Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 29 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hezekiah became king at twenty-five, reigning twenty-nine years in Jerusalem. His mother: Abijah, daughter of Zechariah. Si Ezequias ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Abias na anak ni Zacarias.
2 He did right in our Father's eyes, just as his father David had done. Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.
3 In his reign's first year, first month, he opened the doors of our Father's house and repaired them. Sa unang buwan nang unang taon ng paghahari niya, pinabuksan niyang muli ang mga pintuan ng Templo ng Panginoon at ipinaayos ito.
4 He brought in the priests and the Levites and gathered them in the eastern square. Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng Templo.
5 He told them, "Hear me, Levites! Dedicate yourselves now, and dedicate our Father's house, the God of your fathers, and remove the filth from the Holy Place. Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan nʼyo ako, kayong mga Levita! Linisin ninyo ang inyong mga sarili ngayon, at linisin din ninyo ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Kunin nʼyo sa Templo ang lahat ng bagay na itinuturing na marumi.
6 Our ancestors were unfaithful, doing evil in our Father's eyes; they abandoned him, turned their faces from our Father's dwelling, and turned their backs. Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Diyos at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang Templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.
7 They also shut the entrance hall doors, extinguished the lamps, and did not burn incense or offer burnt offerings in the sanctuary to our Father, the God of Israel. Isinara nila ang mga pintuan sa balkonahe ng Templo at pinatay ang mga ilaw. Hindi sila nagsunog ng insenso o nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo para sa Diyos ng Israel.
8 So our Father's anger fell on Judah and Jerusalem, making them an object of terror, horror, and scorn, as you see with your own eyes. Kaya nagalit ang Panginoon sa Juda at sa Jerusalem. At dahil sa kanyang parusa sa atin, pinandirihan, kinutya at minaliit tayo ng mga tao gaya ng inyong nakikita ngayon.
9 For our fathers fell by the sword; our sons, daughters, and wives are captive for this. Namatay ang mga ninuno natin sa labanan, at binihag ang ating mga asawaʼt anak.
10 Now I intend to make a covenant with our Father, the God of Israel, so his fierce anger turns from us. Ngunit ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, upang mawala ang matindi niyang galit sa atin.
11 My sons, don't be negligent now—our Father chose you to stand before him, serve him, be his servants, and burn incense." Kaya mga minamahal, huwag na kayong magpabaya. Kayo ang pinili ng Panginoon upang tumayo sa kanyang presensya, at upang maglingkod at maghandog.”
12 The Levites stood: Kohathites—Mahath, Amasai's son, and Joel, Azariah's son; Merarites—Kish, Abdi's son, and Azariah, Jehallelel's son; Gershonites—Joah, Zimmah's son, and Eden, Joah's son; Kaya nagsimula sa paggawa ang mga Levita: Sa pamilya ni Kohat: sina Mahat na anak ni Amasai at Joel na anak ni Azarias. Sa pamilya ni Merari: sina Kish na anak ni Abdi at Azarias na anak ni Jehalelel. Sa pamilya ni Gerson: sina Joah na anak ni Zima at Eden na anak naman ni Joah.
13 of the sons of Elizaphan, Shimri and Jeiel; of the sons of Asaph, Zechariah and Mattaniah; Sa angkan ni Elizafan: sina Simri at Jeiel. Sa angkan ni Asaf: sina Zacarias at Matanias.
14 of the sons of Heman, Jehiel and Shimei; and of the sons of Jeduthun, Shemaiah and Uzziel. Sa angkan ni Heman: sina Jehiel at Simei. Sa angkan ni Jedutun: sina Semaias at Uziel.
15 They gathered their brothers, made themselves holy, and went to clean our Father's house, as the king commanded by our Father's words. Tinipon nila ang kanilang mga kadugong Levita at nilinis nila ang kanilang sarili. Nilinis din nila ang Templo ng Panginoon ayon sa iniutos ng hari. Sinunod nila ang sinabi ng Panginoon.
