Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Samuel 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The war between Saul's house and the house of David dragged on a long time. David grew steadily stronger, while Saul's house grew weaker and weaker. Iyon ang simula ng mahabang labanan sa pagitan ng mga matatapat na tauhan ni Saul at ni David. Lumakas nang lumakas ang grupo ni David. Pero ang kay Saul naman ay humina nang humina.
2 Sons were born to David in Hebron. His firstborn was Amnon, whose mother was Ahinoam of Jezreel; Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel.
3 his second, Chileab, by Abigail, Nabal of Carmel's widow; the third, Absalom, son of Maacah, daughter of Talmai king of Geshur; Si Kileab ang pangalawa, anak niya kay Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur.
4 the fourth, Adonijah son of Haggith; the fifth, Shephatiah son of Abital; Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit. Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital.
5 and the sixth, Ithream, by David's wife Eglah. These were David's sons born in Hebron. Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla. Sila ang mga anak ni David na isinilang sa Hebron.
6 During the war between the house of Saul and the house of David, Abner kept strengthening his position in Saul's house. Habang patuloy ang labanan sa pagitan ng mga tauhan ni Saul at ni David, naging makapangyarihang pinuno si Abner sa mga tauhan ni Saul.
7 Saul had a concubine named Rizpah, daughter of Aiah. Ish-bosheth said to Abner, "Why did you sleep with my father's concubine?" Isang araw, inakusahan ni Isboset si Abner, “Bakit mo sinipingan ang isa sa mga asawa ng ama kong si Saul?” Ang tinutukoy ni Isboset ay si Rizpa na anak ni Aya.
8 Abner, very angry at Ish-bosheth's words, said, "Am I a dog's head loyal to Judah? Today I keep showing loyalty to your father Saul's house, his brothers and friends, and haven't handed you to David. Yet now you charge me over this woman! Nagalit si Abner sa sinabi ni Isboset, kaya sumagot siya, “Iniisip mo bang pinagtaksilan ko ang iyong ama, at kumakampi ako sa Juda? Mula pa noon, matapat na ako sa iyong ama, sa pamilya niya at mga kaibigan, at hindi kita ibinigay kay David. Pero ngayon, inaakusahan mo akong nagkasala dahil sa isang babae!
9 May our Father do the same to Abner, and more, if I do not do for David what our Father swore to him, Kung ganyan din lang, mabuti pang tulungan ko na lang si David na matupad ang ipinangako ng Panginoon sa kanya, at parusahan sana ako nang matindi ng Diyos kapag hindi ko siya tinulungan.
10 to transfer the kingdom from Saul's house and set up David's throne over Israel and over Judah, from Dan to Beersheba." Ipinangako ng Panginoon na hindi na niya paghahariin ang sinumang kalahi ni Saul kundi si David ang paghahariin niya sa Israel at Juda, mula Dan hanggang sa Beer-seba.”
11 And Ish-bosheth could not say another word to Abner, because he was afraid of him. Hindi na nangahas pang magsalita si Isboset dahil natatakot siya kay Abner.
12 Abner sent messengers to David on his behalf: "Whose is the land? Make your covenant with me, and my hand will be with you to bring all Israel over to you." Pagkatapos, nagsugo si Abner ng mga mensahero kay David na sinasabi, “Kayo ang dapat na maghari sa buong lupain ng Israel. Gumawa po tayo ng kasunduan at tutulungan ko kayong masakop ang buong bayan ng Israel.”
13 David said, "Good; I'll make a covenant with you. But I require one thing: you won't see my face unless you first bring Michal, Saul's daughter, when you come." Sumagot si David, “Sige, pumapayag akong makipagkasundo sa isang kundisyon: Ibalik ninyo sa akin ang asawa kong si Mical na anak ni Saul sa pagpunta ninyo rito.”
14 David sent messengers to Ish-bosheth, Saul's son: "Give me my wife Michal, whom I betrothed to me for one hundred Philistine foreskins." Pagkatapos, nagsugo si David ng mga mensahero kay Isboset para sabihin, “Ibalik mo sa akin ang asawa kong si Mical, dahil ipinagkasundo kaming ipakasal kapalit ng isandaang buhay at balat ng pinagtulian ng mga Filisteo.”
