Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 34 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Josiah was eight years old when he became king, and he reigned thirty-one years in Jerusalem. Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt isang taon.
2 He did what was right in our Father's eyes and walked in the ways of David his father, not turning right or left. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At hindi siya tumigil sa paggawa ng tama.
3 In the eighth year of his reign, while still a boy, he began to seek our Father, the God of David his father. In the twelfth year he began to purge Judah and Jerusalem of the high places, Asherah poles, carved images, and cast metal images. Nang ikawalong taon ng paghahari niya, habang bata pa siya, nagsimula siyang dumulog sa Diyos ng kanyang ninunong si David. At noong labindalawang taon ng paghahari niya, nilinis niya ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapagiba ng mga sambahan sa matataas na lugar, ng mga posteng imahen ni Ashera, ng mga diyos-diyosan at mga imahen.
4 In his presence they tore down the Baals' altars; he cut down the incense altars above them, shattered the Asherah poles, carved images, and cast images, ground them to dust, and scattered it over the graves of those who had sacrificed to them. Ipinagiba rin niya ang mga altar para kay Baal at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso sa tabi nito. Ipinadurog niya ang mga posteng imahen ni Ashera, ang mga diyos-diyosan at ang mga larawan, at isinabog sa libingan ng mga taong naghandog sa mga ito.
5 He burned the bones of the priests on their altars, and so he purged Judah and Jerusalem. Ipinasunog din niya ang mga buto ng mga pari sa kanilang mga altar na pinaghahandugan ng mga ito. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at Jerusalem.
6 In the cities of Manasseh, Ephraim, and Simeon, as far as Naphtali, in their ruins all around. Ganito rin ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases, Efraim, Simeon, at hanggang sa Neftali, pati sa gibang mga bayan sa paligid nito.
7 He tore down the altars, crushed the Asherah poles and carved images to powder, and cut down all the incense altars throughout Israel. Then he returned to Jerusalem. Ipinagiba niya ang mga altar at ang mga posteng imahen ni Ashera, at ipinadurog ang mga diyos-diyosan at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Pagkatapos niyang gawin ito sa buong Israel, umuwi siya sa Jerusalem.
8 In the eighteenth year of his reign, having cleansed the land and the house, he sent Shaphan son of Azaliah, Maaseiah the city governor, and Joah son of Joahaz the recorder to repair the house of our Father. Sa ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, matapos niyang ipalinis ang lupain at ang Templo, nagpasya siyang ipaayos ang Templo ng Panginoon na kanyang Diyos. Ipinagkatiwala niyang ipagawa ito sa kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias, sa gobernador ng Juda na si Maasias, at sa tagapamahala ng mga kasulatan ng kaharian na si Joa, na anak ni Joahaz.
9 They came to Hilkiah the high priest and handed over the money brought into the house of our Father, which the Levites who guarded the gates had collected from Manasseh, Ephraim, and all the remnant of Israel, from all Judah and Benjamin, and the residents of Jerusalem. Pumunta sila kay Hilkias na punong pari upang ibigay ang pera na dinala ng mga tao sa Templo ng Diyos. Ang pera ay kinolekta ng mga Levita na tagapagbantay ng Templo mula sa mga mamamayan ng Manases, Efraim, at sa natitirang mga mamamayan ng Israel, at sa mga mamamayan ng Juda at Benjamin, pati na sa Jerusalem.
10 They gave it to the workers overseeing the house of our Father, and the workers in the house of our Father used it to repair and restore it. Pagkatapos, ibinigay ang pera sa mga tao na pinagkatiwalaang mamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon, at ginamit nila ito sa pag-upa ng mga manggagawa.
11 They paid the carpenters and builders to buy cut stone, and timber for the joists and beams of the buildings the kings of Judah had let fall to ruin. Ang ibang pera ay ibinigay nila sa mga manggagawa upang ibili ng mga batong tabas na at ng mga kahoy para sa biga ng Templo na pinabayaang magiba ng mga hari ng Juda.
12 The men worked faithfully. Over them, directing the work, were Jahath and Obadiah, Levites of Merari's sons, and Zechariah and Meshullam of the Kohathites; and the Levites, all skilled musicians, Naging matapat ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Pinamahalaan sila ng mga Levitang sina Jahat at Obadias, na mula sa angkan ni Merari, at Zacarias at Mesulam, na mula sa angkan ni Kohat. Ang mga Levitang mahuhusay magsitugtog ng mga instrumento
13 were over the laborers, directing all the workers task by task. Some Levites were scribes, officials, and gatekeepers. ang namahala sa mga tagabuhat at manggagawang may ibaʼt ibang trabaho. Ang iba sa kanilaʼy mga kalihim, mga dalubhasa sa pagsulat ng mga dokumento, at mga tagapagbantay ng Templo.
14 As they brought out the money brought into the house of our Father, Hilkiah the priest found the Book of the Law of our Father, given through Moses. Habang kinukuha ang pera na kinolekta sa Templo ng Panginoon, nakita ni Hilkias na pari ang Aklat ng Kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
15 Hilkiah told Shaphan the scribe, "I've found the Book of the Law in our Father's house," and gave it to Shaphan. Ibinalita niya kay Safan, na kalihim ng hari, na nakita niya ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay Safan.
16 Shaphan brought the king the book and reported, "Your servants are doing everything put in their care. Dinala naman ito ni Safan sa hari at sinabi agad sa kanya, “Ginawa na po namin ang lahat ng ipinagawa nʼyo sa amin.