16 The priests entered our Father's inner house to cleanse it, bringing all the impurity they found in our Father's temple out to the courtyard. The Levites carried it out to the Kidron brook. Pumasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon upang linisin ito. Inilagay nila sa bakuran ng Templo ang lahat na kanilang nakitang kagamitang marurumi. At dinala ito ng mga Levita sa Lambak ng Kidron.
17 They began dedicating the first day of month one; by the eighth day of that month, they reached our Father's entrance hall. They dedicated the house of our Father eight days, finishing the sixteenth day of month one. Sinimulan nilang maglinis sa unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw, umabot sila sa balkonahe ng Templo ng Panginoon. Ipinagpatuloy nila ang paglilinis sa loob pa ng walong araw, at natapos nila ang paglilinis sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.
18 Then they came in to King Hezekiah and said, "We have cleaned all of our Father's house—the altar of burnt offering with all its utensils, and the table of the Bread of the Presence with all its utensils. Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Ezequias at sinabi, “Mahal na Hari, nalinis na po namin ang buong Templo ng Panginoon pati ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat po ng kagamitan nito, at ang mesa na pinaglalagyan po ng tinapay na inihahandog at ang lahat ng kagamitan nito.
19 All the utensils King Ahaz discarded during his unfaithful reign we have prepared and dedicated—they stand before our Father's altar." Naibalik na rin po namin ang lahat ng kagamitang tinanggal ni Haring Ahaz nang mga panahong hindi siya naging matapat sa Diyos. Nilinis na po namin ang mga ito at handa nang gamitin. Naroon na po ang mga ito ngayon sa harapan ng altar ng Panginoon.”
20 King Hezekiah rose early, gathered the city's officials, and went up to our Father's house. Kinabukasan, maaga paʼy tinipon na ni Haring Ezequias ang mga opisyal ng lungsod at pumunta sila sa Templo ng Panginoon.
21 They brought seven bulls, seven rams, seven lambs, seven male goats as a sin offering for the kingdom, sanctuary, and Judah, and he commanded Aaron's sons, the priests, to offer them on our Father's altar. Nagdala sila ng pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong batang tupa, at pitong lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan para sa kanilang kaharian, sa Templo at sa mga mamamayan ng Juda. Inutusan ni Haring Ezequias ang mga pari na mula sa angkan ni Aaron upang ihandog ang mga iyon sa altar ng Panginoon.
22 They killed the bulls; the priests took the blood and splashed it on the altar. They killed the rams and splashed the blood on the altar, then killed the lambs and splashed the blood on the altar. Kaya kinatay ng mga pari ang mga toro at iwinisik ang dugo nito sa altar. Ganoon din ang ginawa sa mga lalaking tupa at sa mga batang tupa.
23 They brought the sin-offering goats before the king and assembly, and laid their hands on them. Ang mga kambing na handog para sa kasalanan ay dinala nila sa hari at sa mga tao, at kanilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa mga kambing.
24 The priests slaughtered them and made a sin offering with their blood on the altar to atone for all Israel, because the king had ordered the burnt offering and sin offering for all Israel. Pagkatapos, kinatay ng mga pari ang mga kambing at ibinuhos ang dugo nito sa altar bilang handog para sa paglilinis ng kasalanan ng lahat ng mga Israelita. Sapagkat nag-utos ang hari na mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan para sa lahat ng Israelita.
25 He stationed the Levites in our Father's house with cymbals, harps, and lyres, as David, Gad the king's seer, and Nathan the prophet commanded—for the command came from our Father through his prophets. Pagkatapos, nagtalaga si Ezequias ng mga Levita sa Templo ng Panginoon na may mga pompyang, alpa at mga lira. Itoʼy ayon sa utos ng Panginoon kay Haring David sa pamamagitan ni Gad na propeta ni David at kay Propeta Natan.
