Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Joash became king at seven, and reigned forty years in Jerusalem. His mother Zibiah was from Beersheba. Si Joas ay pitong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng apatnapung taon. Ang kanyang ina ay si Sibias na taga-Beer-seba.
2 Joash did what was right in our Father's eyes all the days of Jehoiada the priest. Matuwid ang ginawa ni Joas sa paningin ng Panginoon sa buong buhay ng paring si Joiada.
3 Jehoiada chose two wives for him, and Joash had sons and daughters. Pumili si Joiada ng dalawang asawa para sa kanya, at nagkaroon siya ng mga anak na lalaki at babae.
4 Some time later, Joash set his heart on restoring the house of our Father. Pagkalipas ng ilang panahon, nagpasya si Joas na ipaayos ang Templo ng Panginoon.
5 He gathered the priests and Levites, told them, "Go to Judah's cities, collect money from all Israel yearly to repair your Father's house—hurry." But the Levites didn't hurry. Ipinatawag niya ang mga pari at mga Levita, at sinabi, “Pumunta kayo sa mga bayan ng Juda at kolektahin nʼyo ang mga buwis ng Israelita bawat taon, upang maipaayos natin ang Templo ng ating Diyos.” Ngunit hindi agad sumunod ang mga Levita.
6 The king summoned Jehoiada the chief priest: "Why haven't you required the Levites to bring the tax from Judah and Jerusalem that Moses, our Father's servant, and the assembly set on Israel for the tent of testimony?" Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Joiada, ang punong pari, at tinanong, “Bakit hindi mo kinolekta sa mga Levita ang buwis ng mga mamamayan ng Juda at ng Jerusalem? Hindi ba nag-utos si Moises na lingkod ng Panginoon sa mamamayan ng Israel na ibigay nila ang kanilang buwis para sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan?”
7 Athaliah's sons, that wicked woman, broke into our Father's house and even used all the holy things of our Father's house in worship of the Baals. Ang mga anak ng masamang babaeng si Atalia ay pumasok noon sa Templo ng Diyos at nanguha ng mga banal na kagamitan upang gamitin sa pagsamba kay Baal.
8 At the king's order, they made a chest and set it outside our Father's house gate. Kaya nag-utos si Haring Joas na gumawa ng isang kahon, at ilagay ito sa labas ng pintuan ng Templo ng Panginoon.
9 They announced in Judah and Jerusalem: bring our Father the tax Moses, our Father's servant, set on Israel in the wilderness. Pagkatapos, naglabas siya ng mensahe sa Juda at sa Jerusalem, na kailangang dalhin ng mga tao sa Panginoon ang kanilang buwis ayon sa iniutos ni Moises sa mamamayan ng Israel sa ilang.
10 All the officials and all the people rejoiced, bringing and dropping their gifts into the chest until full. Masayang nagbigay ang lahat ng opisyal at tao. Inihulog nila ang kanilang pera sa kahon hanggang mapuno ito.
11 Whenever the Levites brought the chest to the king's officials and saw it full of money, the royal secretary and chief priest's officer emptied it and returned it to its place. Daily they collected much money. Kapag puno na ang kahon, dinadala ito ng mga Levita sa mga opisyal ng hari. Pagkatapos, binibilang ito ng kalihim ng hari at ang opisyal ng punong pari, at ibinabalik nila ang kahon sa pintuan ng Templo. Ginagawa nila ito araw-araw hanggang sa dumami ang koleksyon.
12 The king and Jehoiada gave it to workers on our Father's house, who hired masons and carpenters to restore it, and iron and bronze workers to repair our Father's house. Pagkatapos, ibinigay nina Haring Joas at Joiada ang pera sa mga tao na namamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon. At kumuha sila ng mga karpintero at manggagawang mahusay sa bakal at tanso.
13 Workers labored; repair progressed by their hands. They restored our Father's house to its form and strengthened it. Napakasipag ng mga inatasan sa mga trabaho, kaya naging mabilis ang paggawa. Naayos nila ang Templo ng Diyos ayon sa orihinal na disenyo at mas pinatatag pa ito.
14 When finished, they brought the rest of the money to the king and Jehoiada, making from it articles for our Father's house: vessels for service and burnt offerings, dishes, gold and silver vessels. They offered burnt offerings in our Father's house continually, all Jehoiada's lifetime. Nang matapos ang trabaho, isinauli nila sa hari at kay Joiada ang sobrang pera at ginamit ito sa paggawa ng mga kagamitan sa Templo ng Panginoon – ang mga ginagamit sa pagsamba, sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog, pati na ang mga mangkok at mga sisidlan na ginto at pilak. At habang nabubuhay si Joiada, nagpatuloy ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon.