15 So Ish-bosheth sent and took her from her husband, Paltiel son of Laish. Kaya ipinag-utos ni Isboset na bawiin si Mical sa asawa nitong si Paltiel na anak ni Lais.
16 Her husband went with her, weeping as he followed her to Bahurim. Then Abner told him, "Go back." So he returned. Umiiyak na sumunod si Paltiel kay Mical hanggang sa Bahurim. Sinabihan siya ni Abner na umuwi na, at umuwi nga ito.
17 Abner spoke with Israel's elders: "You've long wanted David as king over you. Nakipag-usap si Abner sa mga tagapamahala ng Israel. Sinabi niya, “Matagal nʼyo nang gustong maging hari si David.
18 Now act, for our Father promised David: 'By my servant David's hand I will save my people Israel from the Philistines and all their enemies.'" Ito na ang pagkakataon nʼyo, dahil nangako ang Panginoon sa lingkod niyang si David na sa pamamagitan niya, ililigtas niya ang mga mamamayan niyang Israelita sa kamay ng mga Filisteo at sa lahat ng kalaban nito.”
19 Abner also spoke to Benjamin, then went to Hebron to tell David all that Israel and the whole house of Benjamin had agreed to do. Nakipag-usap din si Abner sa lahi ni Benjamin. At pumunta siya sa Hebron para sabihin kay David na sinusuportahan ng mga mamamayan ng Israel at Benjamin ang pagiging hari niya sa kanila.
20 When Abner came to David at Hebron with twenty men, David held a feast for Abner and his men. Nang dumating si Abner sa Hebron kasama ang dalawampu sa kanyang mga tauhan, nagdaos si David ng pagdiriwang para sa kanila.
21 Abner told David, "Let me go gather all Israel to my lord the king, so they make a covenant with you and you reign over all your heart desires." So David sent Abner off, and he left in peace. Sinabi ni Abner kay David, “Mahal na Hari, payagan nʼyo po akong umalis para kumbinsihin ang lahat na mamamayan ng Israel na suportahan kayo bilang hari. Sa ganitong paraan, makikipagkasundo sila inyo na tatanggapin nila kayo bilang hari. Pagkatapos, makakapamuno na po kayo sa buong Israel, sa paraang gusto ninyo.” At hinayaan ni David si Abner na umalis ng matiwasay.
22 Just then David's servants and Joab returned from a raid with much plunder. But Abner was not with David at Hebron, for David had sent him away, and he had gone in peace. Dumating si Joab at ang ibang tauhan ni David sa Hebron mula sa pagsalakay, at marami silang dalang samsam mula sa labanan. Pero wala na roon si Abner dahil pinaalis na siya ni David ng matiwasay.
23 When Joab and all his army arrived, he was told, "Abner son of Ner came to the king, who sent him off, and he left in peace." Nang mabalitaan ni Joab na pumunta si Abner, na anak ni Ner, sa hari at pinaalis ng matiwasay,
24 So Joab went to the king: "What have you done? Abner came to you—why did you send him off, and now he's gone? pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano po ang ginawa nʼyo? Pumunta na sa inyo si Abner, bakit pinaalis pa ninyo? Ngayon, wala na siya!
25 You know Abner son of Ner came to deceive you, to learn your movements and everything you're doing." Kilala nʼyo naman si Abner na anak ni Ner, pumunta siya rito upang linlangin kayo at obserbahan ang bawat kilos ninyo.”
26 When Joab left David, he sent messengers after Abner, who brought him back from the well of Sirah. But David knew nothing. Iniwan agad ni Joab si David, at nag-utos siyang habulin si Abner. Inabutan siya ng mga mensaherong humabol sa kanya sa may balon ng Sira at dinala pabalik sa Hebron. Pero hindi ito alam ni David.
