Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 35 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Josiah kept Passover to our Father in Jerusalem; they slaughtered the Passover lamb on the fourteenth day of the first month. Nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, nagdiwang si Haring Josias ng Pista ng Paglampas ng Anghel sa Jerusalem bilang pagpaparangal sa Panginoon. Nagkatay sila ng tupa para sa pistang ito.
2 He assigned priests their duties and encouraged them in service of our Father's house. Binigyan ni Josias ang mga pari ng kanilang tungkulin sa Templo ng Panginoon, at pinatatag niya sila sa kanilang paglilingkod.
3 He told the Levites who taught all Israel and were holy to our Father: "Put the holy ark in the house Solomon son of David, king of Israel, built. You need no longer carry it on your shoulders. Now serve your Father and his people Israel. Binigyan din niya ng mga tungkulin ang mga Levita na tagapagturo sa Israel, na itinalaga sa paglilingkod sa Panginoon. Sinabi niya sa kanila, “Nailagay na ang banal na kahon sa Templo na ipinatayo ni Solomon na anak ni David, at hindi nʼyo na kailangang dalhin ito palagi. Kaya gamitin nʼyo ang inyong panahon sa paglilingkod sa Panginoon na inyong Diyos at sa mga mamamayan niyang Israelita.
4 Prepare yourselves by your fathers' houses, by your divisions, by David king of Israel's written instructions, and his son Solomon's instructions. Gawin nʼyo ang mga tungkulin ninyo sa Templo ayon sa grupo ng inyong mga pamilya. Sundin nʼyo ang nakasulat na mga tuntunin ni Haring David ng Israel, at ng anak niyang si Solomon.
5 Stand in the holy place by family groups of your lay brothers, one Levite division per group. “Pumwesto kayo sa Templo ayon sa inyong grupo, at tumulong sa mga pamilya na naghahandog, na ipinagkatiwala sa inyo.
6 Slaughter the Passover lamb, dedicate yourselves, and prepare for your brothers, following the word of our Father through Moses." Maglinis kayo at maghanda ng inyong sarili sa paglilingkod sa inyong mga kababayan. Pagkatapos, katayin nʼyo ang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Sundin nʼyo ang mga utos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises.”
7 Josiah gave the lay people 30,000 lambs and young goats, 3,000 bulls, for Passover offerings—for everyone present, from his own possessions. Personal na nagbigay si Josias ng tatlumpung libong tupa at kambing at tatlong libong baka para sa handog ng mga tao sa panahon ng Pista ng Paglampas ng Anghel.
8 His officials also gave willingly to the people, priests, and Levites. Hilkiah, Zechariah, and Jehiel, chief officers of our Father's house, gave the priests 2,600 Passover offerings and 300 bulls. Kusa ding nagbigay ang mga opisyal ni Josias sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Ang mga tagapamahala ng Templo ng Diyos na sina Hilkias, Zacarias, at Jehiel ay nagbigay sa kapwa nila pari ng 2,600 tupa at kambing, at tatlong daang baka bilang handog sa pista.
9 Conaniah, with his brothers Shemaiah and Nethanel, and Hashabiah, Jeiel, and Jozabad, Levite leaders, gave the Levites 5,000 Passover offerings and 500 bulls. Ang mga pinuno ng mga Levita na si Conanias, ang kanyang mga kapatid na sina Semaias at Natanael, si Hashabias, Jeiel, at Jozabad ay nagbigay sa kapwa nila Levita ng limang libong tupa at kambing, at limandaang baka bilang handog sa pista.
10 The service was set; priests stood at their posts, Levites by their divisions, as the king commanded. Nang handa na ang lahat para sa pista, pumuwesto ang mga pari at mga Levita sa Templo, ayon sa gawain ng kani-kanilang grupo, dahil sa utos ng hari.
11 They slaughtered the Passover lambs; priests sprinkled the blood passed to them, and Levites skinned them. Kinatay ng mga Levita ang mga tupaʼt kambing, at ibinigay ang dugo sa mga pari. Iwinisik ito ng mga pari sa altar habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop.
12 They set aside the burnt offerings, distributing them by family division among the common people, to offer to our Father as written in the book of Moses; likewise with the bulls. Pagkatapos, ipinamahagi nila sa mga tao, ayon sa grupo ng kanilang mga pamilya, ang mga handog na sinusunog upang ihandog sa Panginoon, ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga baka.
13 They roasted the Passover lamb in fire as required, boiled the holy offerings in pots, kettles, and pans, and quickly brought them to all the common people. At nilitson nila ang mga hayop na pampista, ayon sa nakasulat sa kautusan, at inilaga ang banal na mga handog sa mga palayok, mga kaldero, at mga kawali, at ipinamahagi agad nila sa mga tao.
