Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 32 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After these things and these acts of faithfulness, Sennacherib, Assyria's king, invaded Judah, besieged its fortified cities, meaning to break into them for himself. Matapos magampanan nang tapat ni Ezequias ang mga gawaing ito, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang Juda. Sinalakay niya ang mga napapaderang lungsod at inutusan ang mga sundalo niyang pasukin ang mga ito dahil iniisip niyang masasakop niya ito.
2 When Hezekiah saw that Sennacherib had come, intent on making war against Jerusalem, Nang makita ni Ezequias na pati ang Jerusalem ay lulusubin ni Senaquerib,
3 he consulted his officials and warriors about blocking the springs outside the city, and they helped him. kinausap niya ang kanyang mga opisyal at mga pinuno ng kanyang mga sundalo. Nagkaisa silang patigilin ang pagdaloy ng mga bukal sa labas ng lungsod.
4 Many people gathered and blocked all the springs and the stream flowing through the land, asking, "Why should Assyria's kings come and find abundant water?" Kaya nagtipon sila ng maraming tao at tinambakan nila ang mga bukal at lambak na dinadaluyan ng tubig sa lupain. Sapagkat sinabi nila, “Pagdating dito ng mga hari ng Asiria, kakapusin sila ng tubig.”
5 He worked hard to rebuild all the broken sections of the wall, raised towers on it, built another wall outside, strengthened the Millo of the city of David, and made abundant weapons and shields. Pagkatapos, pinatibay pa ni Ezequias ang kanyang mga depensa sa pamamagitan ng pagpapaayos ng mga pader at pagpapatayo ng mga tore. Pinalibutan pa niya ng isa pang pader ang lungsod, at pinatambakan ng lupa ang mababang bahagi ng Lungsod ni David. Nagpagawa rin siya ng maraming armas at mga pananggalang.
6 He set war commanders over the people, gathered them at the city gate square, and encouraged them: Nagtalaga siya ng mga pinuno sa mga tao, at ipinatipon niya sila sa plasa, malapit sa pintuan ng lungsod. Pinalakas niya ang kanilang loob, sinabi niya,
7 "Be strong and brave. Don't fear or dread Assyria's king and all his horde, for more are with us than with him. “Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa hari ng Asiria o sa marami niyang sundalo. Sapagkat higit na makapangyarihan ang sumasaatin kaysa sa kanya.
8 With him is only an arm of flesh; with us is our Father, to help us and fight our battles." The people relied on Hezekiah king of Judah's words. Mga tao lang ang kasama niya; pero tayo, kasama natin ang Panginoon na ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipaglaban para sa atin.” Kaya tumatag ang mga tao dahil sa sinabi ni Haring Ezequias ng Juda.
9 After this, while besieging Lachish with all his forces, Sennacherib king of Assyria sent his servants to Jerusalem, to Hezekiah king of Judah and all Judah there, saying: Habang nilulusob ni Haring Senaquerib at ng kanyang mga sundalo ang lungsod ng Laquis, isinugo niya ang kanyang mga opisyal sa Jerusalem para sabihin ito kay Haring Ezequias at sa mga mamamayan doon:
10 "This is what Sennacherib king of Assyria says: On what are you trusting, staying under siege in Jerusalem? “Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?
11 Isn't Hezekiah deceiving you, surrendering you to die by famine and thirst, when he says, 'The LORD our God will save us from the hand of the king of Assyria'? Sinabi ni Ezequias sa inyo na ililigtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa kamay ng hari ng Asiria, pero inililigaw lang niya kayo upang mamatay kayo sa gutom at uhaw.
12 Wasn't it Hezekiah who removed his high places and altars, telling Judah and Jerusalem to worship at one altar and burn offerings there? Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.
13 Don't you know what I and my fathers did to all peoples of other lands? Could their nations' gods rescue their lands from my hand? “ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?
14 What god of nations my fathers devoted to destruction could save his people from my hand? How then can your God save you from my hand? Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga ninuno? Makakapagligtas ba sa inyo ang inyong diyos mula sa aking mga kamay?
15 Don't let Hezekiah deceive or mislead you like this, and don't believe him: no god of any nation or kingdom could rescue his people from my hand or my fathers'—much less will your God rescue you from my hand!" Huwag kayong magpaloko kay Ezequias. Huwag kayong makinig sa kanya, dahil walang diyos sa kahit saan mang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay o sa kamay ng aking mga ninuno. At lalung-lalo na ang inyong diyos!’ ”
16 And his servants spoke still more against our Father and against his servant Hezekiah. May idinagdag pang masamang mga salita ang mga opisyal ni Senaquerib laban sa Panginoong Diyos at sa kanyang lingkod na si Ezequias.
17 Sennacherib also wrote letters insulting our Father, the God of Israel, speaking against him: "The nations' gods did not rescue their people from my hand; neither will Hezekiah's God rescue his people from my hand." Nagpadala pa si Haring Senaquerib ng mga sulat upang insultuhin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito ang sulat niya: “Ang mga diyos ng ibang mga bansa ay hindi nailigtas ang kanilang mga mamamayan mula sa aking kamay. Kaya ang diyos ni Ezequias ay hindi rin maililigtas ang kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay.”
