Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Samuel 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After the death of Saul, David returned from defeating the Amalekites and stayed in Ziklag two days. Samantala, bumalik sina David sa Ziklag pagkatapos ng matagumpay nilang pakikipaglaban sa mga Amalekita at nanatili muna sila nang dalawang araw doon. Patay na noon si Saul.
2 On the third day a man came from Saul's camp, clothes torn, dirt on his head. Reaching David, he fell to the ground and bowed. Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang.
3 David asked him, "Where have you come from?" "I escaped from the camp of Israel," he replied. Tinanong siya ni David, “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya, “Tumakas po ako mula sa kampo ng mga Israelita.”
4 "What happened?" David asked. "Tell me." He said, "The people fled the battle. Many fell and died. Saul and his son Jonathan are dead too." Nagtanong si David, “Bakit, anoʼng nangyari? Sabihin mo sa akin.” “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan,” sagot niya.
5 David asked the young man who brought the news, "How do you know Saul and his son Jonathan are dead?" Tinanong siyang muli ni David, “Paano mo nalamang patay na sina Saul at Jonatan?”
6 The young man said, "I happened onto Mount Gilboa, and there was Saul, leaning on his spear, the chariots and horsemen bearing down on him. “Nagkataon pong nandoon ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo.
7 He turned around, saw me, and called to me. I said, 'Here I am.' “Nang lumingon siyaʼy nakita niya ako at tinawag. Kaya sinabi ko, ‘Ano po ang maipaglilingkod ko?’
8 He asked me, 'Who are you?' I told him, 'I am an Amalekite.' “Tinanong niya kung sino ako at sinabi ko na isa akong Amalekita.
9 He said to me, 'Stand over me and kill me; anguish has seized me, but I'm still alive.' “Pagkatapos, sinabi niya sa akin, ‘Lumapit ka rito at patayin mo ako, tapusin mo na ang paghihirap ko. Gusto ko nang mamatay dahil hirap na ako sa kalagayan ko.’
10 So I stood over him and killed him, since I knew he wouldn't survive his fall. Then I took the crown from his head and the band on his arm, and brought them here to my lord." “Kaya nilapitan ko siya at pinatay dahil alam kong hindi na rin siya mabubuhay sa grabeng sugat na natamo niya. Pagkatapos, kinuha ko po ang korona sa ulo niya at pulseras sa kamay niya, at dinala ko po rito sa inyo.”
11 Then David grabbed his own clothes and tore them, and so did all the men with him. Nang marinig ito ni David at ng mga tauhan niya, pinunit nila ang kanilang mga damit.
12 They mourned, wept, and fasted until evening for Saul, his son Jonathan, our Father's people, and the house of Israel, because they had fallen by the sword. Umiyak at nag-ayuno sila hanggang gabi para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, at para sa mga mamamayan ng Panginoon, ang bayan ng Israel, dahil marami ang namatay sa digmaan.
13 David asked the young man who brought the news, "Where are you from?" He said, "I'm the son of a foreigner, an Amalekite." Tinanong pa ni David ang binatang nagbalita sa kanya, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Isa po akong dayuhang Amalekita na nakatira sa lupain ninyo.”
14 David said, "How were you not afraid to raise your hand to kill our Father's anointed?" Nagtanong si David, “Bakit hindi ka man lang natakot na patayin ang piniling hari ng Panginoon?”
15 David called one of his young men and said, "Go, strike him down." He struck him, and he died. Pagkatapos, tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at inutusan, “Patayin mo ang taong ito!” Pinatay nga ng tauhan niya ang tao.
16 David had said to him, "Your blood is on your own head, for your own mouth testified against you when you said, 'I killed our Father's anointed.'" Sinabi ni David, “Ikaw ang dapat sisihin sa kamatayan mo. Ikaw na mismo ang tumestigo laban sa sarili mo nang sabihin mong pinatay mo ang piniling hari ng Panginoon.”
17 Then David sang this lament over Saul and his son Jonathan, Gumawa si David ng isang awit para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan,
18 and ordered the people of Judah taught this lament, called The Bow; it is written in the Book of Jashar: at iniutos niyang ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Tinawag itong “Awit Tungkol sa Pana” at nakasulat ito sa Aklat ni Jashar. Ito ang panaghoy niya:
19 "Your glory, Israel, lies slain on your heights. How the mighty have fallen! “O Israel, ang mga dakilang mandirigma moʼy namatay sa kabundukan mismo ng Israel. Napatay din ang mga magigiting mong sundalo.
20 Don't tell it in Gath, don't proclaim it in the streets of Ashkelon, or the daughters of the Philistines will rejoice, the daughters of the uncircumcised will exult. Huwag itong ipaalam sa Gat, o sa mga lansangan ng Ashkelon, baka ikagalak ito ng mga babaeng Filisteo na hindi nakakakilala sa Diyos.
21 Mountains of Gilboa, may you have no dew or rain, no fields yielding offerings. For there the shield of the mighty was defiled, the shield of Saul, no longer rubbed with oil. O Bundok ng Gilboa, wala sanang ulan o hamog na dumating sa iyo. Wala sanang tumubong pananim sa iyong bukirin upang ihandog sa Diyos. Sapagkat diyan nadungisan ng mga kaaway ang kalasag ng magiting na si Haring Saul. At wala nang magpapahid dito ng langis upang itoʼy linisin at pakintabin.
22 From the blood of the slain, from the flesh of the mighty, the bow of Jonathan did not turn back, the sword of Saul did not return unsatisfied. Sa pamamagitan ng espada ni Saul at pana ni Jonatan, maraming magigiting na kalaban ang kanilang napatay.
23 Saul and Jonathan, beloved and cherished in life, in death they were not parted. They were swifter than eagles, stronger than lions. Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan. Magkasama sila sa buhay at kamatayan. Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.
24 Daughters of Israel, weep for Saul, who clothed you in scarlet and finery, who adorned your garments with ornaments of gold. Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul. Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.
25 How the mighty have fallen in the thick of battle! Jonathan lies slain on your heights. Ang magigiting na sundalo ng Israel ay napatay sa labanan. Pinatay din si Jonatan sa inyong kabundukan.
26 I grieve for you, my brother Jonathan; you were very dear to me. Your love for me was wonderful, surpassing the love of women. Nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko! Mahal na mahal kita; ang pagmamahal mo sa akin ay higit pa sa pagmamahal ng mga babae.
27 How the mighty have fallen! The weapons of war have perished." Nangabuwal ang magigiting na sundalo ng Israel. Ang kanilang mga sandataʼy nangawala.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]