Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Amaziah became king at twenty-five and reigned twenty-nine years in Jerusalem. His mother was Jehoaddan of Jerusalem. Si Amazias ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang siya ay naging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Jehoadin na taga-Jerusalem.
2 He did what was right in the eyes of our Father, but not wholeheartedly. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi lubos ang kanyang pagsunod.
3 Once the kingdom was firmly his, he executed the servants who had killed his father the king. Nang matatag na ang paghahari ni Amazias, ipinapatay niya ang mga opisyal na pumatay sa kanyang amang hari.
4 But he did not put their children to death, as written in the Law, the book of Moses, where our Father commanded, "Parents must not die for their children, nor children for their parents; each dies for his own sin." Ngunit hindi niya ipinapatay ang kanilang mga anak, dahil ayon sa nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises, sinabi ng Panginoon, “Hindi dapat mamatay ang mga magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, at ang mga anak ay hindi rin dapat patayin dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang. Mamamatay lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.”
5 Amaziah gathered Judah, organized them by ancestral houses under commanders of thousands and hundreds, for all Judah and Benjamin. He counted those twenty and up: 300,000 chosen men fit for war, handling spear and shield. Tinipon ni Amazias ang kanyang mga sundalo na mula sa Juda at Benjamin. Binukod-bukod niya sila ayon sa kanilang pamilya at nilagyan ng mga kumander na mamamahala ng tig-isandaan at tig-isang libong sundalo. Pagkatapos, binilang niya ang kanyang mga sundalo na nasa dalawampung taóng gulang pataas, at ang bilang ay tatlondaang libo. Silaʼy mahuhusay sa sibat at pananggalang.
6 He also hired 100,000 strong warriors from Israel for about 7,500 pounds of silver. Kumuha rin siya ng isandaang sundalo mula sa Israel. Nagbayad siya ng 3,500 kilong pilak bilang upa sa mga sundalo.
7 A man of our Father came to him: "King, don't let Israel's army go with you, for our Father is not with Israel—all these Ephraimites. Ngunit may isang lingkod ng Diyos na pumunta kay Amazias at nagsabi, “Mahal na Hari, huwag po kayong kumuha ng mga sundalong mula sa Israel, dahil ang bayang iyon ay hindi pinapatnubayan ng Panginoon. Ang mga mamamayan ng Efraim ay hindi na tinutulungan ng Panginoon.
8 Even if you fight bravely, our Father will overthrow you before the enemy, for our Father has power to help or overthrow." Kung pasasamahin nʼyo po sila sa labanan, matatalo kayo kahit makipaglaban pa kayo nang mabuti. Ang Diyos lang ang may kapangyarihang makapagpapanalo o makapagpapatalo sa inyo.”
9 Amaziah asked the man of our Father, "But what about the roughly 7,500 pounds of silver I gave Israel's troops?" He replied, "Our Father can give you far more than this." Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, “Ngunit paano ang ibinayad kong 3,500 kilong pilak sa mga sundalong Israelita?” Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Higit pa po diyan ang ibibigay ng Panginoon sa inyo.”
10 So Amaziah sent home the troops that came to him from Ephraim. They burned with anger against Judah and returned home enraged. Kaya pinauwi ni Amazias ang mga sundalo na taga-Efraim. Umuwi sila na galit na galit sa Juda.
11 But Amaziah took courage, led out his people to the Valley of Salt, and struck down 10,000 men of Seir. Buong tapang na lumusob si Amazias at pinangunahan niya ang kanyang mga sundalo sa pagpunta sa Lambak ng Asin, kung saan nakapatay sila ng sampung libong Edomita.
12 Judah's men also captured 10,000 alive, took them to the cliff top, and threw them down, smashing them all to pieces. Nakadakip pa sila ng sampung libong sundalo, at dinala nila ito sa isang bangin at doon inihulog, kaya nagkabali-bali ang buto ng mga ito.
13 Meanwhile the troops Amaziah sent back, not letting them join the battle, raided Judah's cities from Samaria to Beth-horon, struck down 3,000 people, and carried off much plunder. Samantala, ang mga sundalong pinauwi ni Amazias at hindi pinasama sa labanan ay lumusob sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Nakapatay sila ng tatlong libong tao, at maraming ari-arian ang kanilang sinamsam.
14 After Amaziah defeated the Edomites, he brought back the gods of Seir's people, set them up as his own gods, bowed to them, and burned offerings to them. Pagbalik ni Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang kanilang mga diyos-diyosan. Ginawa niya itong sariling diyos, sinamba, at pinag-alayan ng mga handog.
