Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Samuel 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Later, David inquired of our Father, "Should I go up to one of the cities of Judah?" Our Father said, "Go up." David said, "Where?" "Hebron," he said. Pagkatapos nito, nagtanong si David sa Panginoon, “Pupunta po ba ako sa isa sa mga bayan ng Juda?” Sumagot ang Panginoon, “Pumunta ka.” Muling nagtanong si David, “Saan po roon?” Sumagot ang Panginoon, “Sa Hebron.”
2 David went up there with his two wives, Ahinoam of Jezreel and Abigail, Nabal the Carmelite's widow. Kaya pumunta roon si David kasama ang dalawa niyang asawa na sina Ahinoam na taga-Jezreel at Abigail na biyuda ni Nabal na taga-Carmel.
3 David brought up his men who were with him, each with his household, and they settled in Hebron's towns. Isinama rin ni David ang mga tauhan niya at mga pamilya nila, at doon sila tumira sa Hebron at sa mga lugar sa paligid nito.
4 Then Judah's men came and anointed David king over Judah's house there. They told David that Jabesh-gilead's men had buried Saul. Di nagtagal, pumunta ang mga pinuno ng Juda sa Hebron, at pinahiran ng langis ang ulo ni David bilang pagkilala na siya na ang hari ng Juda. Nang mabalitaan ni David na ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,
5 He sent messengers to the men of Jabesh-gilead: "May our Father bless you for this kindness to your lord Saul, burying him. nagpadala siya ng mga mensahero na nagsabi, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon sa ipinakita nʼyong kabutihan kay Saul na hari ninyo sa pamamagitan ng paglilibing sa kanya.
6 Now may our Father show you kindness and faithfulness; I too will treat you well for doing this. Ipakita sana ng Panginoon ang pagmamahal at katapatan niya sa inyo, at ipapakita ko rin sa inyo ang kabutihan ko dahil sa ginawa ninyo.
7 Be strong and take courage, for your master Saul is dead, and Judah's house has also anointed me king over them." At ngayon, magpakatatag kayo at lakasan nʼyo ang inyong loob kahit patay na ang hari ninyong si Saul. Ako naman ay pinili ng mga taga-Juda bilang kanilang hari.”
8 But Abner son of Ner, Saul's army commander, took Ish-bosheth son of Saul and brought him across to Mahanaim. Ngayon, ang kumander ng mga sundalo ni Saul, na si Abner na anak ni Ner ay pumunta sa Mahanaim kasama si Isboset na anak ni Saul.
9 He made him king over Gilead, over the Ashurites, over Jezreel, over Ephraim, over Benjamin—over all Israel. Doon, hinirang niyang hari ng buong Israel si Isboset, kasama na rito ang mga lugar ng Gilead, Ashuri, Jezreel, Efraim at Benjamin.
10 Ish-bosheth son of Saul was forty when he became king over Israel; he reigned two years. But Judah's house followed David. Si Isboset na anak ni Saul ay apatnapung taóng gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya sa loob ng dalawang taon. Si David naman ang kinikilalang hari ng mga taga-Juda,
11 David was king in Hebron over the house of Judah for seven years and six months. at naghari siya sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan. Doon siya nanirahan sa Hebron.
12 Abner son of Ner, with Ish-bosheth son of Saul's servants, left Mahanaim for Gibeon. Isang araw, pumunta si Abner, na anak ni Ner, sa Gibeon mula sa Mahanaim kasama ang mga tauhan ni Isboset.
13 Joab son of Zeruiah and David's servants also went out and met them together at Gibeon's pool—one side sitting on one bank, the other on the opposite bank. Sinalubong sila ni Joab na anak ni Zeruias, kasama ng iba pang mga tauhan ni David doon sa imbakan ng tubig sa Gibeon. Umupo ang grupo ni Abner sa kabilang panig ng Imbakan ng Tubig at ang grupo naman ni Joab ay naupo rin sa kabilang panig.
14 Abner said to Joab, "Let the young men get up and compete before us." Joab said, "Let them get up." Sinabi ni Abner kay Joab, “Paglabanin natin sa ating harapan ang ilan sa mahuhusay nating sundalo.” Pumayag si Joab,
15 So they got up and crossed over by count, twelve for Benjamin and Ish-bosheth son of Saul, twelve from David's servants. at tumayo ang labindalawang tauhan ni Isboset na mula sa lahi ni Benjamin para makipaglaban sa labindalawang tauhan ni David.
16 Each man gripped his opponent's head and drove his sword into his side, and they fell together. So the place in Gibeon was named Helkath-hazzurim. Hinawakan nila ang ulo ng isaʼt isa at nagsaksakan hanggang sa mamatay silang lahat. Kaya tinawag na Helkat Hazurim ang lugar na iyon sa Gibeon.