17 They emptied out the money found in the house of our Father and handed it to the overseers and workmen." Kinuha po namin ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga tagapamahala at manggagawa.”
18 Shaphan the scribe told the king, "Hilkiah the priest gave me a book," and read it to the king. Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay po sa aking aklat si Hilkias na pari.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.
19 When the king heard the words of the Law, he tore his clothes. Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit sa hinagpis.
20 The king commanded Hilkiah, Ahikam son of Shaphan, Abdon son of Micah, Shaphan the scribe, and Asaiah the king's servant: Nag-utos agad siya kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, Safan na kalihim, at Asaias na kanyang personal na lingkod. Sinabi niya,
21 "Go, ask our Father for me and those left in Israel and Judah about the words of the book that was found. Great is his anger poured out on us, because our ancestors did not keep our Father's word, doing all written in this book." “Magtanong kayo sa Panginoon para sa akin at para sa mga naiwang mamamayan ng Israel at Juda tungkol sa nakasulat sa natagpuang aklat. Matindi ang galit ng Panginoon sa atin dahil hindi natupad ang mga nakasulat sa aklat.”
22 So Hilkiah and the king's men went to Huldah, the woman prophet, wife of Shallum son of Tokhath, son of Hasrah, keeper of the wardrobe. She lived in Jerusalem's Second Quarter. They spoke with her about this. Kaya pumunta si Hilkias at ang mga kasama niya sa isang propetang babae na si Hulda, na nakatira sa bagong bahagi ng Jerusalem. Si Hulda ay asawa ni Salum na anak ni Tokat at apo ni Hasra. Si Salum ang nagbabantay ng mga damit sa Templo.
23 She told them, "This is what our Father, the God of Israel, says: Tell the man who sent you to me: Sinabi ni Hulda sa kanila, “Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel! Sabihin nʼyo sa lalaking nagpadala sa inyo sa akin,
24 This is what our Father says: I am about to bring disaster on this place and its residents—all the curses written in the book read to the king of Judah. ‘ito ang sinabi ng Panginoon: Lilipulin ko ang lugar na ito at ang mga mamamayan nito, lahat ng mga sumpang nakasulat sa aklat na binasa sa harapan ng hari ng Juda ay mangyayari.
25 Because they abandoned me and made offerings to other gods, provoking me to anger with all they have made, my wrath will pour out on this place and not be put out. Ipapakita ko ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito titigil, dahil itinaboy ako ng aking mga mamamayan at sumamba sila sa ibang mga diyos. Ginalit nila ako sa kanilang mga ginawa.’
26 But tell the king of Judah, who sent you to inquire of me: This is what our Father, the God of Israel, says about the words you heard: “Ngunit sabihin ninyo sa hari ng Juda na nagpadala sa inyo upang magtanong sa Panginoon, na hindi siya dapat mabahala sa mensaheng ito, dahil ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel:
27 Because your heart was tender and you humbled yourself before our Father when you heard his words against this place and its residents, and humbled yourself before me, tore your clothes, and wept before me, I myself have heard you, declares our Father. Pinakinggan ko ang panalangin mo dahil nagsisi ka at nagpakumbaba sa harapan ko nang marinig mo ang sinabi ko laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito. Pinunit mo pa ang iyong damit at umiyak sa harapan ko dahil sa pagsisisi. Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing
28 I will gather you to your ancestors, laid in your grave in peace. Your eyes won't see any of the disaster I'm bringing on this place and its people." So they brought the king this reply. habang buháy ka pa, hindi darating ang paglipol na ipapadala ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito. Mamamatay ka nang mapayapa.” At sinabi nila sa hari ang isinagot ni Hulda.
29 Then the king summoned all the elders of Judah and Jerusalem. Pagkatapos, ipinatawag ng hari ang lahat ng tagapamahala ng Juda at Jerusalem.
30 The king went up to the house of our Father with all Judah's men, Jerusalem's residents, the priests, the Levites, and all the people, great and small. He read them all the words of the Book of the Covenant found in the house of our Father. Pumunta siya sa Templo ng Panginoon kasama ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa. Sumama rin ang mga pari at mga Levita. Binasa sa kanila ni Josias ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan na nakita sa Templo ng Panginoon.
31 The king stood in his place and made a covenant before our Father—to follow our Father, keep his commandments, testimonies, and statutes with all his heart and all his soul, and carry out the covenant's words written in this book. Pagkatapos, tumayo si Josias sa tabi ng haligi na madalas tayuan ng hari. At gumawa siya ng kasunduan sa presensya ng Panginoon na susunod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad ng kanyang mga utos, katuruan, at tuntunin nang buong pusoʼt kaluluwa. Nangako siyang tutuparin niya ang mga ipinapatupad ng kasunduan na nakasulat sa aklat.
32 He made everyone present in Jerusalem and Benjamin pledge to it, and the people of Jerusalem acted by the covenant of our Father, the God of their fathers. At sinabi rin niya sa mga mamamayan ng Jerusalem at Benjamin na mangako sila na tutuparin nila ang kasunduan ng Diyos. Kaya sinunod nila ang kautusan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
33 Josiah removed all detestable things from the territory of the people of Israel, and made everyone in Israel serve our Father, their God. As long as he lived, they did not turn from following our Father. Pagkatapos, ipinaalis ni Josias ang lahat ng kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong lupain ng Israel, at pinaglingkod ang mga tao sa Panginoon na kanilang Diyos. Habang buhay siya, sinunod nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]