27 When Abner returned to Hebron, Joab pulled him aside inside the gate as if to speak privately, and there stabbed him in the stomach. He died—for the blood of Joab's brother Asahel. Nang naroon na si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa may pintuan ng lungsod at kunwariʼy kakausapin niya ito nang silang dalawa lang. At doon sinaksak ni Joab si Abner sa tiyan bilang paghihiganti sa pagpatay ni Abner sa kapatid niyang si Asahel. At namatay si Abner.
28 Later, when David heard, he said, "I and my kingdom are forever innocent before our Father of the blood of Abner son of Ner. Nang mabalitaan ito ni David, sinabi niya, “Alam ng Panginoon na inosente ako at ang mga tauhan ko sa pagkamatay ni Abner na anak ni Ner.
29 May it fall on Joab's head and all his father's house! May Joab's house never lack someone with a discharge or skin disease, who leans on a crutch, falls by the sword, or lacks food." Si Joab at ang pamilya niya ang may pananagutan dito. Sumpain nawa ang pamilya niya at hindi mawalan ng may sakit na tulo, malubhang sakit sa balat, pilay, mapapatay sa labanan, at namamalimos.”
30 So Joab and his brother Abishai killed Abner for killing their brother Asahel in the battle at Gibeon. Kaya pinatay ni Joab at ng kapatid niyang si Abisai si Abner dahil pinatay nito ang kapatid nilang si Asahel sa labanan doon sa Gibeon.
31 David told Joab and all the people with him, "Tear your clothes, put on sackcloth, and mourn before Abner." King David walked behind the bier. Pagkatapos, sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit at magsuot kayo ng sako. Magluksa kayo habang naglalakad sa unahan ng bangkay ni Abner sa paglilibing sa kanya.” Nakipaglibing din si Haring David na sumusunod sa bangkay.
32 They buried Abner in Hebron, and the king wept aloud at his grave, and all the people wept. Inilibing si Abner sa Hebron, at labis ang pag-iyak ni Haring David doon sa pinaglibingan. Ganoon din ang lahat ng tao na nakipaglibing.
33 The king sang this lament for Abner: "Should Abner have died as a fool dies? Inawit ni Haring David ang awit ng pagluluksa para kay Abner: “Dapat bang mamatay si Abner tulad ng isang kriminal?
34 Your hands were not bound, your feet not set in chains. You fell as one falls before the wicked." And all the people wept over him again. Hindi nga iginapos ang mga kamay niya o ikinadena ang mga paa niya, subalit siyaʼy pinaslang, tulad ng pagpaslang ng masasamang tao.” At muling iniyakan ng mga tao si Abner.
35 Then all the people came to urge David to eat something while it was still day, but David swore: "May our Father do so to me, and worse, if I taste bread or anything else before sunset!" Nang araw na iyon, hindi kumain si David, kaya pinilit siya ng mga tao na kumain. Ngunit nanumpa si David, “Parusahan sana ako nang matindi ng Diyos kapag kumain ako ng anuman bago lumubog ang araw.”
36 All the people noticed and were pleased; everything the king did pleased all the people. Natuwa ang mga tao sa mga sinabi ng hari. Pati na rin ang lahat ng ginagawa niya ay kanilang ikinatuwa.
37 So that day all the people and all Israel knew the king had not willed the death of Abner son of Ner. Kaya nalaman ng lahat ng mamamayan ng Israel na walang kinalaman si Haring David sa pagkamatay ni Abner.
38 The king told his servants, "Don't you know a prince and a great man has fallen today in Israel? Pagkatapos, sinabi ng hari sa mga tauhan niya, “Hindi nʼyo ba naiisip na napatay ang isang makapangyarihang pinuno ng Israel sa araw na ito?
39 Today, though the anointed king, I am weak, and these men, Zeruiah's sons, are too hard for me. May our Father repay the one who does evil for his evil." At kahit ako ang piniling hari ngayon, hindi ko kaya sina Joab at Abisai na mga anak ni Zeruias. Mas malakas sila sa akin. Kaya ang Panginoon na lang ang maghihiganti sa masasamang taong ito dahil sa kasamaang ginawa nila.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]