hihinto sa pambabaluktot mo sa matuwid na daan ng Panginoon?
11Now look: the hand of our Father is on you. You will be blind, unable to see the sun, for a time." Immediately mist and darkness fell on him; he felt his way around, seeking someone to lead him by the hand.OASDParurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” At biglang natakpan ng madilim na ulap ang kanyang mga mata, at nangangapa siyang naghanap ng aakay sa kanya.
12Seeing what happened, the proconsul believed, amazed at the teaching of our Lord Jesus.OASDNang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, sumampalataya siya, at namangha sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.
13Paul and his companions sailed from Paphos to Perga in Pamphylia, but John left them and returned to Jerusalem.OASDUmalis sina Pablo sa Pafos at bumiyahe papuntang Perga na sakop ng Pamfilia. Pagdating nila roon, iniwan sila ni Juan Marcos, at bumalik siya sa Jerusalem.
14From Perga they went on to Antioch in Pisidia. On the Sabbath they entered the synagogue and sat down.OASDMula sa Perga, tumuloy sina Pablo sa Antioquia na sakop ng Pisidia. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sinagoga at naupo roon.
15After the reading of the Law and the Prophets, the synagogue leaders sent word: "Brothers, if you have a word of encouragement for the people, speak."OASDMay nagbasa mula sa Kautusan at sa isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sinagoga na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.”
16Paul stood, waved his hand, and said, "Men of Israel, and you who fear our Father, listen.OASDKaya tumayo si Pablo, at sinenyasan ang mga tao na makinig sa kanya. Sinabi niya, “Mga kapwa ko Israelita, at kayong mga Hentil na may takot din sa Diyos, pakinggan nʼyo ako.
17Our Father, the Father of this people Israel, chose our ancestors, made them great during their stay in the land of Egypt, and led them out with a raised arm.OASDAng Diyos na sinasamba nating mga Israelita ang siyang pumili sa ating mga ninuno. Pinarami niya sila noong nasa lupain pa sila ng Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, tinulungan niya sila para makaalis sa Ehipto.
18And for about forty years he put up with them in the wilderness.OASDSa loob ng apatnapung taon, pinagtiyagaan niya sila roon sa disyerto.
19After destroying seven nations in Canaan, he gave them their land as an inheritance.OASDPagkatapos, nilipol niya ang pitong bansa sa Canaan, at ibinigay niya ang mga lupain ng mga ito sa ating mga ninuno.
20This took about 450 years. Then he gave them judges until Samuel the prophet.OASDAng lahat ng ito ay ginawa ng Diyos sa loob ng 450 taon. “Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel.
21Then they asked for a king, and our Father gave them Saul son of Kish, a man from Benjamin's tribe, for forty years.OASDNang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.
22After removing him, he raised up David as their king, testifying: 'I have found David son of Jesse, a man after my heart, who will do everything I want.'OASDNang alisin ng Diyos si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Diyos: ‘Nakita ko si David na anak ni Jesse, bilang isang taong kinalulugdan ko; alam kong susundin niya ang lahat ng iuutos ko.’
23From this man's offspring our Father has brought to Israel a Savior, Jesus, just as he promised.OASD“Sa angkan ni David nagmula si Hesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa Israel.
24Before his coming, John had proclaimed a baptism of repentance to all the people of Israel.OASDBago pa magsimula si Hesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan na Tagapagbautismo sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo.
25As John was completing his course, he said, 'What do you think I am? I am not he. But look, one is coming after me—I'm not worthy to untie the sandals on his feet.'OASDAt nang malapit nang matapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa inyong akala? Hindi ako ang hinihintay ninyo. Ngunit may isang darating na kasunod ko at kahit ang magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.’ ”
26"Brothers, sons of Abraham's family, and those among you who fear our Father: this salvation message was sent to us.OASD“Mga kapatid na mula sa lahi ni Abraham at mga Hentil na sumasamba rin sa Diyos, sa atin ibinigay ng Diyos ang Magandang Balita tungkol sa kaligtasan.
27Jerusalem's people and their leaders didn't recognize him or grasp the prophets' words read each Sabbath—condemning him, they fulfilled those very words.OASDNgunit ang mga Hudyong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Hesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Hesus ng kamatayan.
