Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 36 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The people of the land took Josiah's son Jehoahaz and made him king in Jerusalem in place of his father. Ang anak ni Josias na si Jehoahaz ang ipinalit ng mga tao na hari sa Jerusalem.
2 Jehoahaz was twenty-three years old when he became king, and he reigned three months in Jerusalem. Si Jehoahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan.
3 Egypt's king deposed him at Jerusalem and fined the land about 7,500 pounds of silver and 75 pounds of gold. Tinanggal siya sa kanyang trono ni Haring Neco ng Ehipto, at pinagbayad ni Neco ang mga taga-Juda ng buwis na 3,500 kilong pilak at tatlumpuʼt limang kilong ginto.
4 Egypt's king made his brother Eliakim king over Judah and Jerusalem, renaming him Jehoiakim; Neco took his brother Jehoahaz to Egypt. Dinalang bihag ni Neco si Jehoahaz sa Ehipto, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem si Eliakim na kapatid ni Jehoahaz. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.
5 Jehoiakim was twenty-five when he became king; he reigned eleven years in Jerusalem, doing evil in our Father's eyes. Si Jehoiakim ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.
6 Nebuchadnezzar king of Babylon marched against him, bound him in bronze chains to take him to Babylon. Nilusob siya ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at kinadenahan, at dinala sa Babilonia.
7 Nebuchadnezzar also took some of our Father's house articles to Babylon, putting them in his temple in Babylon. Dinala rin ni Nebucadnezar sa Babilonia ang ibang mga kagamitan ng Templo ng Panginoon at inilagay sa kanyang palasyo.
8 The rest of Jehoiakim's acts, his detestable things, and the charges against him are written in the Book of Kings of Israel and Judah; his son Jehoiachin reigned in his place. Ang ibang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoiakim at ang mga kasuklam-suklam at masasamang bagay na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. At ang anak niyang si Jehoiakin ang pumalit sa kanya bilang hari.
9 Jehoiachin was eight when he became king; he reigned three months and ten days in Jerusalem, doing evil in our Father's eyes. Si Jehoiakin ay labingwalong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan at sampung araw. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.
10 In spring, King Nebuchadnezzar brought him to Babylon with the precious articles from our Father's house, making Zedekiah, Jehoiachin's relative, king over Judah and Jerusalem. Sa pagsisimula ng taon, binihag ni Haring Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia. Pinagkukuha niya ang mga mamahaling ari-arian sa Templo ng Panginoon, at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang tiyuhin ni Jehoiakin na si Zedequias.
11 Zedekiah was twenty-one years old when he became king, and he reigned eleven years in Jerusalem. Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon.
12 He did evil in our Father's eyes, not humbling himself before Jeremiah the prophet, who spoke from our Father's mouth. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos at hindi siya nagpakumbaba kay Jeremias na propeta ng Panginoon.
13 He also rebelled against King Nebuchadnezzar, who made him swear by our Father, stiffening his neck and hardening his heart, refusing to return to our Father, God of Israel. Nagrebelde rin siya kay Haring Nebucadnezar, kahit pinanumpa siya nito sa pangalan ng Diyos. Naging matigas ang puso ni Zedequias, at ayaw niyang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
14 All the leading priests and the people grew more and more unfaithful, matching all the nations' detestable practices, and made unclean the house our Father had made holy in Jerusalem. Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay lalong hindi naging tapat. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang Templo ng Panginoon na itinalagang banal sa Jerusalem.
15 Our Father, the God of their fathers, sent word repeatedly through his messengers, pitying his people and his dwelling place. Palaging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang Templo.
16 But they mocked our Father's messengers, despised his words, mocked his prophets, until our Father's anger rose against his people, past remedy. Ngunit hinamak nila ang mga propeta ng Diyos, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.
17 So he brought Chaldea's king against them, who killed their young men with the sword in their sanctuary, sparing no young man, virgin, elder, or aged. Our Father gave them all into his hand. Ipinalusob niya ang mga taga-Babilonia sa kanila. Pinatay ng mga taga-Babilonia ang kanilang mga kabataang lalaki kahit sa Templo. Wala silang awa kahit kaninuman, lalaki man o babae, bata man o matanda, sakitin man o hindi. Ipinaubaya ng Diyos ang lahat niyang mamamayan kay Nebucadnezar.
18 All the articles of our Father's house, great and small, the treasures of our Father's house and of the king and his officials—all he brought to Babylon. Dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia ang lahat ng kagamitan sa Templo ng Diyos, maliliit at malalaki, at ang lahat ng kayamanan ng Templo ng Panginoon, ng hari, at ng kanyang mga opisyal.
19 They burned the house of our Father, tore down Jerusalem's wall, burned all its palaces, destroyed everything valuable in it. Pagkatapos, sinunog nila ang Templo ng Diyos at tinibag ang pader ng Jerusalem. Sinunog din nila ang lahat ng matitibay na bahagi ng lungsod, at giniba ang lahat ng mamahaling bagay.
20 He exiled the sword's survivors to Babylon; they served him and his sons until Persia's kingdom began to reign, Dinalang bihag ni Nebucadnezar sa Babilonia ang mga Israelita na hindi namatay, at ang mga ito ay naging alipin niya at ng kanyang mga anak hanggang sa naging makapangyarihan ang kaharian ng Persia.
21 to fulfill our Father's word through Jeremiah: until the land enjoyed its sabbaths, all its desolate days it rested, fulfilling seventy years. Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias, na magiging mapanglaw ang lupain at makakapagpahinga ito sa loob ng pitumpung taon.
22 In Cyrus king of Persia's first year, to fulfill our Father's word through Jeremiah, our Father stirred Cyrus king of Persia's spirit to proclaim throughout all his kingdom, and to put it in writing: Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang sinabi niya sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa kanyang buong kaharian.
23 Cyrus king of Persia says: "The LORD, God of heaven, gave me all earth's kingdoms and charged me to build him a house in Jerusalem, in Judah. Any of his people among you—may the LORD his God be with him—let him go up." Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia: “Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng Templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda. Kayong lahat ng mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa inyong lupain. At nawaʼy samahan kayo ng Panginoon.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]