17 The fighting that day was very fierce; Abner and Israel's men fell before David's servants. At nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng dalawang grupo. At nang araw na iyon, natalo si Abner at ang mga tauhan ng Israel laban sa mga tauhan ni David.
18 Zeruiah's three sons were there: Joab, Abishai, and Asahel—Asahel as fast-footed as a wild gazelle. Kasama sa labanan ang tatlong anak ni Zeruias na sina Joab, Abisai at Asahel. Mabilis tumakbo si Asahel gaya ng usa.
19 He chased Abner, turning neither to the right nor to the left as he pursued him. Hinabol niya si Abner nang walang lingon-lingon.
20 Abner looked back and said, "Is that you, Asahel?" "It is," he answered. Nang lumingon si Abner, nakita niya ito at tinanong, “Ikaw ba ʼyan, Asahel?” “Ako nga,” sagot ni Asahel.
21 Abner told him, "Turn right or left, seize one of the young men, take his gear." But Asahel refused to stop chasing him. Kaya sinabi ni Abner sa kanya, “Huwag mo na akong habulin, iyong isa na lang sa mga kasama ko ang habulin mo at kunin mo ang kagamitan niya.” Pero hindi tumigil si Asahel sa paghabol sa kanya.
22 Abner told Asahel again, "Turn back. Why force me to strike you down? How could I face your brother Joab?" Muling sinabi ni Abner kay Asahel, “Tumigil ka sa paghabol sa akin! Huwag mo akong piliting patayin ka. Wala na akong mukhang maihaharap sa kapatid mong si Joab kung papatayin kita.”
23 He refused to turn aside, so Abner struck him in the stomach with the butt of his spear; it came out through his back. He fell there and died on the spot. Everyone who came to where Asahel had fallen and died stood still. Pero hindi tumigil si Asahel sa paghabol sa kanya, kaya tinusok niya ito ng dulo ng sibat, at tumagos ito hanggang sa likod. Bumagsak siya sa lupa at tuluyang namatay. Napahinto ang lahat ng dumadaan sa lugar na kinamatayan ni Asahel.
24 Joab and Abishai pursued Abner; at sunset they reached the hill of Ammah, near Giah on the way to the wilderness of Gibeon. Nang malaman nina Joab at Abisai ang nangyari, hinabol nila si Abner. Papalubog na ang araw nang makarating sila sa burol ng Amma malapit sa Gia, sa daang papunta sa ilang ng Gibeon.
25 Benjamin's men gathered behind Abner, formed one band, and stood atop a hill. Nagtipon kay Abner sa itaas ng burol ang mga sundalo mula sa lahi ni Benjamin para maghanda sa pakikipaglaban.
26 Abner called to Joab: "Must the sword devour forever? Don't you know this will end bitterly? How long until you tell the people to turn back from chasing their brothers?" Sinigawan ni Abner si Joab, “Itigil na natin ang patayang ito! Hindi mo ba naunawaan na sama lang ng loob ang ibubunga nito? Kailan mo patitigilin ang mga tauhan mo sa paghabol sa aming mga kadugo nʼyo?”
27 Joab said, "As surely as our Father lives, if you had not spoken, the people would have kept pursuing their brothers until morning." Sumagot si Joab, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buháy na Diyos, na kung hindi ka nagsalita ay patuloy kayong tutugisin ng mga tauhan ko hanggang umaga.”
28 Joab blew the trumpet; all the troops stopped, no longer pursuing Israel or fighting. Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat niyang tauhan ay tumigil sa pagtugis sa mga Israelita. At tumigil ang labanan.
29 Abner and his men marched through the Arabah all that night, crossed the Jordan, went through all Bithron, and reached Mahanaim. Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Kapatagan ng Jordan. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.
30 Joab turned back from chasing Abner, gathered all the troops, and found nineteen of David's men missing, besides Asahel. Nang huminto si Joab sa paghabol kay Abner, siya at ang mga tauhan niya ay umuwi na rin. Nang tipunin ni Joab ang mga tauhan niya, nalaman niyang bukod kay Asahel, labinsiyam ang napatay sa kanila.
31 But David's servants struck down 360 of the men of Benjamin who were with Abner. Pero 360 ang napatay nila sa mga tauhan ni Abner, at ang lahat ng iyon ay mula sa lahi ni Benjamin.
32 They carried Asahel, buried him in his father's tomb in Bethlehem; Joab and his men walked all night, reaching Hebron by dawn. Kinuha nina Joab ang bangkay ni Asahel at inilibing sa libingan ng kanyang ama sa Bethlehem. Pagkatapos, buong gabi silang naglakad, at kinaumagahan, nakarating sila sa Hebron.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]