Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 33 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Manasseh was twelve years old when he became king, and he reigned fifty-five years in Jerusalem. Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt limang taon.
2 He did evil in our Father's sight, like the detestable things of the nations our Father drove out before the Israelites. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.
3 He rebuilt the high places his father Hezekiah had torn down, built altars to the Baals, made Asherah poles, and he bowed down to all the forces of heaven and worshiped them. Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ng mga altar para kay Baal at nagpagawa ng mga posteng imahen ni Ashera. Sumamba siya sa lahat ng bagay sa langit.
4 He built altars in our Father's house, where our Father said, "In Jerusalem my name remains forever." Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, na ayon sa Panginoon ay ang lugar na kung saan pararangalan siya magpakailanman.
5 He built altars to all heaven's forces in both courts of the house of our Father. Inilagay niya ang mga altar sa dalawang bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.
6 In the Valley of Ben-Hinnom he sacrificed his sons in the fire, practiced fortune-telling, omens, and witchcraft, and consulted mediums and spiritists. He did great evil before our Father, provoking his anger. Inihandog niya sa pamamagitan ng apoy ang kanyang mga anak, sa Lambak ng Ben-hinom. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga manghuhula at mangkukulam, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay. Napakasama ng ginawa niya at nakapagpagalit ito sa Panginoon.
7 He set the carved image he made in the house of our Father, of which our Father said to David and his son Solomon, "In this house and in Jerusalem, which I chose from all the tribes of Israel, I will put my name forever. Inilagay niya sa Templo ang imahen na kanyang ipinagawa, kung saan sinabi ng Diyos kay David at sa anak niyang si Solomon, “Pararangalan ako magpakailanman sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na aking pinili mula sa lahat ng lugar ng mga lahi ng Israel.
8 I will never again remove Israel from the land I gave your ancestors, if only they carefully keep all I commanded them—the whole law, decrees, and rules through Moses." Kung tutuparin lang ng mga mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan at tuntunin ko na ibinigay sa kanila ni Moises, hindi ko papayagang paalisin sila rito sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.”
9 But Manasseh led Judah and Jerusalem's people astray, doing more evil than the nations our Father destroyed before Israel. Ngunit hinikayat ni Manases ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa paggawa ng masama, at ang ginawa nila ay mas malala pa sa ginawa ng mga bansang ipinalipol ng Panginoon sa harap ng mga Israelita.
10 Our Father spoke to Manasseh and his people, but they would not listen. Kahit binalaan ng Panginoon si Manases at ang kanyang mga mamamayan, hindi pa rin sila nakinig sa kanya.
11 So our Father brought the army commanders of Assyria's king against them; they captured Manasseh with hooks, bound him in bronze shackles, and took him to Babylon. Kaya ipinalusob sila ng Panginoon sa mga kumander ng mga sundalo ng hari ng Asiria. Binihag nila si Manases, nilagyan ng kawit ang kanyang ilong, kinadenahan, at dinala sa Babilonia.
12 Distressed, he sought our Father's favor, humbling himself deeply before the God of his fathers. Sa kanyang paghihirap, nagpakumbaba siya at nagmakaawa sa Panginoon na kanyang Diyos, na Diyos din ng kanyang mga ninuno.
13 He prayed to him, and our Father, moved by his plea, heard his cry for mercy, brought him back to Jerusalem, to his kingdom. Then Manasseh knew that our Father is God. At nang nanalangin siya, pinakinggan siya ng Panginoon. Naawa ang Panginoon sa kanyang mga pagmamakaawa. Kaya pinabalik siya ng Panginoon sa Jerusalem at sa kaharian niya. At napagtanto ni Manases na ang Panginoon ang Diyos.
14 Afterward he rebuilt the City of David's outer wall, west of Gihon in the valley to the Fish Gate entrance, around the Ophel, raising it very high. He posted army commanders in all Judah's fortified cities. Simula noon, ipinaayos ni Manases ang panlabas na pader ng Lungsod ni David mula sa kanluran ng Gihon, sa may lambak hanggang sa pintuang tinatawag na Isda, paliko sa burol ng Ofel. Pinataasan din niya ito. Pagkatapos, naglagay siya ng mga pinuno sa lahat ng napapaderang lungsod ng Juda.
15 He removed the foreign gods and idol from our Father's house, with all the altars he'd built on the temple mount and in Jerusalem, and threw them out of the city. Ipinaalis niya ang mga diyos-diyosan ng taga-ibang bansa at ang imahen sa Templo ng Panginoon. Ipinaalis din niya ang mga altar na ipinatayo niya sa burol na kinatatayuan ng Templo at ang mga altar sa ibang bahagi ng Jerusalem, at ipinatapon niya ito sa labas ng lungsod.
16 He rebuilt our Father's altar, sacrificed peace and thank offerings on it, and commanded Judah to serve our Father, the God of Israel. Pagkatapos, ipinaayos niya ang altar ng Panginoon, at pinag-alayan ng mga handog pangkapayapaan at mga handog ng pasasalamat. Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
17 The people, however, still sacrificed at the high places, but only to our Father, their God. Ganoon pa man, naghahandog pa rin ang mga tao sa mga sambahan sa matataas na lugar, pero ang Panginoon lang na kanilang Diyos ang hinahandugan nila.
18 Manasseh's other acts, his prayer to our Father, and the seers' words to him in the name of our Father, the God of Israel, are in the records of Israel's kings. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, pati ang pananalangin niya sa Diyos at ang mga sinabi ng mga propeta sa kanya sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
19 His prayer, how our Father was moved by him, all his sin and unfaithfulness, and the places where he built high places, set up Asherah poles, and carved images before he humbled himself—all recorded in the seers' records. Ang panalangin niya at ang sagot ng Panginoon sa kanya, pati ang lahat niyang kasalanan at pagsuway sa Panginoon ay nakasulat sa aklat ng mga Propeta. Nakatala rin dito ang mga lugar na pinatayuan niya ng mga sambahan, mga posteng imahen ni Ashera at ng iba pang mga diyos-diyosan, bago pa siya nagpakumbaba sa Panginoon.
20 Manasseh died and was buried in his palace. And his son Amon became king in his place. Nang mamatay si Manases, inilibing siya sa palasyo niya. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.
21 Amon was twenty-two years old when he became king, and he reigned two years in Jerusalem. Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon.
22 He did evil before our Father, as his father Manasseh had. Amon sacrificed to all the carved images Manasseh made and worshiped them. Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kanyang ama. Sinamba at hinandugan niya ang mga diyos-diyosan na ipinagawa ni Manases.
23 Unlike his father Manasseh, he did not humble himself before our Father; instead Amon multiplied his guilt. Ngunit hindi tulad ng kanyang ama, hindi siya nagpakumbaba sa Panginoon. Sa halip, dinagdagan pa niya ang kanyang kasalanan.
24 Amon's servants conspired against him and killed him in his palace. Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Amon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya.
25 The people of the land killed all who conspired against King Amon and made his son Josiah king in his place. Ngunit pinatay ng mga mamamayan ng Juda ang lahat ng pumatay kay Haring Amon. At ang anak niyang si Josias ang ipinalit nila bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]