Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Ahaz became king at twenty; he reigned sixteen years in Jerusalem. He did not do right in our Father's eyes, as his ancestor David had. Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.
2 Instead, he walked in the ways of Israel's kings and cast metal idols for the Baals. Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, at gumawa ng metal na mga imahen ni Baal.
3 He burned incense in Ben-Hinnom Valley and burned his sons in fire, copying detestable practices of the nations our Father drove out before Israel. Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben-hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.
4 He sacrificed and burned incense on the high places, the hills, and under every leafy tree. Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng mga burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.
5 So our Father gave him to Aram's king, who struck him, took many captives to Damascus; he was also given to Israel's king, who struck him a heavy blow. Kaya ipinatalo siya ng Panginoon na kanyang Diyos sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at marami sa kanyang mamamayan ang binihag sa Damasco. Ipinatalo din siya sa hari ng Israel, na pumatay ng marami sa kanyang mamamayan.
6 Pekah son of Remaliah killed 120,000 brave men of Judah in one day, because they abandoned our Father, the God of their ancestors. Sa isang araw lang ay 120,000 sundalo ng Juda ang pinatay ni Haring Peka na anak ni Remalias. Nangyari ito sa mga taga-Juda dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
7 Zichri, an Ephraim warrior, killed Maaseiah the king's son, Azrikam the palace commander, and Elkanah, the king's second. Pinatay ni Zicri, na isang matapang na sundalo ng Israel, sina Maasias na anak ni Haring Ahaz, Azrikam na tagapamahala ng palasyo, at Elcana na pangalawa sa hari.
8 Israel captured 200,000 relatives—women, sons, daughters—and much plunder, carrying it off to Samaria. Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.
9 Oded, a prophet of our Father, was there. He met the army returning to Samaria: "See, our Father, the God of your ancestors, was angry with Judah, so he handed them to you. But you killed them with rage reaching heaven. Ngunit nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Ngunit labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit.
10 Now you intend to enslave Judah and Jerusalem's people, male and female. Aren't you yourselves guilty of sins against your Father? At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Diyos?
11 Now listen: send back the relatives you captured, for our Father's fierce anger is on you." Makinig kayo sa akin! Galit na galit ang Panginoon sa inyo. Kaya pabalikin nʼyo ang inyong mga kadugo na inyong binihag.”
12 Some Ephraimite chiefs—Azariah son of Johanan, Berechiah son of Meshillemoth, Jehizkiah son of Shallum, Amasa son of Hadlai—opposed those coming from battle. Ganito rin ang sinabi ng ibang mga pinuno ng Israel sa mga sundalo na dumating galing sa labanan. Ang mga pinuno ay sina Azarias na anak ni Johanan, Berequias na anak ni Mesilemot, Jehizkias na anak ni Salum, at Amasa na anak ni Hadlai.
13 "Don't bring the captives here," they said. "You plan to add to our sins and guilt against our Father. Our guilt is already great, and fierce anger hangs over Israel." Ito ang sinabi nila sa mga sundalo: “Huwag nʼyong dalhin dito ang mga bihag na iyan, dahil pananagutan natin ito sa Panginoon. Dadagdagan nʼyo pa ba ang kasalanan natin? Marami na tayong kasalanan, at galit na galit na ang Panginoon sa Israel.”
14 So the soldiers handed the captives and plunder in front of the officials, before the whole assembly. Kaya pinakawalan ng mga sundalo ang mga bihag at isinauli ang kanilang ari-arian sa harapan ng mga pinuno at mga mamamayan.
15 The named men took the captives and clothed all the naked from the plunder. They gave them clothes and sandals, food and drink, and anointed them with oil. They set the feeble on donkeys, brought them to their fellow Israelites at Jericho, city of palms, then returned to Samaria. Pagkatapos, lumapit sa mga bihag ang apat na pinuno na nabanggit, at tinulungan ang mga bihag. Kumuha sila ng mga damit mula sa mga kagamitang nasamsam ng mga sundalo, at ipinasuot ito sa mga hubad na bihag. Binigyan nila ang mga bihag ng mga damit, sandalyas, inumin, at gamot. Ipinasakay nila sa mga asno ang mga mahihina, at dinala nila pabalik ang lahat ng bihag sa kani-kanilang mga kababayan. Doon nila sila iniwan sa Jerico, sa Bayan ng mga Palma. Pagkatapos, umuwi sila sa Samaria.
16 At that time King Ahaz sent to the king of Assyria for help. Nang panahong iyon, humingi ng tulong si Haring Ahaz sa hari ng Asiria.
17 The Edomites had invaded Judah once again and carried off captives, Sapagkat muling nilusob ng mga taga-Edom ang Juda at binihag ang ibang mga naninirahan dito.
18 while Philistines raided Judah's lowland and Negev towns, seizing Beth-shemesh, Aijalon, Gederoth, Soco, Timnah, and Gimzo with their villages, and settled there. Bukod pa rito, nilusob din ng mga Filisteo ang mga bayan ng Juda na nasa kaburulan sa kanluran at nasa Negeb. Naagaw nila ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo, pati ang mga baryo sa paligid nito; at doon na sila nanirahan.
19 Our Father humbled Judah because of Ahaz king of Israel, who spread wrongdoing in Judah and betrayed our Father completely. Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.
20 Tiglath-pileser king of Assyria came to Ahaz, but Tiglath-pileser brought him trouble instead of help. Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.
21 Ahaz stripped our Father's house, the royal palace, and the officials of their treasures, giving them to Assyria's king—yet it brought him no help. Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.
22 In his time of distress, this same King Ahaz became even more unfaithful to our Father. Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon.
23 He sacrificed to Damascus's gods, his defeaters, thinking, "Aram's kings' gods helped them; I'll sacrifice to them so they'll help me." But they ruined him and all Israel. Nag-alay siya ng mga handog sa mga diyos ng mga taga-Damasco na tumalo sa kanya. Sapagkat sinabi niya, “Ang mga hari ng Aram ay tinulungan ng kanilang mga diyos. Kaya maghahandog din ako sa mga diyos na ito upang tulungan din nila ako.” Ngunit ang mga ito ang nagpahamak sa kanya at sa mga taga-Israel.
24 Ahaz gathered the articles of our Father's house and cut them to pieces, shut the doors of our Father's house, and set up altars for himself at every corner in Jerusalem. Kinuha ni Ahaz ang mga kagamitan sa Templo ng Diyos at ipinadurog ito. Ipinasara niya ang pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpatayo siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem.
25 In every Judah town he built high places to burn offerings to other gods, angering our Father, the God of his ancestors. Nagpatayo rin siya ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan sa Juda, upang makapaghandog sa ibang mga diyos. At labis itong nakapagpagalit sa Panginoon, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
26 The rest of his deeds and all his ways, first to last, are written in the Book of the Kings of Judah and Israel. Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahaz at sa kanyang pag-uugali, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.
27 Ahaz rested with his ancestors, buried in Jerusalem, but not in Israel's kings' tombs. His son Hezekiah reigned instead. Nang mamatay si Ahaz, inilibing siya sa lungsod ng Jerusalem, pero hindi sa libingan ng mga hari ng Israel. At ang anak niyang si Ezequias ang pumalit sa kanya bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]