15 So our Father's anger burned against Amaziah, and he sent a prophet, who asked, "Why seek this people's gods, which couldn't save their own from your hand?" Kaya labis ang galit ng Panginoon kay Amazias. Nagpadala siya ng propeta kay Amazias para sabihin, “Bakit dumudulog ka sa mga diyos-diyosan na hindi nakapagligtas ng kanilang mga mamamayan sa iyong mga kamay?”
16 As he spoke, the king said, "Did we make you the king's counselor? Stop! Why be killed?" The prophet stopped but said, "I know our Father has determined to destroy you, because you did this and ignored my counsel." Habang nagsasalita ang propeta, sumagot ang hari, “Bakit mo ako pinapayuhan? Ginawa ba kitang tagapayo? Tumahimik ka, dahil kung hindi, ipapapatay kita!” Kaya tumahimik ang propeta pagkatapos niyang sabihin, “Tiyak na lilipulin ka ng Diyos dahil sinamba mo ang mga diyos-diyosan at hindi ka nakinig sa akin.”
17 Amaziah king of Judah consulted his advisers, then sent to Joash son of Jehoahaz, son of Jehu, king of Israel: "Come, let us face each other in battle." Matapos makipag-usap ni Haring Amazias sa kanyang mga tagapayo, nagpadala siya ng mensahe sa hari ng Israel na si Jehoas na anak ni Joahaz at apo ni Jehu. Hinamon niya si Jehoas na maglaban sila.
18 Joash king of Israel answered Amaziah king of Judah: "A Lebanon thistle sent to a Lebanon cedar, saying, 'Give your daughter to my son as wife.' But a wild Lebanon beast passed and trampled the thistle. Ngunit sinagot siya ni Haring Jehoas sa pamamagitan ng kuwentong ito: “Doon sa Lebanon ay may halamang may tinik na nagpadala ng mensahe sa puno ng sedro: ‘Ipakasal mo ang iyong anak na babae sa aking anak na lalaki.’ Ngunit may dumaang hayop mula sa gubat at tinapak-tapakan ang halamang may tinik.
19 You said, 'Look, I have struck down Edom,' and your heart grew proud, boasting. Stay home. Why court disaster and fall—you and Judah with you?" Sinasabi mo sa sarili mo na natalo mo ang Edom, at ipinagyayabang mo ito. Magdiwang ka pero manatili ka na lang sa iyong bahay. Bakit mo pipiliin ang gulo na magdadala lang ng kapahamakan sa iyo at sa Juda?”
20 But Amaziah wouldn't listen—this was from our Father, to hand them over for seeking Edom's gods. Ngunit hindi nakinig si Amazias, dahil kumikilos ang Diyos upang wasakin siya ni Jehoas dahil sa kanyang pagsamba sa mga diyos ng Edom.
21 So Joash king of Israel marched up, and he and Amaziah king of Judah faced off at Beth-shemesh in Judah. Kaya nilusob siya ni Haring Jehoas at ng mga sundalo nito. Naglaban sila sa Bet-semes na sakop ng Juda.
22 Judah was defeated by Israel, and everyone fled to his own home. Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kanilang bahay.
23 Joash king of Israel captured Amaziah king of Judah, son of Joash, son of Jehoahaz, at Beth-shemesh, took him to Jerusalem, and broke down its wall from the Ephraim Gate to the Corner Gate—about 600 feet. Nadakip ni Haring Jehoas si Haring Amazias doon sa Bet-semes, at dinala niya ito sa Jerusalem. Pagkatapos, giniba ni Jehoas ang mga pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.
24 He took all the gold, silver, and articles found in the house of our Father in Obed-edom's care, plus the palace treasures and hostages, and returned to Samaria. Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.
25 Amaziah son of Joash, king of Judah, lived fifteen years after Joash son of Jehoahaz, king of Israel, died. Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.
26 The rest of Amaziah's acts, first to last, are they not written in the Book of the Kings of Judah and Israel? Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan nga mga hari ng Juda at Israel.
27 After Amaziah turned from following our Father, they conspired against him in Jerusalem, and he fled to Lachish. But they sent men after him there and killed him. Matapos tumalikod ni Amazias sa Panginoon, may mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin siya. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis pero nagpadala sila ng tao upang sundan siya roon at patayin.
28 They brought him back on horseback and buried him with his ancestors in the City of Judah. Isinakay sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]