14 Afterward they prepared for themselves and the priests, since the priests, Aaron's sons, were busy offering burnt offerings and fat portions until night; so the Levites prepared for themselves and the priests, Aaron's sons. Pagkatapos nito, naghanda ang mga Levita ng pagkain para sa kanilang sarili at sa mga pari, dahil ang mga paring mula sa angkan ni Aaron ay abala sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog at ng mga taba ng hayop hanggang magtakip-silim.
15 The singers, Asaph's sons, stood at their posts as David, Asaph, Heman, and Jeduthun the king's seer had commanded. The gatekeepers stayed at each gate; they had no need to leave their duty, for their fellow Levites prepared for them. Ang mga musikero na mula sa angkan ni Asaf ay naroon sa kanilang puwesto, ayon sa tuntunin na ibinigay nina David, Asaf, Heman at Jedutun na propeta ng hari. Ang mga tagapagbantay ng bawat pintuan ay hindi na umalis sa kinalalagyan nila dahil ang kapwa nila Levita ang siyang naghanda ng kanilang pagkain.
16 So all the service of our Father was arranged that day: to keep Passover and offer burnt offerings on the altar of our Father, by King Josiah's command. Nang araw ding iyon, natapos ang buong seremonya para sa Pista ng Paglampas ng Anghel na ipinagdiwang para sa Panginoon, pati ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog na iniutos ni Haring Josias.
17 The Israelites present kept Passover then, and the Feast of Unleavened Bread seven days. Ipinagdiwang ng mga Israelitang dumalo sa pistang ito at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa loob ng pitong araw.
18 No Passover like it had been kept in Israel since Samuel the prophet's days; none of Israel's kings kept a Passover like Josiah's, with the priests, Levites, all Judah and Israel present, and Jerusalem's residents. Mula nang panahon ni Samuel, hindi naipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel na tulad nito. Hindi nakapagdiwang ang mga nakalipas na mga hari gaya ng pagdiriwang ni Haring Josias at ng mga pari, mga Levita, mga mamamayan ng Jerusalem, at ng mga mamamayan ng Juda at Israel.
19 This Passover was kept in the eighteenth year of Josiah's reign. Ipinagdiwang ang pista noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias.
20 After all this, once Josiah had prepared the temple, Egypt's king Neco marched up to fight at Carchemish on the Euphrates, and Josiah went out to meet him. Pagkatapos ng mga ginawa ni Josias para sa Templo, pinangunahan ni Haring Neco ng Ehipto ang kanyang mga sundalo sa pakikipaglaban doon sa Carquemis sa may Ilog Eufrates. Pumunta roon si Josias at ang kanyang mga sundalo upang makipaglaban kay Neco.
21 But Neco sent messengers to him, saying, "What do we have to do with each other, king of Judah? I'm not coming against you today, but against the house I'm at war with. God told me to hurry—stop opposing God, who is with me, or he'll destroy you." Ngunit nagsugo si Neco ng mga mensahero kay Josias at sinabi, “Ano ang pakialam natin sa isaʼt isa, Haring Josias? Hindi ikaw ang nilulusob ko kundi ang bansang nakikipaglaban sa akin. At sinabi ng Diyos sa akin na bilisan ko ang paglusob. Kasama ko ang Diyos, kaya huwag mo akong kalabanin, dahil baka wasakin ka niya.”
22 Josiah did not turn away from him, but disguised himself to fight him. He ignored Neco's words from the mouth of our Father, and went to fight in the plain of Megiddo. Ngunit hindi nagbago ng isip si Josias. Ipinasya niyang lumaban. Hindi siya naniwala sa sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Neco. Sa halip, nagbalat-kayo siya at umalis upang labanan si Neco sa kapatagan ng Megido.
23 Archers shot King Josiah; he told his servants, "Get me out—I'm badly wounded." Pinana si Josias ng mga kalaban at nasugatan siya. Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Ilayo nʼyo ako rito, dahil malubha ang sugat ko.”
24 His servants moved him from the chariot to his second chariot and brought him to Jerusalem, where he died and was buried in his fathers' tombs. All Judah and Jerusalem mourned Josiah. Kaya kinuha nila siya at inilipat sa isa pa niyang karwahe at dinala sa Jerusalem. Namatay siya roon at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya. Nagluksa para sa kanya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem.
25 Jeremiah composed laments for Josiah, and to this day all the singers, men and women, sing laments for Josiah. This became a custom in Israel, and it is written in the Laments. Gumawa si Jeremias ng mga awit ng pagluluksa para kay Josias, at hanggang ngayon inaawit ito ng mga mang-aawit sa pag-alaala sa kanya. Ang mga awit ng pagluluksa ay palaging inaawit sa Israel, at nakasulat sa Aklat ng mga Pagluluksa.
26 The rest of Josiah's acts, and his faithful deeds in keeping with what is written in our Father's law. Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Josias at ang tungkol sa pagmamahal niya sa Panginoon na ipinakita niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ng Panginoon
27 His acts, first to last, are written in the Book of the Kings of Israel and Judah. mula sa simula hanggang sa wakas ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]