15 Jehoiada grew old and full of years, then died; at his death he was 130 years old. Nabuhay si Joiada nang mahabang panahon, at namatay siya sa edad na 130.
16 They buried him in the City of David among the kings, for doing good in Israel toward our Father and his house. Inilibing siya sa libingan ng mga hari sa Lungsod ni David, dahil sa mabubuting ginawa niya sa Israel para sa Diyos at sa kanyang Templo.
17 After Jehoiada died, Judah's officials came and bowed to the king, and he listened to them. Ngunit pagkatapos mamatay ni Joiada, pumunta ang mga opisyal ng Juda kay Haring Joas at hinimok siyang makinig sa kanila.
18 They abandoned our Father's house, God of their ancestors, served Asherah poles and idols—so anger came on Judah and Jerusalem for this guilt. Nagpasya sila na pabayaan na lang ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sumamba sa mga posteng imahen ni Ashera at sa iba pang mga diyos-diyosan. Dahil sa ginawa nila, nagalit ang Diyos sa Juda at sa Jerusalem.
19 Yet our Father sent them prophets to bring them back to himself; they warned them, but they wouldn't listen. Kahit nagpadala ang Panginoon ng mga propeta sa mga tao upang pabalikin sila sa kanya, at nagbigay ng babala ngunit hindi pa rin sila nakinig.
20 Then the Spirit of our Father came on Zechariah son of Jehoiada the priest. He stood before the people and said, "This is what our Father says: Why break his commands? You won't succeed—you abandoned him, so he abandons you." Si Zacarias na anak ni Joiada na pari ay pinuspos ng Espiritu ng Diyos. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at nagsabi, “Ito ang sinabi ng Diyos: Bakit hindi nʼyo sinusunod ang mga utos ng Panginoon? Hindi kayo uunlad kailanman. Dahil itinakwil nʼyo ang Panginoon, itatakwil din niya kayo.”
21 They conspired against him, stoning him in our Father's house courtyard at the king's command. Nagplano ang mga opisyal na patayin si Zacarias. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias sa loob ng bakuran ng Templo ng Panginoon, at namatay ito.
22 King Joash forgot the kindness Zechariah's father Jehoiada had shown him and killed his son. As Zechariah was dying he said, "May our Father see and require it." Kinalimutan ni Haring Joas ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Joiada, na ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya si Zacarias. Ito ang sinabi ni Zacarias nang naghihingalo na siya, “Sanaʼy makita ng Panginoon ang inyong ginawa, at singilin niya kayo.”
23 At the turn of the year Aram's army attacked Joash, invaded Judah and Jerusalem, killed all the people's officials, sent all their plunder to Damascus's king. Nang simula ng bagong taon, nilusob ng mga sundalo ng Aram ang Juda. Natalo nila ang Juda at ang Jerusalem, at pinatay nila ang mga pinuno ng Juda. At dinala nila sa kanilang hari sa Damasco ang lahat ng kanilang nasamsam.
24 Though Aram's army came with few men, our Father gave a much larger army into their hand, since Judah abandoned our Father, the God of their ancestors. So judgment fell on Joash. Kakaunti lang ang mga sundalo ng Aram na lumusob kung ihahambing sa mga sundalo ng Juda. Ngunit ipinatalo sa kanila ng Panginoon ang Juda, dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Kaya dumating ang parusang ito kay Joas.
25 When the Arameans left, leaving him badly wounded, his servants conspired against him for the blood of Jehoiada the priest's son, killing him on his bed. He died and was buried in the City of David, not in the kings' tombs. Pag-alis ng mga taga-Aram, naiwang malubhang sugatan si Joas. Ngunit nagplano ang kanyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya sa anak ni Joiada na pari. Kaya pinatay nila siya sa kanyang higaan. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.
26 Conspirators against him: Zabad son of Shimeath, Ammonite woman, and Jehozabad son of Shimrith, Moabite woman. Ang mga pumatay sa kanya ay sina Sabad na anak ng isang babaeng Amonita na si Simeat, at si Jehosabad na anak ng isang babaeng Moabita na si Simrit.
27 His sons, the many prophecies against him, and rebuilding our Father's house are written in the Book of the Kings' commentary; his son Amaziah reigned in his place. Ang salaysay tungkol sa mga anak ni Joas, sa mga propesiya tungkol sa kanya, at sa pagpapaayos ng Templo ng Diyos ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari. At ang anak niyang si Amazias ang pumalit sa kanya bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]