28Though they found no cause for his death, they asked Pilate to have him executed.OASDKahit wala silang nakitang katibayang magiging dahilan upang parusahan si Hesus ng kamatayan, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay siya.
29After they finished everything written about him, they took him down from the tree and laid him in a tomb.OASDNang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan patungkol sa kanya, kinuha nila siya sa krus at inihimlay sa libingan.
30But our Father raised him from the dead,OASDNgunit muli siyang binuhay ng Diyos.
31for many days he appeared to those who came up with him from Galilee to Jerusalem, now his witnesses to the people.OASDAt sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumáma sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Hesus.”
32And we bring you the good news that what our Father promised to our ancestors.OASD“At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno,
33He has fulfilled this for us, their children, by raising Jesus, as is also written in Psalm 2: 'You are my Son; today I have fathered you.'OASDna tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo: ‘Ikaw ang aking anak, at ngayon ako na ang iyong Ama.’ ”
34And as for the fact that he raised him from the dead, never to decay again, he said, 'I will give you the holy and sure blessings promised to David.'OASD“Muli siyang binuhay ng Diyos upang hindi na mabulok ang kanyang katawan. Ayon sa sinabi ng Diyos, ‘Ibibigay ko saʼyo ang mga banal at tiyak na pagpapalang ipinangako kay David.’ ”
35Therefore he also says in another psalm: 'You will not let your Holy One see decay.'OASDAt sinabi rin ito sa isa pang Salmo: “ ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong banal na lingkod.’ ”
36For David, after serving our Father's purpose in his own generation, fell asleep, was laid with his ancestors, and saw decay,OASD“Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.
37but he whom our Father raised up did not see decay.OASDNgunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.”
38So know this, brothers—through this man forgiveness of sins is proclaimed to you,OASD“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.
39through him, everyone who believes is freed from everything the law of Moses could not free you from.OASDAng sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.
40Be careful, then, that what is said in the Prophets does not happen to you:OASDKaya mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
41'Look, you scoffers, be astonished and perish; for I am doing a work in your days, a work that you will never believe, even if someone tells it to you.'"OASD‘Kayong mga nangungutya, masindak kayo at mamatay, sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magsabi pa sa inyo.’ ”
42As Paul and Barnabas left, the people urged them to speak again about these things next Sabbath.OASDNang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sinagoga, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
43When the synagogue meeting ended, many Jews and devout converts to Judaism followed Paul and Barnabas, who spoke with them and urged them to continue in the grace of our Father.OASDPagkatapos ng pagtitipon, maraming Hudyo at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Hudyo ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.
44The next Sabbath almost the whole city gathered to hear the word of our Lord Jesus.OASDNang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioquia ay nagtipon sa sinagoga upang makinig sa salita ng Panginoon.
45When the Jews saw the crowds, jealousy filled them, and they contradicted Paul's words, insulting him.OASDNang makita ng mga pinuno ng mga Hudyo na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at nilait.
46Paul and Barnabas spoke boldly: "The word of our Father had to be spoken to you first. Since you reject it, judging yourselves unworthy of eternal life, look—we turn to the Gentiles."OASDNgunit buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo muna namin ipapangaral ang salita ng Diyos. Subalit dahil tinanggihan ninyo ito, kayo rin ang humatol sa sarili ninyo na hindi kayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga Hentil na kami mangangaral ng Magandang Balita.
47For our Father has commanded us: "I have made you a light to the nations, to bring salvation to the ends of the earth."OASDSapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin: ‘Ginawa kitang ilaw sa mga Hentil, upang dalhin mo ang kaligtasan sa kasuluk-sulukang bahagi ng daigdig.’”
48Hearing this, the Gentiles rejoiced and glorified the word of our Lord Jesus; all appointed to eternal life believed.OASDNang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya.
49And the word of our Lord Jesus spread throughout the whole region.OASDKaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon.
50But the Jews stirred up the devout, prominent women and the city's leading men, roused persecution against Paul and Barnabas, and expelled them from their region.OASDNgunit sinulsulan ng mga pinuno ng mga Hudyo ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon.
51So they shook the dust off their feet against them and went to Iconium.OASDIpinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila at saka pumunta sa Iconio.
52And the disciples were filled with joy and with the Holy Spirit.OASDAng mga alagad sa Antioquia ay napuspos ng galak at ng Banal na Espiritu.