Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 31 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When this ended, all Israel present went out to the towns of Judah, smashed the sacred pillars, cut down the Asherah poles, and tore down the high places and altars throughout Judah, Benjamin, Ephraim, and Manasseh, destroying them completely. Then all Israel returned to their towns, each to his own property. Pagkatapos ng pista, ang mga Israelita na nagsidalo roon ay nagpunta sa mga bayan ng Juda, at pinagdudurog nila ang mga alaalang bato at pinagputol-putol ang mga posteng imahen ni Ashera. Giniba nila ang mga sambahan sa matataas na lugar sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manases. Pagkatapos nilang gibain ang lahat ng ito, umuwi silang lahat sa kanilang mga bayan at lupain.
2 Hezekiah assigned the priests and Levites to their divisions, each by his service, priests and Levites alike, for burnt offerings and peace offerings, to serve, give thanks, and praise in the gates of our Father's camps. Ipinagbukod-bukod ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain upang mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan, upang magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon.
3 The king gave from his own wealth for the burnt offerings—morning and evening burnt offerings, and those for Sabbaths, new moons, and appointed feasts—as written in our Father's law. Nagbigay ang hari ng sarili niyang mga hayop para sa mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi, at upang rin sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista, ayon sa nakasulat sa Kautusan ng Panginoon.
4 He told Jerusalem's residents to give the priests' and Levites' portion, so they could devote themselves to our Father's law. Inutusan din niya ang mga tao na nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at mga Levita ang kanilang bahagi upang makapaglingkod sila nang lubusan sa Kautusan ng Panginoon.
5 As soon as the order spread, Israelites abundantly gave firstfruits of grain, new wine, oil, honey, and all the field's produce, and brought in the tenth of everything abundantly. Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas-palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong alak, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.
6 The Israelites and Judahites living in Judah's towns also brought the tenth of cattle and sheep, and the tenth of what was dedicated to our Father, piling them in heaps. Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.
7 They began piling the heaps in the third month, finishing in the seventh. Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan.
8 Hezekiah and the officials came, saw the heaps, and blessed our Father and his people Israel. Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.
9 Hezekiah asked the priests and Levites about the heaps. Tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok.
10 Azariah the chief priest, of Zadok's house, answered him, "Since people began bringing contributions into our Father's house, we've eaten well with plenty remaining, for our Father blessed his people, leaving this large surplus." Sumagot si Azarias, ang punong pari na mula sa angkan ni Sadoc, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa Templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”
11 Then Hezekiah ordered them to prepare storerooms in the house of our Father, and they prepared them. Nag-utos si Ezequias na gumawa ng mga bodega sa Templo ng Panginoon, at nangyari nga ito.
12 They faithfully brought in the contributions, the tenth, and dedicated gifts. Conaniah the Levite led them; Shimei his brother was second. At matapat na dinala roon ng mga tao ang kanilang mga handog, mga ikapu at ang mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon. Si Conanias na isang Levita ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay na ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Simei.
13 Jehiel, Azaziah, Nahath, Asahel, Jerimoth, Jozabad, Eliel, Ismachiah, Mahath, and Benaiah oversaw, under Conaniah and his brother Shimei, appointed by King Hezekiah and Azariah, chief officer of our Father's house. Sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala nina Conanias at Simei. Pinili sila nina Haring Ezequias at Azarias na punong opisyal ng Templo ng Diyos.
14 Kore son of Imnah, the Levite gatekeeper toward the east, oversaw the voluntary offerings to our Father, distributing our Father's contributions and the most holy gifts. Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng Templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Diyos, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog.
15 Under him, Eden, Miniamin, Jeshua, Shemaiah, Amariah, and Shecaniah served faithfully in the priestly towns, distributing to fellow priests by divisions, great and small alike, Ang matatapat niyang katulong ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaias, Amarias, at Secanias. Pumunta sila sa mga bayan na tinitirhan ng mga pari na kanilang kadugo at ipinamahagi sa kanila ang kanilang bahagi sa mga handog, ayon sa kanilang grupo at tungkulin, bata man o matanda.
16 besides giving to those registered by genealogy, males three and up—all entering the house of our Father for daily duty—for their service by office and division. Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taóng gulang pataas ang edad, na pumupunta sa Templo ng Panginoon upang gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.
17 Priests were registered by clans; Levites twenty and up, by duty and division. Binigyan ang mga paring nakalista sa talaan ng mga angkan ng kanilang bahagi, at ganoon din ang mga Levita na nasa dalawampung taóng gulang pataas, na naglilingkod ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.
18 They were registered with all their little ones, wives, sons, and daughters—the whole community—for they faithfully dedicated themselves in holiness. Binigyan din ang mga pamilya ng mga Levita, ang kanilang mga asawa, mga anak, pati ang maliliit nilang anak. Ginawa ito sa lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan. Sapagkat matapat din sila sa paglilinis ng kanilang sarili.
19 For Aaron's priestly descendants living in the pasture-fields around their towns, men were named in each and every town to give shares to every male priest and all Levites listed by genealogy. Tungkol naman sa mga pari na angkan ni Aaron, na nakatira sa mga bukirin sa palibot ng mga bayan at sa ibang mga bayan, may mga taong pinagkatiwalaan na mamigay ng kanilang bahagi at sa bahagi ng lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan.
20 Hezekiah did this throughout all Judah. He did what was good, right, and faithful before our Father. Ganoon ang ginawa ni Ezequias sa buong Juda. Ginawa niya ang mabuti at ang tama, at naging tapat siya sa harapan ng Panginoon na kanyang Diyos.
21 In all he undertook—serving the house of our Father, keeping the law and command, seeking our Father—he gave his whole heart, and thrived. Naging matagumpay siya, dahil sa lahat ng ginawa niya sa Templo ng Diyos at sa pagsunod niya sa kautusan, dumulog siya sa kanyang Diyos nang buong puso.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]