18 They shouted loudly in Judah's language to Jerusalem's people on the wall, to frighten and terrify them, to seize the city. Sinabi ito nang malakas ng mga opisyal ni Senaquerib sa wikang Hebreo upang takutin ang mga mamamayan ng Jerusalem na nagtitipon noon sa may pader. At kapag natakot na ang mga tao, madali na nilang masasakop ang lungsod.
19 They spoke of Jerusalem's God like the gods of earth's peoples, the work of human hands. Ang mga opisyal ay nagsabi na ang Diyos ng Jerusalem ay gaya ng mga diyos ng ibang bansa na gawa lang ng tao.
20 Then King Hezekiah and the prophet Isaiah son of Amoz prayed about this, crying out to heaven. Nanalangin sina Haring Ezequias at si Propeta Isaias na anak ni Amoz sa Diyos sa langit.
21 So our Father sent an angel who killed every mighty warrior, commander, and officer in the Assyrian king's camp. Sennacherib returned home in disgrace, and when he entered his god's temple, some of his own sons killed him there with the sword. At nagpadala ang Panginoon ng anghel na lumipol sa matatapang na sundalo, mga kumander, at sa mga opisyal sa kampo ng hari ng Asiria. Kaya umuwi si Haring Senaquerib na labis na napahiya. At nang pumasok siya sa templo ng kanyang diyos, pinatay siya ng iba niyang mga anak sa pamamagitan ng espada.
22 So our Father saved Hezekiah and Jerusalem's people from the hand of Sennacherib king of Assyria and all others, and he cared for them on every side. Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.
23 Many brought gifts to our Father in Jerusalem, and treasures to Hezekiah king of Judah; afterward all nations honored Hezekiah highly. Maraming tao ang nagdala ng mga handog sa Jerusalem para sa Panginoon. Nagdala rin sila ng mga mamahaling regalo kay Haring Ezequias. Mula noon, pinarangalan si Ezequias ng lahat ng bansa.
24 In those days Hezekiah grew sick to death; he prayed to our Father, who answered, giving him a sign. Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos mamatay na. Nanalangin siya sa Panginoon, at binigyan siya ng Panginoon ng isang tanda na gagaling siya.
25 But Hezekiah didn't repay the good done him; his heart grew proud, so anger came on him and on Judah and Jerusalem. Ngunit nagyabang si Ezequias at binalewala niya ang kabutihang ipinakita ng Panginoon sa kanya. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanya at sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem.
26 Hezekiah humbled himself for his proud heart, he and Jerusalem's people, so our Father's wrath didn't reach them in Hezekiah's days. Pagkatapos, nagsisi si Ezequias sa kanyang pagmamalaki, at ganoon din ang mga mamamayan ng Jerusalem. Kaya hindi ipinadama ng Panginoon ang kanyang galit sa kanila habang nabubuhay pa si Ezequias.
27 Hezekiah had great wealth and honor. He built storerooms for silver, gold, gems, spices, shields, and other valuables, Si Ezequias ay mayaman at tanyag. Nagpagawa siya ng mga bodega para sa kanyang mga pilak, ginto, mamahaling bato, pampalasa, pananggalang at iba pang mamahaling bagay.
28 storerooms for the harvest of grain, new wine, and oil; stalls for all kinds of livestock; pens for flocks. Nagpagawa rin siya ng mga bodega para sa kanyang mga trigo, bagong alak at langis. Bukod pa rito, nagpagawa rin siya ng mga kulungan para sa kanyang mga hayop,
29 He built cities for himself and gained huge flocks and herds, for our Father gave him very great wealth. dahil napakarami niyang hayop. Nagpatayo rin siya ng mga bayan, dahil binigyan siya ng Diyos ng maraming kayamanan.
30 Hezekiah stopped Gihon's upper outlet and directed the water down the west side of David's city. He succeeded in all he did. Si Ezequias ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kanyang ginawa.
31 When Babylon's rulers sent envoys to him asking about the land's sign, our Father left him to himself, to test him and to know all in his heart. Ngunit sinubok siya ng Diyos nang dumating ang mga opisyal mula sa Babilonia na nag-usisa tungkol sa kamangha-manghang nangyari sa Juda. Ginawa ito ng Diyos upang malaman kung ano talaga ang nasa puso ni Ezequias.
32 Hezekiah's remaining acts and faithful deeds are written in the vision of Isaiah the prophet, son of Amoz, in the Book of the Kings of Judah and Israel. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ezequias at ang pag-ibig niya sa Panginoon ay nakasulat sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, na bahagi ng Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.
33 Hezekiah slept with his ancestors, buried in the upper tombs of David's sons. All Judah and Jerusalem's residents honored him at death. His son Manasseh succeeded him. Nang mamatay si Ezequias, inilibing siya sa ibabaw na bahagi ng libingan ng mga angkan ni David. Pinarangalan siya ng lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem nang mamatay siya. At ang anak niyang si Manases ang pumalit sa kanya bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]