Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 30 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hezekiah sent word to all Israel and Judah, and wrote letters to Ephraim and Manasseh, to come to the house of our Father in Jerusalem to keep the Passover to our Father, the God of Israel. Nagpadala si Ezequias ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manases. Inimbita niya sila na pumunta sa Templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
2 The king, his officials, and the whole assembly in Jerusalem had decided to keep the Passover in the second month, Nagpasya ang hari at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan.
3 since they could not keep it then, because too few priests had made themselves holy and the people had not gathered at Jerusalem. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem.
4 The plan seemed right to the king and to all the assembly, Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista,
5 so they sent a proclamation throughout Israel, from Beersheba to Dan, that the people should come to Jerusalem to keep the Passover to our Father, the God of Israel; for they had not kept it together in great numbers as written. kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Ngunit sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.
6 The couriers went through all Israel and Judah with letters from the king and his officials, ordered by the king: "Children of Israel, return to our Father, the God of Abraham, Isaac, and Israel, so he may return to the remnant of you who survived and escaped the power of the kings of Assyria. Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat: “Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, upang bumalik din siya sa inyo.
7 Do not be like your fathers and brothers, who were unfaithful to our Father, the God of their fathers, so he made them a desolation, as you see. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Diyos, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon.
8 Don't be stubborn like your fathers; give yourselves to our Father and come to his sanctuary, which he dedicated forever, and serve your Father, so his fierce anger turns from you. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa Templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Diyos, upang mawala ang matindi niyang galit sa inyo.
9 For if you return to our Father, your brothers and your children will find compassion from their captors and return to this land. For your Father is gracious and merciful; he will not turn his face from you if you return to him." Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya.”
10 The couriers went from city to city through Ephraim and Manasseh to Zebulun, but the people laughed at them and mocked them. Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manases hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao.
11 Even so, some from Asher, Manasseh, and Zebulun humbled themselves and came to Jerusalem. Ngunit may ibang galing sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem.
12 The hand of our Father was also on Judah, giving them one heart to do what the king and officials commanded by the word of our Father. Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda upang magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.
13 A very large assembly gathered at Jerusalem to keep the Feast of Bread Without Yeast in the second month. Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.
14 They set to work and removed the altars in Jerusalem, and they took away all the incense altars, throwing them into the Kidron Valley. Inalis nila ang mga altar para sa mga diyos-diyosan sa Jerusalem, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.
15 They slaughtered the Passover lamb on the fourteenth of the second month. The priests and Levites were ashamed, so they dedicated themselves and brought burnt offerings to the house of our Father. Nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita ay napahiya kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon.
16 They stood at their posts by custom, as the Law of Moses the man of God requires; the priests sprinkled the blood the Levites handed them. Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.
17 Many in the assembly had not dedicated themselves, so the Levites were in charge of killing the Passover lambs for everyone unclean, to dedicate them to our Father. Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon.
18 A large number of the people, many from Ephraim, Manasseh, Issachar, and Zebulun, had not purified themselves, yet ate the Passover, though not as written. But Hezekiah prayed for them: "May our good Father pardon everyone, Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, “O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao
19 who sets his heart to seek our Father, the God of his fathers, though not clean by the sanctuary's rules." na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo.”
20 And our Father listened to Hezekiah and healed the people. Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.
21 The Israelites in Jerusalem kept the Feast of Bread Without Yeast seven days with great joy, and day by day the Levites and priests praised our Father with loud instruments resounding to him. Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.
22 Hezekiah spoke encouragingly to all the Levites skilled in serving our Father. For seven days they ate their festival share, offering peace offerings and giving thanks to our Father, the God of their fathers. Pinuri ni Ezequias ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog pangkapayapaan, at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
23 Then the whole assembly agreed to keep the feast another seven days, and they kept it seven more days with joy. Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan.
24 Hezekiah king of Judah gave the assembly 1,000 bulls and 7,000 sheep, and the officials gave 1,000 bulls and 10,000 sheep, and many priests dedicated themselves. Nagbigay si Haring Ezequias sa mga tao ng isang libong toro, pitong libong tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng isang libong toro at sampung libong tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili.
25 All Judah's assembly rejoiced, with the priests, the Levites, the whole assembly that came from Israel, and the foreigners from Israel's land and those living in Judah. Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda.
26 Great joy filled Jerusalem, for nothing like this had happened there since the days of Solomon son of David, king of Israel. Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel.
27 The priests and Levites rose to bless the people, and their voice was heard; their prayer reached his holy home in heaven. Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Diyos sa langit, sa kanyang banal na tahanan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]