26 The Levites stood with the instruments of David, and the priests with the trumpets. Pumwesto ang mga Levita na may mga instrumento ni Haring David, at ang mga pari na may mga trumpeta.
27 Hezekiah ordered the burnt offering on the altar; when it began, the song of our Father began too, with the trumpets and the instruments of David, king of Israel. At nag-utos si Ezequias na ihandog sa altar ang mga handog na sinusunog. Habang naghahandog, ang mga awit ng papuri sa Panginoon ay sinimulan din, na tinutugtugan ng mga trumpeta at iba pang mga instrumento ni Haring David ng Israel.
28 The whole assembly bowed, the singers sang, the trumpeters sounded, until the burnt offering was finished. Ang buong kapulungan ay lumuhod sa pagsamba sa Panginoon habang umaawit ang mga mang-aawit at nagpapatugtog ang mga taga-trumpeta hanggang sa maialay ang lahat ng handog na sinusunog.
29 When the offering ended, the king and all present with him bowed and worshiped. Pagkatapos ng paghahandog, lumuhod si Haring Ezequias at ang lahat ng kasama niya, at sumamba sa Panginoon.
30 King Hezekiah and the officials had the Levites praise our Father with words from David and Asaph the seer. They sang for joy, bowed low, and worshiped. Nag-utos si Haring Ezequias at ang kanyang mga opisyal sa mga Levita upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga awit na ginawa ni Haring David at ni Asaf na propeta. Kaya umawit sila ng mga awit ng pagpupuri na may kagalakan habang nakayuko sila sa pagsamba sa Diyos.
31 Then Hezekiah said, "You have now dedicated yourselves to our Father. Come near, bring sacrifices and thank offerings to our Father's house." So the assembly brought sacrifices and thank offerings; all willing hearts brought burnt offerings. Pagkatapos, sinabi ni Ezequias, “Ngayong naihandog nʼyo na ang inyong sarili sa Panginoon, magdala kayo ng mga handog, kasama ang mga handog ng pasasalamat sa Templo ng Panginoon.” Kaya nagdala ang mga tao ng mga handog na ito sa Templo ng Panginoon, at ang iba ay kusang-loob na nag-alay ng mga handog na sinusunog.
32 The assembly brought seventy bulls, one hundred rams, 200 lambs—all as a burnt offering to our Father. Ang bilang ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon na dinala ng mga tao ay pitumpung toro, isang daang lalaking tupa at dalawandaang batang tupa.
33 And the consecrated offerings were 600 bulls and 3,000 sheep. Nagdala rin sila ng iba pang mga handog na animnaraang toro at tatlong libong tupa at kambing.
34 The priests were too few to skin all the burnt offerings, so their Levite brothers helped them until the work was done and until the priests made themselves holy; the Levites were more honest in heart to make themselves holy than the priests. Ngunit kakaunti lang ang mga pari na nagkakatay ng mga hayop para sa mga handog na sinusunog. Kaya tumulong sa kanila ang mga kamag-anak nilang Levita hanggang matapos ang gawaing iyon at hanggang sa dumami na ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili. Sapagkat mas matapat pa ang mga Levita sa paglilinis ng kanilang sarili kaysa sa mga pari.
35 Besides the many burnt offerings, there was fat from peace offerings and drink offerings for them. So the service of our Father's house was restored. Napakaraming handog na sinusunog, pati mga taba ng mga hayop na handog pangkapayapaan, at mga handog na inuming inialay kasama ng mga handog na sinusunog. Sa ganitong paraan, muling naibalik ang mga gawain sa Templo ng Panginoon.
36 Hezekiah and all the people rejoiced over what our Father prepared for them, since it happened suddenly. Labis ang kagalakan ni Ezequias at ng mga tao sa tulong na ginawa ng Diyos, dahil mabilis na nagawa ang lahat ng ito.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]